Thursday
April 28, 2022
Sylvaine Dolent
9:30 pm
Syl, kauuwi ko lang
Pumunta ka daw sa bahay?
Wait. Nakain ako
Sige chat mo na lang ako
Mag aayos muna ako
Seen. 9:34 pm
10:20 pm
Ano yung tanong mo?
Pumunta ka daw sa bahay.
Bakit hindi mo sinabi sakin?
Nakalimutan ko.
Naalala ko lang nung nasa tapat na ko ng bahay nyo
Haynaku 🤦🏻♀️
Ano nga pala itong paper bag sa kama ko?
Mabuti naman at nakita mo na
Akala ko makakalimutan ng Mama mo
Yan dahilan kung bakit ako pumunta sayo
Bakit naman? At bakit may sando at jeans dito?
Naiwan mo gamit mo?
Baliw hindi 😂🤦🏻♀️
Para sayo yan
Yan suotin mo sa date nyo
Ha?
Bakit kailangan ganito pa?
At bakit? 🙄
Ano susuotin mo?
Hoodie? Large shirt?
Date pinunta mo hindi pag tambay
🤦🏻♀️
Ok naman yung ganung suot ah
Wala naman ako problema
Kaya lang Quain
May date ka!
DATE!!
Kailangan mo magsuot ng maayos
Kaya ayoko makipag date
Pati damit ko napapakailman 😶
Hihihi sorry na
Minsan lang ito kaya gusto ko maganda ka
Maganda naman ako
kahit anong damit 😶
Oo na
Last na talaga ito 🥺
Oo na.
Pasalamat ka
Sige lalabhan ko na ito bukas para matuyo ng Sabado.
Yehey!! 🥰
Thank you talaga Quain
Oo na 🙄
Anong oras pala date namin?
Ha?
Hindi pa din kayo nag uusap?
Friday na bukas ah
Hindi ko naman friend yun
Ano nga ulit name?
Baliw ka talaga 😂🤦🏻♀️
Friend mo yan
Yeomra Lopez, search mo
Ah sige
Tingnan ko na lang
Hahaha
Chat mo na agad ha!
Oo na 🙄
Ang effort ko para sa crush mo
Hihihi 🥰
Thank youuuu talaga
I love you! 🥰🥰😘
Oo na
Tutulog na ko.
Bye! 😑
Hahaha 😂
Sige na
Babye!
I chat mo ha
Wag mo kalimutan
Seen 11:58 pm
Friday
April 29, 2022
Yeomra Lopez
6:00 am
Hello
Goodmorning
Ako nga pala yung kaibigan ni Sylvaine
Yung makaka date mo sa sabado
Gusto ko lang sana itanong.
Kung anong oras ba tayo? At saan magkikita?
Thank you sa pagsagot.
6:10 am
Hello goodmorning
Huwag ka mag alala kilala kita
Oras? Ikaw na bahala. Ok lang sakin kahit anong oras.
Sunduin na lang kita sa inyo o kahit sa store nyo
Hindi ko din alam sa oras.
First time ko lang kasi ito
Kailangan ba maghapon
tayo magde date?
Hindi naman. Kahit hapon na din tayo mag date. Kung busy ka naman kahit dinner date na lang
Hindi naman ako busy. Inayos ko na kasi schedule ko para sa Sabado kaya maghapon akong walang gagawin
Hindi ko din alam na pwede pala ang dinner date. Ang alam ko lang kasing date eh yung maghapon magkasama.
Ikaw?
Gusto mo ba dinner date?
Ituloy na natin yung maghapon
Wala din naman akong gagawin
Isa pa, parang rest day ko
na din ito sa sarili ko
Sige. Sunduin na lang kita sa inyo
Sige bigay ko na lang sayo yung address mamaya.
Madami ng customers
Mamaya na lang ulit
Sige
Ingat ka
Delivered 7:30 am
