Louisito Javier Dela Fuentes (Lia's father) POV
NOTE: This will contain spoilers from Rule of Fate. This is the point of view of Lia's father. A summary of his story.
"Louisito, here's your allowance..."
I groaned mentally as I approached Mama. Ilang beses ko ng sinasabing wag akong tawaging Louisito pero ginagawa pa rin niya.
"Two thousand for the week. Budget wisely." tinapunan niya lang ako ng tingin bago kinuha ang kanyang bag at dumiretso palabas.
Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang binigay niya. Kumpara sa mga nakaraang taon, pababa ng pababa ang binibigay niya. I guess it's because of our failing business. Mula din nung mawala ang Papa ay lagi nalang siyang nasa kumpanya.
"Kuya, two thousand lang din binigay sa akin ni Mama. Is it true? Our business has gone bankrupt?" nag-aalalang tanong ni Gridget. She's wearing her uniform along with her branded handbag.
"Magpasalamat ka nalang, Gridge. Two thousand is a big amount too." I grabbed my bag, heading to the garage.
"B-but, kuya! Bakit? I can't have lunch with my friends this week kung two thousand lang ang baon ko!" reklamo niya pa. "Argh! Bakit pa kasi kailangan mangyari 'to?"
I sighed. Inabot ko ang isang libo sa kanya na ikinatuwa naman niya. Kilala ko na ang kapatid ko. She'll continue to rant on and on, not until I shut her up with money.
"Ayan. Is three thousand okay?" walang gana kong tanong.
She grinned. "Of course, it is!"
Ginulo ko nalang ang buhok niya bago pumasok sa sasakyan. Slowly... I could notice the amount of luxury cars disappearing in our garage. At alam kong kahit hindi sabihin ni Mama ay hirap na hirap na siya ngayon.
It was just a year ago when our father died. Hindi niya masabi ang mga nangyayaring problema sa kumpanya at masyadong niyang dinadamdam ito kaya nauwi sa trahedya ang lahat.
He left us by choice. Kasi hiyang-hiya na siya. Kasi takot na takot na siyang harapin kami at ang mga problema niya. At hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya sa pag-iwan niya sa amin nina Mama.
We needed him now. Pero balewala nalang siguro ang lahat dahil wala na siya. He couldn't bare to see my mother and us suffer kaya mas pinili niya nalang kaming iwan ng ganito.
And I pity Gridget the most. Malaki ang galit niya kay Papa dahil sa ginawa ito. Halatang-halata ang galit niya na di mawala wala. Kaya hinahayaan ko nalang siya minsan dahil alam kong dun siya sasaya. I didn't wanna share the same burden with my sister.
Maaga akong nakarating sa Grandview para sa klase ko. I am a third year Civil Engineering student and a consistent president's lister since first year. That's the best I can do to make it up to Mama. She needs me in the future, and I can only do much by finishing a degree.
"Louis!"
A bright smile appeared on my face when I saw her approaching me. Suot niya ang regalo kong damit nung birthday niya habang nakatali ang buhok na may itim pang ribbon pa taas.
It was a blush pink puff sleeve dress that suited her skin tone very well. Her cheeks flushed red because of her blush, maski ang labi niya'y nasa kulay pink gawa sa nilagay na lipgloss.
Laurentia Celine Arevalo.
Lalo tuloy akong nahuhulog...
"Lou, may oras ka ba mamaya?" tanong niya, habang nakatitig sa mata ko.