Bitbit ni Leena ang gitara na hiniram niya mula sa music room. Alas syete na ng gabi pero nagsisimula pa lamang ang kasiyahan sa field sa tapat ng BSEd building. Natapos na ang performance nila sa booth ng highschool kaya isasauli na niya ang gitara sa fourth floor ng CAS building kung nasaan ang music room.
Pag-apak niya sa second floor, nakasalubong niya sina Bien. Nanindig na naman ang balahibo niya nang ngumiti ang mga ito. Siya lang ba o sadyang parang pinahidan ng dugo ang labi ng mga ito?
May performance siguro sila, kumbinsi niya sa sarili.
"Hi, Leena!" bati ni Bien ng lumapas siya sa kanila. May diin ang pagkasabi nito kaya pinigilan ni Leena ang mapalunok. May maling presensya talaga ang tatlo. Nginitian lang niya sila pabalik at dumiretso na patungong fourth floor. Rinig pa niya ang kanilang hagikhik na umecho sa tenga niya.
Kumunot ang noo niya. May gumagamit ata sa music room. Rinig na rinig ni Leena ang malungkot na musikang nagmumula sa isang piano. Habang palapit na palapit siya sa kwarto ay palungkot na palungkot naman ang musika nito. Nang tumapat siya sa pinto ay hinaplos siya ng pamilyar na hangin. Malamig ito ngunit ngayon ay hindi siya nakaramdam ng takot. Nalulungkot siya sa hindi malamang dahilan. Dahil siguro sa musika.
Kumatok siya sa pinto bago pumasok. Natigil naman ang pagtugtog sa musika. Nang mapatingin siya sa malaking piano ay walang naroon.
Multo ba ang nagpiano?
Napaigtad si Leena sa lakas ng pagsirado ng pinto. Sa kaba niya ay nabitawan niya ang gitara. Dali-dali siyang lumapit sa pinto.
Locked! sigaw ng isipan ni Leena.
"Hoy! Sinong nandiyan?! Hindi ka nakakatuwa!" sigaw niya habang hinahampas ang pinto. Natigil lang siya nang marinig niya ang pamilyar na tawa sa likod niya.
"Ikaw!" tinuro niya ang nilalang na nakaupo sa ibabaw ng grand piano. Wala mang emosyon sa mga mata, may munting ngiti namang nagsasabing iniinis siya nito.
May naramdaman siyang takot pero pilit niya itong nilulunok. Hindi dapat niya pinapakitang nanginginig siya. The bad will see it as a weakness and take advantage of you.
"A-Anong kailangan mo?!"
Tinaasan siya nito ng kilay. Kinumpas nito ang kamay tapos sumulpot ang isang mansanas. Tulala si Leena habang nakatitig sa lalakeng kumagat sa masanas. Nanlaki ang mga mata ni Leena nang bahagyang nakalas ang roba nito at bumungad ang pangangatawan nito.
Hindi ba uso sa kanya ang T-shirt! Magkakasala ako! sigaw na naman ng isip ni Leena.
Umiling siya at umiwas ng tingin. Tanging isang itim na roba at pantalon lamang ang suot nito. Wala ding saplot sa paa. Anong panahon ba 'to nabuhay?
"A-Ayusin mo nga ang suot mo."
Lumapit nalang siya sa gitarang nabitawan niya kanina at chineck ito. Mukha namang walang galos kaya nilagay nalang niya sa case nito at binalik sa shelf.
"Pretty thing, ako ang nauna dito."
"Aah!" tumili siya sa sobrang lamig ng hanging dumapo sa leeg niya.
Napatid siya sa nakarolyong extension wire. Malapit na siyang matumba pero pumulupot ang kamay ng lalake sa bewang niya at sinuportaan siya. Umawang ang bibig niya ng bahagyang pumasok ang kamay nito sa kanyang blouse at hinaplos ang balat niya.
"Woah, there. Falling for me that easily, hmm?"
She looked up at the guy and glared. Her irritation washed away her fears for him. Inapakan niya ang paa nito at tinulak palayo.
BINABASA MO ANG
Earthly Secrets
FantasyThere are things in this world we may never know, but for those who could, it becomes a burden they need to bear forever. Leena sees things others may wish to unsee. She was born with the gift and she's never one to get scared. Ghosts and grim reape...