II. The 'Monster Ghosty' and The 'Ugly' Girl

109 62 27
                                    

 

Zeppy's POV




HINDI talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Yung lalaking nakasagutan ko last week at yung lalaking pinagkakaguluhan ng mga estudyante ngayon ay iisa!
Parang pinagsisihan ko pa tuloy na nagtransfer ako dito. Lumingon ito sakin with his cold eyes atsaka ngumisi ng makilala ako.

"Guys, umalis na tayo dito. Nasira na ang araw ko sa nakikita ko." Aya ko sa kanila.

Mukhang naintindihan naman nila ako kaya isa isa na kaming umalis sa mga nagkakagulo at papalayo na sana kung hindi ko lang narinig yung boses ng ghosty guy na yun.

"Hey ugly girl!" Hindi naman ako lumingon, malay ko ba kung sino tinatawag niya, saka hindi naman ako ugly kaya hindi ako yun. Pero baket lahat sila nakatingin sakin?

"Uhmm girl, tawag ka ata." kalabit ni Felisse sakin.
"Ako?" tanong ko sa kanila saka tinuro ko pa sarili ko.

"Yes you, ugly girl." May narinig akong boses sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko lang naman ang mukha ng isang multong lalaki na feeling gwapo.

"We meet again." he said in his cold voice but i'm not afraid to him kahit anong klaseng boses pa ang gamitin niya sakin, hindi ako takot sa kanya.

"Oh yeah? we meet again ghosty guy." i said to him on my sarcastic voice.

"You need to pay what you did to me last week, ugly girl." he smirked.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Ano bang pinagsasabi nito? Saka ang kapal naman ng mukha niya, ugly girl daw ako?! Sa mukha ko na ito?! Ang ganda ganda ko kaya!

"What did you just say? Ako? Ugly girl? FYI mister ghosty, pero etong mukha na ito ay pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan, atsaka anong sinasabi mo? pay for what i did last week? Wala akong utang sayo!" sigaw ko dito at naririnig ko rin na nagbubulungan na ang mga estudyante sa nangyayari ngayon.

"No, you need to be punished for what you did to me, and you are.." Lumapit naman ito sakin kaya napaatras ako.

"Gonna..." napaatras naman ulet ako.

"Be my slave." Hanggang sa ma corner na niya ako. Hindi ko naman maiwasan na titigan ang mukha nito. Ngayon ko lang pala napansin, gwapo din siya. May grey eyes siya, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata niya, ma--.

"I'm handsome, right?" makapal ang mukha. Natauhan naman ako ng magsalita ito saka napansin na malapit pa din siya sakin kaya tinulak ko siya palayo.

"Handsome?! San banda?! Hah asa ka pa! Mukha ka nga lang paa ko! saka anong slave?! Bahala ka sa buhay mo!" Yun na ang huling sinabi ko at umalis na doon.

"Zeppy! wait up!" Hindi ko sila pinapansin dahil sobrang naiinis ako. At nahihiya din ako nung tinitigan ko siya tas inisip ko pa na gwapo siya. Hindi siya gwapo, mukha siyang multo. Maputi lang siya kaya siya mukhang gwapo. That's all.




At sa wakas, nakarating na rin kami sa room namin, kumatok muna si Felisse sa pinto bago ito binuksan. Nakita namin ang isang teacher na sa tingin ko ay ito ang adviser namin.

"You must be the tranferees? I'm Mrs. Garcia, Please come in and introduce yourself." sabi niya kaya pumasok na kami at pumunta sa gitna. Mag-uumpisa na sana kami magsalita ng bumukas ang pinto ng malakas kaya lahat kami napatingin dito.

At kung minamalas ka nga naman, mukhang magiging kaklase ko pa yung Ghosty guy. Tumingin ito sakin pero inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

"Mr. Renovette, your late again." sabi sa kanya ni Ma'am Garcia pero dire diretso lang ito pumasok kasama mga kaibigan niya. Ang sama talaga ng ugali niya, kahit sa teacher namin walang respeto. Umupo na sila sa last row kaya nagsimula na kami magpakilala.

Black Mask Princess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon