1) Nilakbay ko ang kawalan ng ako'y nagiisa.
Nakapunta ako kung saan ng ako'y magisa.
Ngunit, sa paglakbay ko'y bigla kang dumating.
Dumating na nagpakita ng mga motibo upang ako'y iyong mapaibig.
2) Sa paglipas ng panahon, ngiti mula sa aking labi ang iyong masisilayaan
Bakas sa aking mukha na tila'y tunay konang natagpuan ang aking kasiyahan.
Ilang buwan ding bakas ang wagas kong kasiyahan.
Ngunit, isang araw tila nagbago ang lahat ng ating nakasanayan.
3) Dumating ang araw na hindi na ikaw ang dating minamahal ko.
Dumating ang tagpo na parang hindi na ako ang hinahanap mo.
Dumating ang panahon na laging basa ang mga mata ko.
At dumating ang araw ng kinakatakutan ko, at isipin na ang paglisan mo.
4) Ngunit, kahit ganon pinipilit ko padin hawakin ang iyong kamay kahit sinabi ng iba na bitawan na kita.
pinipilit kong balikan ang mga masasayang ala-ala na kapiling ka.
Dahil, ayokong magdisisyon na lisanin ka.
Dahil nangako ako sa Diyos na hindi ko bibitawan ang iyong kamay, dahil mahal kita.
BINABASA MO ANG
Poetry Compilation
PoetryIto po ay mga compilations ng mga tula ng mga taong nagsuggest ng mga titulo at akin itong ginawan ng tula. Sa mga gustong magsuggest ng mga tula, maari ninyo po icomment ang mga suggest nyong tula.Salamat po.