CHAPETR 1

37 0 1
                                    

Psssssssst......woooooooooooooshhhhh...Psssst....woooshhhh...

 

Naglalakad ako ngayon sa kadiliman ng daan ng mag isa lamang. May ilaw naman sa isang poste, pero patay sindi naman. Mga ilang lakad lang naman at maliwag na banda sa amin. At kanina ko pa naririnig ang pag sitsit ng isang babaeng naka puti na naka sunod sa akin. Kasabay nito ang malamig na ihip ng hangin dahil sa malapit na ang pasko.

Huhuhuhuhuhu.... tulong..tulungan mo ako.

At ang isang yun ay nadaanan ko sa isang puno na humihingi ng tulong. Ito naman ay isang batang duguan. At sa wakas wala na ang babae sa likod ko.

Ganito palagi ang nararanasan ko tuwing alas sais ng gabi kapag umuuwi na ako galing sa school. Lagi ko silang nakikita, ang white lady na laging sumasama sa iyo at maglalaho din naman. At ang batang duguan. Hindi ko nalang pinapansin ang mga multong nakikita ko, dahil ang sabi ng lolo ko noong buhay pa sya, wag ko daw silang papansinin dahil baka daw magpatulong sila sa kanilang unfinished business.

Isa akong taong may tinatawag na third eye. Nakakakita ng mga multo kahit saang lugar. Sa lahat ng mga taong nakakasalubong mo araw-araw ay 99% lang ang tunay na tao at ang 1% na natitira ay multo. Isang graduating student na ako sa kursong architecture.

Bilang isang architecture student syempre magaling talaga ako sa pag do-drawing. Ang sabi nga ng nanay ko, mag fine arts nalang daw ako upang maging magaling na pintor, ngunit tumutol naman ang aking tatay na mas pabor ang architecture. Gayun paman, hindi lahat ng nasa sketch pad ko ay puro drawing ng mga bahay, karamihan mga multong nakikita ko.

Jamielle Villanueva ang ibinigay na pangalan ng aking mga magulang at ang palayo ko sakanila ay “ ely “ sa mga classmates at katropa ko naman ay “ JV “ .

“ oh pare, nandyan kana pala, tara kain na tayo, naghahanda na sila sa loob” saktong nakasalubong ko naman sa gate si Bryan na galing siguro sa tindahan.

Ka dorm mate ko si Bryan at kasama na rin sa kwarto. Taga manila kaming pareho at ngayon ay nasa Laguna kami dahil dito ang pinapasukan naming unibersidad.

“ boys! Dalian nyo, umupo na kayo dito “

“ tatay berto sabay kana rin sa amin “

“ sige mauna nakayo, pinagluto ako ni misis sa bahay, babalik nalang ako mamaya dito sa dorm “

At naghiyawan naman ang mga kasamahan ko. Yan si tatay berto na may ari nitong dormitoryo, mga 55 anyos na siguro sya at napaka bait nito. Sya na rin ang parang naging tatay namin dito dahil sa mga pangaral nya sa amin. At sya ay may third eye din. Kaming dalawa lang sa dorm ang nakakakita ng multo. Sanay na din naman sya katulad ko. Sa tanda ba naman nyang yan di pa ba masasanay.

Kasalukuyan kaming naghahapunan ng  mapansin ko yung babae sa labas ng bintana ng aming kusina. At ng mapaharap sya sa akin ay nag smile sya sa akin at ako naman ay patay malisya nalang ako. Alam ko isa syang multo ngunit iba sya sa mga nakikita kong multong punung puno ng emosyon, tulad ng galit at kalungkutan sa kanila, pero yung babaeng multo na iyon, parang normal na tao lang sya. Walang problema at emosyon ang nararamadaman ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ang iba sa kani-kanilang kwarto, yung iba naman ay naglinis sa hapag kainan,yun yung mga naka assign sa gabing ito at isa naman si Bryan sa kanila.

“bry...wag mo munang i-lock ang kwarto natin, dito muna ako sa garden.”

“oo sige pare”

Ewan ko ba, dati pagkatapos kumain at maglinis ng pinagkainan namin ay diretso na ako sa kwarto, pero ngayon, wala, ramdam ko lang magpahangin.

Umupo ako sa isang silya sa aming garden. Itong garden na ito ay gumanda lang dahil sa amin. Binalak lang naming i-design or should I say i-landscape dahil ito ang naging regalo namin kay manong Berto noong nakaraang dalawang buwan.

Bigla nalang naging malamig ang paligid, heto ang sinyales tuwing may malapit na multo sa akin. Ipinawalang bahala ko nalang ito kaya tumingin nalang ako sa langit. Ang dami daming star ngayon ah.

“ Makiki upo ako hah? “

Hindi ko parin inaalis ang mga mata ko sa langit. Duda ako, sya yung babae kanina.

“ alam ko nakita mo ako kanina sa bintana, kaya wag kang magkunwari dyan na hindi mo ako nakikita at naririnig “.

Ilang beses na akong naka experience ng ganyan, pero pag ilang minuto ko silang hindi pinapansin, maglalaho nalang sila at marerealize nilang hindi ko talaga sila nakikita o naririnig.

Tatayo na sana ako ng humarang sya sa aking harapan. At napatingin naman ako sa kanya dahil sa gulat, pero iniwas ko din ang tiningin ko sa kanya agad at maglalakad n asana ako sa loob.

“ teka lang, wag ka munang pumasok, kwentuhan muna tayo dito at kausapin munaman ako “

Tumigil ako saglit at humarap ako sa kanya.

“ kung magpapatulong ka lang sa akin kung bakit ka naging multo, wala kang maaasahan sa akin kaya lubayan muna ako. “

At tuluyan na akong pumasok sa loob.

..... 

Author's note:

Madalang lang po ang pag-uupdate ko dahil sa hindi ko pa alam ang next na isusulat sa next chapter at isa pa ay wala akong perang pang load sa aking mobile broadband araw-araw. Yun lamang po. salamat :)

Mata ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon