Chapter 1

26 2 0
                                    

Zoey POV

"Haaaaaaaaa" hikab ni JL.

12, pang 12 na hikab. Antok na antok sis? Nandito kami ngayon ni JL sa Library, malapit na kasi ang exam.

Si JL nga pala ay kababata ko. Ang tunay nyang pangalan ay Jonh Levi Baltazar.  Simula 8 years old palang ako magkasama na kami, kaya kilalang kilala ko na sya. Ni utot nya, ni hibla ng buhok nya sa ilong, alam ko. Hahaha char, basta we know each other very well. Parang mag kapatid na kami nyan.

So I was saying, nandito kami sa library para mag review. Pero sa totoo lang ako lang talaga ang nag rereview, si JL,  ayun tulog. Palibhasa matalino, sana all.

Ay bat ganon naunan pang ipakilala si JL kesa sakin. Osya eto nah, ipakikilala ko na si self....
My name is Sthefany Zoey Guandeza, 20 years old  , culinary student, mahilig ako sa mga matatamis like sugar Hahaha, and here's a secret, I'm married. Yeah kasal na po ako. Pero walang nakakaalam na kasal na ako kundi syempre yung asawa ko, yung pamilya ko and JL. Secret lang dapat eh.

OK kilala nyo na ako? Kung hindi ulitin nyo nalang yung pagbabasa. Joke.

"Zoey, tapos ka na ba dyan?" Inaantok pa na tanong ni JL sakin. Syempre sino ba si Zoey, edi ako.

"Malapit na po matapos boss"-me

"Bilisan mo, malelate na tayo"- JL

"Anong oras na ba?"- me

"Wait tinignan ko" Sabi ni JL sabay kuha ng cell phone nya na nasa lamesa para tignan ang oras.

"Zoey sa tingin ko dapat tumakbo na tayo" sabi ni JL na nakatingin parin sa cell phone nya.

Tumakbo? Bakit naman kami tatakbo?

"Bakit?" Takhang tanong ko.

"5 minutes nalang start na ng klase ni Sir Ben" dire diretso nyang sabi.

"Whaaattttt?"-me

"Shhhhhhhhhhhh" Sabing librarian with matching hand gesture.

"Ano pang hinihintay natin,tara na" sabi ko at nag madali na sa pagliligpit na gamit ko. Basta ko nalang sinaksak sa bag ko yung mga libro and walahhhh ready to run na.

At tumakbo na nga kami ni JL papunta sa room namin. Yes,mag kaklase kami, ewan ko ba jan sa JL na yan. Ang galing naman nya magluto culinary pa kinuha nya,pwede namang engineering dahil magaling naman sya math at kayang kaya nya yun. Kesa naman sakin,the reason why I take culinary because hindi ako marunong magluto, ako yung taong ang galing galing lumamon,  hindi naman marunong magluto. Aminiiinnn, hindi ako nag- iisa ganyan ka ren.

Tsaka gusto ko ipagluto ang mister ko , sabihin hindi marunong magluto ang misis. Atlis pag nakagradute ako may maipagmamalaki ako.
Huh sampal ko sa inyo ang diploma ko eh.
Hahahahha*evil laugh *

Pero bago yang mga kalokahang naiisip ko,  kailangan muna naming makaabot sa start ng klase namin. Shuta na toh. Madadagdagan na naman ang late ko. Hayyy buhay.

Kasi lagi akong late dahil sa asawa ko na kailangan ko pang intindihin. Masaya naman ako pag-aasikaso sa kanya. Pero pre late ako lagi,  Pano naman kasi tanghaliin gumising.

And after 123456789 years ay nakarating na rin kami sa tapat ng pintuan ng room namin.

Edi ayun na nga pag ka dating namin sa tapat ng pinto sinipa ko yung pinto and then dire diretso na pumasok.

"You're  1 minute and 27 second late Mr. Baltazar and Ms. Guandeza " sabi ni Sir Ben.  Correction po sir Mrs. po Yun hehehehehe. Char.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Bat kasi hindi mo muna chineck kung nandon na si Sir,  sinapa mo pa yung pinto" pabulong na sabi sakin ni JL.

"Sorry naman" nakangiwing bulong ko.

Hayyyy buhay

______________________________________
(A/N )
So this is the chapter 1
Sana po ay magustuhan nyo

Sino kaya ang asawa nya?

Abangan........

Thank for reading
Enjoy

Sorry for the typographical errors
And wrong grammars

My secret husband Where stories live. Discover now