Chapter 1

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa vibrate ng cellphone ko , Agad ko naman tiningnan kung sino ito.

3 missed calls from Paolo.


Paolo is my Bestfriend since Elementary , but since I got sick , I haven't been able to go to their house like I always do.

Katulad ko , Parehas namin gusto ang makapag Travel pero dahil nga nagkasakit ako, Siya nalang yung tumupad non para saakin.

Palagi siyang nag sesend saakin ng picture niya sa isang lugar, Ineedit niya ito at inilalagay ang litrato ko , para sa ganun maramdaman ko na naging parte ako ng Trip na yun.

Naiinggit ako pero at the same time masaya para sakanya kasi pangarap niya talagang makapag Travel , siya lang ang nag inspire saakin.

Pagkatapos kong ma-recieve ang tawag na galing kay Pao ay agad agad ko itong tinawagan.

"Sorry kakagigising ko lang , Bakit ka nga pala napatawag?"  usal ko habang naguunat-unat.

"O-M--? Nagising yata kita haha."

"Mej lang haha." parehas na kaming tumatawa na parang baliw.

"By the way chi,"


Chi? Tsk!



"Balita ko na ka labas ka na daw sa Hospital? Ibig sabihin ba niyan makakapag Travel na tayo together?!" kabaklaan talaga , Tumitili tili pa.

"I hope so.."

"Parang ang baba naman yata ng energy ng chichi ko?"

"Stop calling me chichi! I don't want to hear that , Like duh  too old." mariin ko pang usal.

"Idad lang tumatanda bakla! Isa pa MAMIMISS  mo na tinatawag kitang chichi for sure." mataray pang tono ng pananalita niya.


Yeah , It'll be miss.


"Susubukan kong magpaalam kay Mommy at Daddy about that, So stand by ka lang ha?" pagbabago ko ng usapan.

"Oo naman , Gusto mo tulungan pa kitang magpaalam kila Tito? Malakas ako don 'e."

"Talaga!? Sigee!!"

"Your last 1 year.. I promised it'll be unforgettable but promise me.."

"Promise what?"

"Wag mong aagahan , Hindi pa ako ready 'e.." pagbibiro niya pa.

"Fck you pao!" nagtatawang singhal ko. "But.. If my time comes, Wag kang iiyak ha? Kapag umiyak ka mumultuhin kita , joke!"

Sana ganito nalang kadali magpaalam , Yung walang masasaktan at iiyak , Gusto ko kapag  namatay na ako , Masaya lang.

"Sigesige , Pupunta nalang ako jan sainyo bukas, See you mwaah!" usal pa nito tsaka ibinaba ang tawag.


Bago man ako tuluyang bumangon ay nagdasal muna ako upang magpasalamat sa panibagong araw na binigay niya saakin , Nakasanayan ko na siyang gawin simula nung sabihin saakin ng Doctor na hindi ko na masusurvive ang sakit na 'to , Nakakalungkot pero at the same time masaya din dahil sa langit pwede akong mabuhay ng wala ang sakit at paghihirap katulad ng nararanasan ko.

Can Be This Love?Where stories live. Discover now