Samantha
2011"Sam! You're here!" salubong sakin ni Irene habang tumatakbo siya palapit sakin. I can clearly see the excitement on her face since it's the first day that we saw each other after the summer break.
I smiled dahil halata naman sa itsura ni Irene na excited talaga siyang makita ako and it makes me happy since she's my only friend after I entered college last year.
We immediately clicked. Para bang nakita ko yung soulmate ko na matagal ko ng hinahanap but of course not romantically. My high school days was okay, wala akong sobrang close na friends but I can say that I have some friends but compared to Irene, hindi kami nagclick nung mga high school friends ko.
Me and Irene share a lot of similarities; favorite food, favorite band, favorite color, hobbies and even yung type namin sa mga lalaki were the same kaya sobrang komportable ko sakaniya magkwento ng kahit na ano kasi alam kong she won't judge me.
Isang taon palang kaming magkaibigan ni Irene but it felt like we became friends for how long now. Parang sampung taon na kaming magkakilala kahit na isang taon palang naman.
"Late ka na naman!" sita niya ng makalapit siya sakin. I rolled my eyes dahil alam kong magsisimula na naman siya sa panenermon niya.
"Hindi naman mahalaga ang first day Irene." angal ko.
"Oops, dyan ka nagkakamali. May freshman orientation ngayon at kailangan tayong mga sophomores na mag-assist sa mga juniors since sila ang nakaassign sa orientation for this year."
Automatikong napairap ako dahil sa sinabi ni Irene. Here we go again with this orientation. Last year ang nakaassign na mag-orient samin was the seniors and mukhang naatalo sa drawlats ang representative ng juniors kaya sila ngayon ang nakaassign and everybody hates that orientation. Sobrang boring kasi, nakakawalang gana.
"Dapat pala mas nagpalate pa ako kung alam ko lang na ngayon yung orientation." I said. That was true, sana nga tanghali nalang ako pumasok para hindi ako makasama ngayon sa pesteng orientation na yan. Who likes orientation by the way. Aside from those, "good students" yung mga plastik na mabait para magpagood shot sa mga profs, aside sakanila wala ng may gusto pa ng orientations. Lalo na ako.
"Hindi pwede. May attendance ang representative ng sophomores ngayon at ang lahat daw ng hindi pupunta magkakaroon ng deduction sa grades." pagpapaalam ni Irene sakin. I immediately turned to her in disbelief. What?! Tama ba ako ng rinig? Deduction sa grades? Wow naman, first day na first day ng klase pinapahirapan kaagad kami.
"Nag-upgrade na talaga sila ha." I said.
"Yep, kaya kawawa lahat ng hindi pupunta ng orientation today para tumulong." she said. Napahinga nalang ako nang malalim dahil wala naman na akong magagawa. Either way wala na talagang kawala from the heads ng school since balita ko last year maraming sophomores at seniors ang absent sa orientation kaya no wonder na mas naghihigpit na talaga sila ngayon.
Dumiretso kami ni Irene sa auditorium kung saan gaganapin yung orientation. Pinasulat muna nila samin yung pangalan namin at yung course namin para sa attendance I wrote, Samantha Fuentes, BS Engineering. Binigyan nila kami ng badges bago kami pinapasok sa loob.
Marami ng tao nang makarating kami sa auditorium, lahat busy sa mga pagdedesigns at pag-aayos ng mga upuan. Malawak naman yung auditorium ng university where I currently studying. It can actually accommodate more than 1000 students kaya lahat ng big events including orientations, seminars at talks ay dito ginaganap.
"Saan ba tayo pupunta?" I asked Irene. Napakaraming tao kasi sa loob at halos hindi na nga namin makita yung kasection namin dahil naghalo-halo na lahat ng students from different courses isama mo pa na nadun yung mga juniors at kasama namin, no wonder na napakarami talagang tao at mahihirapan na kaming makita yung mga kasection namin.
YOU ARE READING
Stay (Cueshé Series #01)
RomanceSamantha Fuentes wanted to make her parents proud. So, she did her best in being number one at all things. Lalo na sa academics. Ibinuhos niya ang buong elementary, high school at kahit ang college life niya sa pag-aaral. Gusto niya kasing makuha an...