Zoey POV
"Ms. Guandeza nakikiusap naman ako sayo na sana ay wag kana malate. At kung malelate ka, wag mo na idamay si Mr. Baltazar. Naiintindihan mo ba Ms. Guandeza?" Bunganga ng Prof namin na si Sir Ben.
Peyborit talaga nyan si JL eh. Halata naman. Porket laging na pe-perfect ni JL ang ang exam nya.
Nandito kami ngayon sa room Ng mga professors. Dito kami dumiretso ng matapos ang last class namin, kakausapin daw kami ni sir Ben.
"Naiintindihan mo ba ako Ms. Guandeza?" Tanong ni sir Ben
"Opo sir, di na po mauulit" nakatungo kong sagot.
"Ok ,you may leave now" -sir Ben
"Goodbye sir" -JL/ME
At lumabas na kami sa room Ng mga professors.
"Hayyy nako Zoey, kakausapin ko yang mister mo at sasabihin ko na patulugin ka ng maaga." bunganga saakin ni JL.
Ano ba yan. Ang lakas lakas ng boses nitong si JL, baka may makarinig na may asawa na ako.
"Hinaan mo nga yang boses mo, baka may makarinig sayo" pabulong kong sabi kay JL.
"Wala akong pake, sa susunod na malate ka, sa bahay nyo ako matutulog" walang alinlangang sabi ni JL.
"Fine. Hindi na ako malelate." Sagot ko.
"Ayaw mo lang akong patulugin sa bahay nyo eh"-JL
"Syempre. Privacy you know" sagot ko naman na ikinataas ng kilay nya.
Ano na naman kayang pumapasok sa kokote nito.
"Hoy Zoey, bata ka pa ha. Wag ka muna mag-aanak" sabi ni JL na para bang siya ang tatay ko.
"I know, tsaka magtatapos muna ako ng pag aaral ko noh" sabi ko tapos binilisan ko ang lakad ko para hindi na sya makaimik.
"Hoy hintayin mo ako" sigaw nya sakin at hinabol ako. Hahahha Bleh hhahahahahah dami mo kasing alam JL eh.
________________________
Nakarating na ako sa bahay and as usual wala pa ang aking asawa. Naligo muna ako and then nagpalit na ng damit. Nang matapos na akong ayusin ang sarili ko ay pumunta ako sa kusina at chineck ang mga pagkain namin para malaman kung ano ano ang bibilhin ko sa groceries store
Ng malaman ko na ang mga bibilhin ko ay lumabas na ako at ni lock ang pinto ng bahay namin at dumiretso sa gate ng subdivision namin para mag- abang ng taxi. Hindi naman nag tagal ang paghihintay ko at may nakita agad akong taxi at agad namang pinara ito.
"Kuya sa SM po" sabi ko kay manong driver.
"Sige po ma'am" at Pinaandar na ni manong driver ang taxi nya.
Hindi naman nagtagal at nakarating na ako sa SM.
"Kuya eto po ang bayad,keep the change po. Salamat po" pagka-abot ko ng bayad ay bumaba na ako at dumiretso sa entrance ng mall.
Pumunta agad ako sa groceries store para bilhin ang mga kailangan ko. Punta dito, Punta doon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras dahil baka dumating na ang asawa ko na wala ako sa bahay.
Ng makuha ko na ang mga kailangan ko ay pumunta na ako sa counter para bayaran ang mga pinamili ko at ng matapos ko ng mabayaran ay lumabas na ako ng SM.
Pumara ako ng taxi at sinabi ang address ko. Nasa tapat na ako ng gate ng subdivision namin ng mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ito.....
"Hello"- me
(Wife)
"Oh hubby, napatawag ka?" -me
(Im gonna be late today, I have so much things to do)
"Ahh ganon ba?"
(Yeah, don't wait for me ok. Sleep early ok. Tinawagan ako ni JL kanina, lagi ka daw pinapagalitan ng prof mo dahil late ka.)
Talipandas talaga yang JL na yan. Yare yan sakin bukas, matitikman nya ang bangis ng isang Zoey.
"Ahh ehh oo eh Pero wag mo na isipin yun late kase lagi yung relo natin eh mamaya nga aayusin ko yun, sige na hubby madami pa akong gagawin byeeeee. I love you muahh. Ingat ka"
( OK----) tooott toottt.
Binaba ko na agad ang tawag para hindi na maka-imik si hubby. Wahahahahahah.
"Maam, nandito na po tayo" sabi ng driver.
"Eto po ang bayad manong, keep the change" at kinuha ko ang mga pinamili ko na nasa tabi ko lang at bumaba na ako ng taxi.
Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kitchen at inayos ang mga pinamili ko. Mag luluto sana ako ng adobo kaso hindi naman pala uuwi ng maaga ang asawa ko kaya gagawa nalang ako ng salad.
Pag katapos ko gumawa ng salad ay pumunta ako sa sala at doon kumain habang nanonood ng tv.
"Ang sarap ko na magluto hihihihi" sabi ko sa sarili ko. Baliw ko Diba.
Pagkatapos ko kumain ay pumunta na ulit ako sa kitchen para mag Hugas ng mga hugasin. Ng matapos na ako maghugas ay nag timpla ako ng gatas at dumiretso ulit sa sala para manood ulit.
____________________
*Krinnnggg* *Krinnnggg* (basta tunog yan ng alarm)
Nagising ako sa tunog ng alarm clock namin. Minulat ko ang mga mata ko at nakakita agad ako ng mala-adonis sa gwapo na muka.
"Good morning hubby" bati ko
Nakita ko namang unti unti nyang minulat ang mga mata nya.
"Good morning wife" bati nya pabalik.
"Diba sabi ko sayo ,wag muna ako hintayin" sabi nya in a bed tone voice. Ang wafuuu.
"Hindi kaya kita hinintay, nakatulog lang ako habang nanonood."- depensa ko. Hindi naman kasi talaga.
"Ok, sabi mo eh" sabi nya at bumangon na
Bumangon na rin ako at naghanda na para sa pagpasok. Naligo, nag suot ng uniform. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng umagahan namin.
Fried rice, fried eggs and one milk and one coffee for drinks, syempre akin yung milk.
"Hubby, bumaba ka na rito at kakain na tayo." Sigaw ko para tawagin ang asawa ko.
Hindi naman nagtagal at nakita ko naman syang bumababa na ng hagdan suot ang plain white t-shirt match with jeans. Ang gwapo talaga ng asawa ko.
"Wife, ano pang tinatayo-tayo mo dyan, tara kumain na tayo, baka malate kana." Sabi nya sakin ng makarating sya sa harapan ko.
"Ayy oo nga, baka mayari na naman ako kay sir Ben." Sabi ko at pumunta na sa lamesa kung saan nakahain na ang mga pagkain. Tahimik lang kaming kumain.
"Wife, ayokong pagalitan ka ulit ng prof mo ha. Wag ka na malate ulit." Sabi ni hubby sa kalagitnaan ng pagkain namin
"Yes sir" with matching saludo pa.
Ng matapos na kaming kumain ay nag handa na kami para sa sarili sarili naming pupuntahan.
"Byeee wife,take care" *(hug)* *(kiss forehead)*
"Ikaw din" *(respond to hug)*
At nag hiwalay na kami ng landas.
_______________________
(A/N)
So guys eto na po ang update.
So habang hindi pa nirereveal ang identity ni asawa ni Zoey, pwede nyong hulaan.Comment lang kayo ng hula nyo.
I dededicate ko sa makahula ang next chapter. Pag wala edi....... walaThankyou guys
Sorry for the typographical errors And wrong grammars
Love you guys.
YOU ARE READING
My secret husband
Teen FictionSi Zoey ay isang simpleng college student na may asawa Yes may asawa sya Sana all diba Kamusta kaya ang buhay may asawa lalo na kung ang asawa mo ay.............BASAHIN MO NALANG ANG BUONG STORY