Chapter 5- Past of Ray Rodney

27 1 0
                                    

Ray Rodney POV'

Andito ako ngayon sa tambayan kakaalis ko lang sa clinic kasama ko sila jake. Umalis na kami kasi andoon na yung kapatid niya galit na galit kaya pinaalis muna kami ni Sir

"Ano ng balak mo ha Rr? totoo ba talaga yung mga sinabi mo kanina? galing ng drama mo ah kung makasigaw ng PAULA!" Sabi ni jake ginaya pa yung boses ko sabay tawa loko-loko talaga din eto e

"Tsk, part lang yun sa plano ko para mas mabilis ko na matapos yung pinapagawa niyo tsaka naawa lang ako sakanya kanina" sabi ko kahit na naguguluhan ako nung una masasabi kong part lang ng plano ko pero nung nakita ko ng nahihirapan siya di ko na malaman kung anong nararamdaman ko.

"Wehhh! awa ba talaga o Love na yan" sagot naman nito

Binato ko siya nung unan na nasa tabi ko "Ulol! Love? wala na sa vocabulary ko ang mainlove tandaan niyo yan" sabi ko sabay alis sa harapan nila

Ayoko ng mainlove matapos akong lokohin ng 1st girlfriend ko Almira ang pangalan niya 3years na kaming di nagkikita simula ng pinili niya ang pangarap niya na sa ibang bansa mag-aral. Hahayaan ko naman siya makapag-aral sa ibang bansa magsakripisyo kahit na masakit pero mas masakit palang makita mo yung Girlfriend mong nakikipaghalikan sa ibang lalaki kaysa ang malayo siya sayo ng matagal.

Aaminin ko kahit na sinaktan niya ako mahal ko parin siya hanggang ngayon kahit na ako yung nakipaghiwalay at sinaktan niya di ko parin siya kayang kalimutan. Kaya ayoko ng mainlove sa iba dahil natatakot akong masaktan muli.

Carlo POV'

  Binatukan ko si Jake pagkaalis ni Rr

"Awww! Para saan yun? sobra ka na ah" sigaw niya sabay himas sa batok niya

"Bakit kasi binabanggit mo pa yung Love sa harap nung tao, yan tuloy umalis sigurado ako naaalala niya nanaman si Almira"

"E sorry naman nakalimutan ko eh. Malay ko bang apektado parin siya sa paghihiwalay nila ni Almira hanggang ngayon" sabi naman niya

"Ibig sabihin lang nun Mahal pa niya si Almira at di pa niya kayang makipagrelasyon sa iba" biglang sabat naman ni Aldrich

"Buhay ka pa pala aldrich! Hahaha" sabi ni jake loko loko talaga ito

"G*go! porket di na ako nagsasalita patay na ako. Baka gusto mong ikaw ang maunang mamatay!" sagot naman nito sabay upo sa tabi ni Jake lagot ka ngayon

"Ikaw naman di mabiro! nagpapatawa lang naman ako eh" sabi nito

Yun nagaasaran nanaman yung dalawa tsk, tsk.

Lumabas ako para tignan si Rr at yun tama nga ako naka tunganga nanaman iniisip nanaman siguro niya Si Almira

Si Almira ang kauna-unahan at kaisa-isang minahal ni Rr ng lubos at buong puso kababata rin namin si Almira halos magkakasama na kaming lumaki. Oo nakikipagtawanan at nakikipagbiruan si Rr saamin pero ibang-iba siya noong sila pa ni Almira isa siyang napakamasayahin at palakaibigan na tao pero ngayon ibang tao na siya minsan nalang siya ngumiti, makihalubilo sa mga tao at hindi na rin siya palakaibigan at lalong di na rin siya nakikipag-usap sa mga babae.

Kasama kami ni Rr noong papunta kami sa bahay nila Almira para magpaalam at para makapag-usap silang dalawa ng maayos ng may hindi magandang pangyayari ang nadatnan namin

Flashback

"Talaga bang ok ka na? payag ka na ba talaga?" tanong ni Jake

"Wala rin naman akong magagawa ok na ito kaysa naman tuluyan kaming maghiwalay di ba?" sagot naman ni Rr

Crush na ba ito or love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon