"uhm elli sorry" sambit ni primo na nakatayo sa tabi ng cr habang nakatingin sa akin
Shit parang may kumirot sa dibdib ko ng marinig ko yon sa kanya, kahit ako naman talaga ang may kasalanan
"Sorry din sa mga nasabi ko sayo kanina" sagot ko sa kanya
Tumango siya at naglakad na paalis
"Gurls ito na food natin oh" sambit ni trisha habang nilalapag sa lamesa namin yung binili niyang pagkain
Kinuha na namin yon at nagsimula na kumain dahil malapit na mag time
"Oh elli bat nakatulala ka lang jan" sambit ni bri sa akin ng mapansin na nananahimik pang ako habang kumakain
"Kase, si primo nagsorry sa akin about sa nangyari kanina" tugon ko sa kanya habang nakatingin sa pagkain ko
"Owemji true ba?" Tanong ni trisha sa akin
"Oo nga myghud trisha" sambit ko sa kanya
"Hahaha sorry naawa lang ako kay primo dahil siya yung nagsosorry kahit ikaw naman may kasalanan" tumatawang sabi ni trisha sa akin
"Oo na kasalanan ko na, nakokonsensya na ako hays..." Sabi ko habang kumakain
Ng matapos kaming kumain ay hinatid namin si Trisha sa room niya at tumungo na din kami ni bri sa room namin
"Hoy elli kanina ka pa tahimik jan, nagsorry ka na nga ih" tugon ni bri sa akin kasi kanina pa ako nananahimik
"Eh kasi nagtataka lang ako kung bat siya nagsorry sa akin kahit ako naman talaga may kasalanan" sambit ko kay bri habang pasimple akong tumitingin sa upuan nila primo at napansing wala pa sila nila tyler at chris
"Oh elli ngayon tingin ka na ng tingin jan ha" sabi ni bri ng mahuli akong tumitingin sa upuan nila primo
Nanahimik na din kami ni bri ng dumating na prof namin pero wala padin sila primo
"Sir sorry we're late" sambit ni chris na pumasok sa pinto at sa likod naman niya ay si primo at tyler
Di na ako tumingin don kasi busy akong nagsusulat sa binder ko ng assignment na binigay ng prof namin, ng matapos na klase namin ngayong araw ay lumabas na kami ni bri sa room at tumungo sa gate2 or yung main gate dito sa assumption
"Elli usto mo hatid na kita? Since same lang naman yung street ng bahay natin haha and i volunteer na laging taga hatid sayo pauwi" sambit ni bri sa akin
"Awwww nakakatats naman pu ate bri" malokong sabi ko sa kanya kaya tunatawa kami dito
"Andaya bat ako hindi ihahatid" sambit bigla ni trisha sa likod namin
"Awwww ayaw ka daw ni bri ihatid kasi ang ingay mo hahaha" pangaasar ko sa kanya
"Weh talaga ba elli?" Masungit na sabi ni trisha sa akin sabay irap
"Primo, bro let's go" sambit nila tyler na papunta sa kotse ata ni chris kase si Chris yung nasa driver seat
"Elli elli elli elli elli" punyetang sabi ni Patricia ng paulit ulit
"Hi elli" bati ni tyler sa akin ng dumaan sa likod namin
"Uhm hi" maikling sambit ko sa kanya
YOU ARE READING
Before October's Gone
RomancePrimo a 《walking heartbreaker》 made a deal with his friends, if he can make elliana fall for him before october's gone....