"elli lika dito bilis" sabi ng kaibigan ko na si brianna kase niyaya niya akong magpicture
"Wait lang bri, tatapusin ko lang tong pinapanood ko" sambit ko naman sa kanya
"Elliana Jade Fernandez" sigaw ni bri sa kabilang dulo ng kwarto ko
Nandito siya ngayon kase miss na daw niya ako haha (corny diba?)
"Wow brianna full name basis tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya sa gulat habang tumatawa
"Lika na kasiiii!!!! Last na kita na natin ngayon bago magsummer break" sabi niya habang pinupunasan kunwari ang pekeng luha niya
"Wait lang bri magaayos lang ako"
Naglagay lang ako ng liptint at inayos ang buhok ko, magpipicture na sana kami ng may biglang pumasok sa kwarto ko.
"Wazzup party people, from the north to the south, to the east and to the west" sigaw ng kaibigan namin na si trisha habang naglalakad papunta sa amin
"Hoy Patricia" napakaingay mo nanaman" sambit ni Brianna sa kanya habang nakatakip sa tenga
Yes po opo tatlo po talaga kaming magkakaibigan. Si trisha yung may pinaka outgoing na personality, si bri naman yung chill chill lang at siya ang nanay-nanayan naming tatlo haha. Ako naman syempre ang pinaka maganda haha chos
(pwede din naman)"Wow ang daya hindi nagsasama si picture" sabi ni trisha na parang tangang nagtatampo
"Boba late kang dumating diba?"sambit ko sa kanya
"Elli umusod ka nga jan ako sa gitna kase ako ang pinakamaganda" sabi naman ng bobang si trisha
"Sige jan ka sa gitna, sabi sabi pa naman na namamatay lagi ang mga nasa gitna" pananakot ko sa kanya
"Aray ko!!! punyeta ka patricia!!" sigaw ko pagkatapos hilain nung gaga yung buhok ko
"Tangina ka trishaaa!!!" Sigaw ko kase tumakbo yung gaga pagkatapos akong sabunutan
Hinabol ko yung gaga at kumuha ng unan para ibato sa kanya, pumunta naman yung hayop sa likod ni bri para di ko mabato
"Gurls napaka mature" sabi ni bri tapos biglang irap
"Yan kase si elli, demonyo" sagot nung timang na nasa likod ni bri
"Wow trisha coming from you??" Sambit ko kay trisha (Akalain niyo sinabihan ako ni satanas ng demonyo haha)
"Pwede na ba tayo magpicture? Ng MAAYOS?" tanong ni bri sa aming dalawa ni trisha na parang nanay namin
Pumunta kame ni trisha kay bri at umayos ng upo sa sahig para mag picture. Pagtapos magpicture ay nagstay pa ng onti yung dalawa bago naisipang umalis
"Wag niyong kakalimutan tong maganda kong mukha ha" sabi ni trisha sa amin, nagaktong nasusuka naman kameng dalawa ni bri kaya inirapan kame ni trisha
YOU ARE READING
Before October's Gone
RomancePrimo a 《walking heartbreaker》 made a deal with his friends, if he can make elliana fall for him before october's gone....