Simula
Ehno Alastair Montréal POV
"Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ng mahal na hari at reyna sa bulwagan." Natigil ako sa pagmuni-muni sa aking kwarto nang kumatok ang isang kawal hatid ang isang kautusan.
"Susunod ako." Yumuko muna ito bago tumalikod at umalis.
Ano na naman kaya ang ipag-uutos ng aking ama at ina? May panibagong problema na naman ba?
"Prinsipe Alastair, tipunin mo ngayon din ang lahat ng mga prinsesa at prinsipe." Makapangyarihang utos ng hari pagkarating ko sa bulwagan.
"Masusunod po Mahal na hari," wika ko at yumuko bago tumalikod.
Agad akong kumilos at tinipon ang mga prinsipe't prinsesa, gaya ng utos ng aking ama. Kinausap ko ang mga ito gamit ang aking isipan.
"Pinapatawag kayo ng amang hari at inang reyna. Magpunta kayo rito sa palasyo, ngayon din." Puno ng awtoridad kung saad sa kanila.
Ang aking ina at ama ang pumapangalawa sa may pinakamataas na katungkulan sa aming mundo. Ang siyang nangunguna ay ang ina at ama ng pinakamakapangyarihan at pinakamahinang prinsesang sinasabi ng propesiya.
"What's the matter, my dear Majesty?" tanong ng makapangyarihang prinsesa sa hari at reyna. Sumukli lamang ng isang matamis na ngiti ang aking ina at hinayaan ang hari na siyang magpaliwanag sa 'min kung ano ang kanilang pakay.
"Kailangan niyong hanapin ang libro ng propesiya at ibalik ito sa kung saan ito nararapat."
"Ang ibig mong sabihin ay nawa---"
"Oo, nawawala ang libro at kailangan niyo itong mahanap sa lalong madaling panahon. Bago p---"
"Ang Prinsesa Emily!!" magkapanabay na sigaw ng dalawang prinsesa. Agad akong lumapit sa aking kasintahan bago pa man ito nawalan ng malay.
"Lakas at kahinaan ng pamilya nila ang libro ng propesiya, kaya hindi ito pwedeng mailayo sa kanilang pamamahala. Maaaring mawalan ng buhay ang mga Smith sakaling magtagal pa ang pagkakalayo ng propesiya sa kanila..." Nababahalang wika ng aking ina. "...At kapag nangyari 'yon, katapusan na ng ating mundo... Dalhin niyo muna siya sa kwarto mo, Alastair. Bukas na bukas ay sasalang na kayo sa inyong kauna-unahang misyon bilang ganap na tagapagmana."
Binuhat ko ng pangkasal ang aking prinsesa. Tatalikod na sana ako upang dalhin siya sa aking kwarto nang pigilan ako ng aking ama.
"Hayaan mong... Ang limang tagapagmana na ang maghatid sa kanya, Alastair. Maiwan ka rito."
Mukhang may importanteng pag-uusapan kami ng aking pamilya, kaya kahit ayaw ko, wala akong ibang nagawa kundi ang ipabuhat si Mallory kay Bree, ang prinsipe ng kalikasan--ng lakas.
"Alastair, kailangang doblehin o mas higpitan mo pa ang pagbabantay sa prinsesa. May hinuha ako, na isa sa mga tagapagmana ay taksil."
"Mahal na Hari, pinagdududahan mo ba ang kanilang katauhan? Paanong magiging taksil ang isang tagapagmana, gayong alam naman nila ang kahihihinatnan ng kanilang gagawing kataksilan? Kamatayan, ama... Kamatayan... Kamatayan ng..." Lahat. Malungkot siyang ngumiti at sinenyasan ang aking ina na ito na ang magpaliwanag.
Hindi maaring may magtaksil na kahit sinong tagapangalaga ng kapayapaan sa mundo ng Beau, sa aming mundo. Maaari itong maging katapusan ng lahat, maging ng sinumang nagtaksil.
"Naalala mo pa ba no'ng sinabi ko sa'yong makapangyarihan kayo, Alastair? Ang mga tagapagmana?" Tumango ako sa kanya. "Kayo at ang tagapangalaga lamang ng propesiya ang kayang hawakan at basahin ang mga nilalaman nito. Kaya, hindi imposibleng ang isa sa inyo ay... Taksil." Lumapit siya sa 'kin at ipinakita ang itim na kwentas.

BINABASA MO ANG
POWERFUL INSECURITIES
FantasíaSelos at inggit ang kadalasang dahilan ng away at gulo. Napakababaw na dahilan, ngunit kayang sirain ang ganda ng isang mundo. Sa mundo ng mahika, may mga hari at reyna na siyang namumuno upang panatilihing mapayapa ang kanilang mundo. Ang mga prins...