Sa isang paaralan, maraming kababalaghan kahit araw man. Bumubulong ang mga kahoy, kumakanta ang hangin, at pagsapit ng gabi, lalabas ang samo't saring nilalang na nakabibighani.
Ngumiti si Leena sa batang naglalaro ng bola. Nakasuot ito ng mamahaling barong at pantalon. Ang buhok nito ay nakaayos na parang kay Jose Rizal. Kumaway ito sa kanya bago nawala. Siniko siya ng kanyang kaibigan na si Gaiah at pinandilatan.
"Nananakot ka na naman!" Ani nito.
Tinawanan lang ito ni Leena at tinignan ang bintana ng room mula sa fourth floor ng Sinthraw Hall. Nakatayo ang isang babaeng may napakataas na buhok at nakasuot ng puting bistidang umaabot sa sahig. Nakatitig lang ito kay Leena gaya ng ginagawa nito sa araw-araw na pagkikita nila.
"Huy!" niyugyug siya ng kaibigan at tinignan ng masama. Umiwas ng tingin si Leena at binalingan ang takot na kaibigan.
"Hindi ka naman dapat matakot, Gee. Ang katukutan mo, ang grade natin sa Physics."
Inirapan siya ni Gaiah kaya tumawa siya ng malakas. Bahagya siyang napalingon sa bahagi ng Aerial Garden na hindi nasisinagan ng araw at nahuli ang mata ng isang lalakeng nakaupo sa isang bench. Napaatras si Leena dahil sa mga mata nito. Isa sa dalawang mata nito ay purong itim. Ni minsan ay wala siyang nakitang multong ganun. Bago ata ito.
"Leena! Halika ka na. Andun na si sir!"
"Oo na!"
***
"P-Purong itim!?" nagulat si Leena sa akto ni Damon, ang nagmumulto sa boy's locker room. Gusot at madungis ang suot nitong puting polo at itim na pants. Nakakadena ang isang paa nito.
"Sigurado ka ba sa nakita mo?"
Ngumuso si Leena at tumango. Mabilis naman na tumabi sa kanya si Heart, ang white lady sa girl's CR.
"Nakatingin ba siya sayo?"
Tumango ulit siya, "Oo."
Niyugyog siya nito at tinignan ng may halong pag-alala.
"Makinig ka Leena. Kapag makita mo ulit siya, bumaling ka sa iba. 'Wag na 'wag kang lumingon sa kanya. Kuha mo?"
"Bakit? Paano kung kailangan niya ng tulong?"
Nagkatinginan ang mga multo. Parang nag-uusap ang mga mata ng mga ito.
"Basta. 'Wag mo siyang kausapin. Ipangako mo," pilit pa nito kaya napatango nalang si Leena.
.
.
.The night after that, she found herself breaking her promise.
NacCR siya kaya dahan-dahan siyang bumaba mula sa taas ng double-deck ng dorm room para hindi madisturbo si Gaiah. Apat silang nasa isang kwarto. Dalawa ang double-deck na nandun at kasama nila Leena ang dalawa pang babaeng mas bata sa kanila ng isang taon. Dala-dala ang kanyang phone at susi, maingat niyang nilock ang pinto bago lumabas.
Bumungad sa kanya ang madilim na hallway. In-on niya ang flashlight ng phone at tinungo ang comfort room sa dulo ng hall. Marami siyang nadaanang door. Nakita niyang nakabukas na naman ang pinto ng Room 013. Walang nag-ooccupy nito at iniiwasan din ng school na may mapunta rito. Palagi naman itong nilalock pero bumubukas din ng walang dahilan.
Five years daw after nagsimulang magoperate and dorms, may nag-suicide daw roon and after that, everytime na may maasign diyan sa dorm, nagkakabangungot, hindi nakahinga at may isang muntik ng mamatay. Isa lang ang sinasabi nila, parang binibitin daw sila sa ere na may lubid sa leeg. Creepy but for her, she knows it's true.
Kaya nga sinasabi niya talaga kina Gaiah na 'wag pumunta diyan. Kung dumaan man sila, 'wag talaga silang pumasok. Hindi dahil nakakatakot ang multo, no. It's because something creepy is in that room that has nothing to do with the ghost of the suicidal girl. Maraming multo ang bumabahay sa dorm. Meron nga sa room namin, eh! Heck, she's even heard a baby's cry inside the bathroom, but nothing makes her hair stand more than the unknown presence in Room 013.
BINABASA MO ANG
Earthly Secrets
FantasíaThere are things in this world we may never know, but for those who could, it becomes a burden they need to bear forever. Leena sees things others may wish to unsee. She was born with the gift and she's never one to get scared. Ghosts and grim reape...