All my life I was in pain. I was actually hearing voices. Kung ano mang kumot ang nakabalot saakin ngayon, hindi ako komportable.
Mabigat at nanginginig ang talukap ng mga mata ko nang magmulat ako.
I stared into someone's face.
"I'm here Katherine. Don't be scared," he mouthed, wala namang tunog.
Maputlang balat. Dark hair, medyo magulo. Parang ang sarap ayusin. Makapal ang kilay, manipis at mapupulang labi. Ang tangos naman ng ilong nito, napa hawak ako tuloy sa ilong ko. He has that angular jaw that makes him more manly. Mukha ding suplado. Hindi lang yon, naka contacts ba to? Uso yun a? Ba't pula yung mata? Para naming tanga. Adik ba to? Ah, baka nag dadrugs? O dealer?. Sayang. Pogi.
He's just there, in front of me, being himself, pero yung heartbeat ko, nagpa-fangirl. Napakurap ako.
Wala na yung pogi. Nurse na yung naka hawak sa palapulsuhan ko.
"Gising na si Katherine!" sigaw niya.
Ang ingay. Namigat naman uli yung talukap ng mata ko. Pagmulat ng mga mata ko haggard na pagmumukha agad yung binungad saakin ni Kate. Kakagulat naman nito.
"Breathe and relax, Kate"mahinang usal nito
"Pasakal naman o. Isang beses lang," pinaghalong malambing at sarcastic na sabi
"My ghosh Alyssa Katherine Elviora! Papatayin mo ba ako sa takot ha! Buti nalang may nagdala agad sayo sa hospital! Grabe ka naman kase, Kath. Bakit ka tumalon sa tulay ha..." papalayo sa pandinig ko ang tinig.
Nakalutang ako sa gitna ng dilim. The cold crept up again. The chill hurts.
There's someone behind me. Just behind me...
Sino to? Wala akong boses.
I was confused.
Gusto ko syang makita but I knew I couldn't and I shouldn't.
"Hoy Kath! Nakikinig kaba?" I gasped for breath. Si Kate talaga.
"Okay ka na ba? May nararamdaman o ano? Bakit ba hindi mo'ko tinawagan bago tumalon? Alam mo namang nandito ako a? Sabayan pa kitang tumalon e!" Napatitig ako sa mukha ng babaeng nasa harapan ko. Maputi. Mahaba at may natural na malalaking alon ang buhok. Nakatitig ang itim na mga mata saakin. Magaan ang ngiti nya, nakakahawa pero ang mga mata'y kuryoso.
Pumikit ako ng mariin. Oo nga naman, bakit hindi ako tumawag sakanya.
"I'm okay.." lumunok ako bago kumunot yung noo.
Nakasimangot na siya ngayon.
"Sige hindi na muna kita kukulitin,
pero magkwento ka kung okay kana a?" hinaplos haplos naman niya yung buhok.
It was tiresome just lying on my hospital bed for the whole day but I'm glad that Kate is there for me. She's my only family even though were not blood related I still treat her like one. She's my bestfriend actually.