Chapter 22 - The reason why

51 2 2
                                    

Steve's POV 

Tumakbo na ako papalabas ng venue para hanapin yung malanding Parj na yun -__- 

Oo, malandi siya! Nakakainis siya kasi sinira niya yung sayaw namin ng panget na yun 

Hah! Akala niya ba mahal ko pa siya? Pwes.. Oo, Sobrang mahal ko parin siya kahit sobrang sinaktan niya ako. Kahit na iniwan niya na ako. Kahit na ganun siya sakin. 

Inikot ko na yung buong labas ng venue ibig sabihin wala siya dito. 

Aishh! Pahamak naman siya! Hanggang ngayon ganyan parin siya, laging nawawala.. Ayan tuloy! Nawala siya ng landas papunta sa puso kong matagal na siyang hinihintay. Tsk. 

Corny ba? Inlove eh ;) 

"S-steve, tulong please." Lumingon ako sa gilid ko, duon sa may parang papunta ata sa labas 'to. 

"Parj! Ano bang nangyari sayo? Pinagalala mo ko! Alam mo ba yun huh? Papatayin mo ba ako? Aish!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya, yung amoy ng buhok niya yung kung gaano kakinis yung balat niya na kahit kelan hindi magiging kay France, forever na siyang dry skin :P 

"Sorry *cough*, steve... may dugo." Pinakita niya sakin yung panyo niya na inubuhan niya. 

Labis akong nagulat sa nakita ko. May dugo, bakit? Paano?

"Parj, buntis ka ba?" tanong ko, kasi may dugo. Ano bang ibig sabihin pag ganun? Hindi ko naman siya sinuntok ah?

"Baliw ka parin choco!" Hinila niya yung ulo ko papalit sa mga labi niya. 

The taste of her lips.... 

The way she kissed me... 

Yung lasa ng dugo na inubo niya... 

Sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang tagal ko tong hinintay. 

"Steve, I love you." sabi niya.

"Parj, I love you more than anything else." 

I kissed her forehead nang bigla siyang magpass-out.

Tsk! Anubayan! Nilandi ko pa kasi imbis na dalhin ko sa ospital eh! -__-

"Kapit ka lang Parj huh?" Tinakbo ko yung pinakamalapit na ospital habang buhat siya. 

Bumigat siya ng konti pero sexy parin naman! 

Habang papunta sa ospital may nakita akong nagtitinda ng dirty ice cream. 

"Manong,pabili nga ho! Isa lang, yung puro chocolate lang"

"Iho, sino yan? Parang pamilyar." Tinuro niya yung babae na hiniga ko muna sa kalsada kasi nga bumili ako ng ice cream, tss. Maiintindihan niya rin kung bakit ko siya hiniga sa sahig kung sakaling malaman niya.

"Sino ka ba?! Anong kailangan mo sa girlfriend ko?"

"Ako si Tyron at gusto ko lang malaman kung sino siya. Model ba yan?"

"Hindi" 

Iniwan ko na siya dun kasi wala akong oras para sakanya.

(a/n:Hi Tyron!!)

Pagkaiwan ko sakanya dun sa nurse sa ospital dumiretso na ako sa birthday ni France. 

Nasa pintuan na ako pero kitang-kita ko si Trence sa stage, tapos si France nasa baba ng stage. Nakatingin sila sa isa't isa.

"France will you be my girlfriend?" sabi ng kupal kong pinsan.

Napatingin ako sa mama at papa ni France. Wow huh? Ba't ang saya nila na nakikita yung anak nila na minamanyak ng pangit na Trence na to? 

Hindi uso ang pinsan pinsan dito! Ang importante dito, yung hindi ako inaagawan! Yung hindi kinukuha yung akin? 

Pero nabalik yung atensyon ko kay Trence na abot langit na ang ngiti sa harap. Tumalon siya pababa at yinakap si France tsaka kiniss ang noo nito. 

So ano? Sinagot siya ni France? Hah! Edi sila na! Sila na ang couple! Makikita nila... liligawan ko si Parj! 

Magseselos si France tapos magiging kami! 

Magdudusa siya kasi nagkamali siya ng pinili!!!!  Magsisisi siya kasi ang manyak ng boyfriend niya! 

Dahan-dahan pero malakas akong pumalakpak para malaman nilang nandito ako. 

Lumakad ako papunta sakanila. 

"Bro, Congrats! Hahaha! Pero magingat ka diyan sa girlfriend mo, nangangagat yan. Tapos tingnan mo ngayon, ikaw naman ang kasama niya! At wow lang huh? Kanina yung mukha niya parang inlove na inlove siya sakin tapos ngayon.. ano?!?! Ito?! Kayo na?!" Sinipa ko yung kung ano man ang masipa ko na pinakamalapit sakin. 

Ang natanggap ko ay... isang napakalakas na sampal galing sakanya. 

"Ano bang ginagawa mo dito huh?! Dun ka na sa Parj mo tutal siya naman yung the love of your life diba?! DIBA?! KAYA LUMAYAS KA NA SA HARAPAN KO AT H'WAG MONG SIRAIN YUNG RELASYON NAMIN NI TRENCE!" 

"So that's it? Huh France? After everything? Wala lang ba sayo yung pinagsamahan natin? Wala lang ba sayo yun para palayasin mo ko ng ganyan? Ang landi landi mo talaga! Kung dati si Seith nilalandi mo, ito naman ngayon! Yung pinsan ko... Hah!" Napailing ako sa sobrang kalandian niya. "Magingat ka diyan kasi manyak yang pinsan ko." 

Sabi ko tsaka lumakad papalabas nito. 

"HOY STEVE!" narinig ko si France na sumisigaw. Pero binilisan ko yung lakad ko. 

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko kasi may tumama, sobrang lakas. 

" Yan ang napapala ng mga taong bastos! Dapat nababato sa ulo!" Sabi niya at pinulot yung heels niya na binato sakin. 

Tinutok ko sakanya yung fist ko at akmang susuntukin siya. Kasi sa totoo lang, nanggigigil ako. Gusto ko siyang bugbugin. 

"Pati ako? Sasaktan mo? Ha-ha! Nakalimutan ko nanaman kung ano ako sa buhay mo.. Pampalipas oras nga lang pala. Pero ito ang tandaan mo, Itong Frangit na to" Tinuro niya yung sarili niya. "Ito ang nagbago sayo." 

Lumakad na ito papasok sa loob. At iniwan akong parang bato na nakatayo duon. 

Totoo nga yung sinabi niya, binago niya ako. Pero wala akong pakialam 

Umalis na ako. Pakasaya siya sa Trence na yun. 

Ako masasaktan? Hah! Steve Ian Corpuz ata to. Hindi uso ang salitang 'masakit' saakin. 

----+

HAPPY 4K EVERYBADEEHHH!!! 

Thank you sooooo much sa pagbabasa nito :*

Secretly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon