Chapter three: TAWAGAN

5.7K 345 154
                                    

Chapter 3: TAWAGAN

Aware naman ako sa mga tawagan thingy na yan. Alam ko yung YATS nila Fretzie at Ethan, yung POGS at GANDS ni Monique at Bryan, yung BABES ni Scott at Lexi at pati yung PANDA at ELSA nila Ashley at Gian. Kahit papaano nagiging kaclose ko na rin naman yung mga yun.

Ang hindi ko matake, bakit hirap na hirap ako mag-isip ng magandang tawagan para samin ni Miko.

Kung hindi BOYFRIEND-GIRLFRIEND which is really weird, yung UY-HOY naman kanina parang unggoy lang. Baka tawagin kaming UNGGOY COUPLE, ewww.

“Ano na?” Tanong sakin ni Miko. “Lalim ng iniisip ah.” Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa park. Katabi ng wheelchair. Ahhh! Gusto ko na talagang makalakad. Kahit saklay na lang. Nagsasawa na ko. Palagi na lang MINYA ft. WHEELCHAIR. Saklay naman para maiba.

“Nagiisip ako ng magandang tawagan.” Sabi ko sakanya. “Endearment ba, yung sweet pakinggan.”

“Sus. Kailangan pa ba nun…” Sabi niya habang kinakain yung ice cream. Parang bata, bubble gum flavor pa.

“Ayaw mo ba? Edi wag…” Madali naman akong kausap.

“Tampo agad? Di ka naman mabiro. AH! May naisip na ako.” Excited na sabi niya.

“Ano?”

“Tatawagin kitang BEY, Tawag mo sakin, BEE. Pwede?” Napa-irap ako ng wala sa oras.

“Ano, irerecycle mo yung tawagan niyong magpinsan? Ewww ha. Tsaka ayoko ng BEY, naalala ko si Bea.” Bwisit siya, mabulok sana siya sa mental. Kahit anong bleach ang gamitin na panglinis sa ugali niya, basahan pa rin siya.

“Oo na. Sorry, naalala mo pa tuloy yung baliw na yun.” Medyo sumeryoso yung mukha ni Miko. Kainis, sabi nang ayokong nakikitang seryoso si Miko. Lalo kasing gumagwapo. Promise. Buti hindi niya naging kaugali si Gian, if ever… okay, ayoko nang iimagine.

“Mas gwapo ka pagseryoso. Bat lagi kang nakangiti?” Tanong ko sakanya.

“Bakit pa ko magpapagwapo, e mahal mo na ako.” Sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya. Baliw talaga.

“Hay, ano kaya yung magandang tawagan? Yung matino naman! Isip ka pa. Diba sabi mo matalino ka?” Sabi ko sakanya. Oo, sinadya kong ibahin yung topic. Hindi pa kasi ako handang makipagsabayan sa mga ganyang banat niya. Tsaka ang hirap magpigil ng kilig.

“FROGGY at BUNNY!!! Yun ang sweet!” Sigaw niya.

“Gustong mong magbreak tayo ngayon? Mautak ka rin e. Kapag tinawag kitang bunny, siyempre cute at sweet pakinggan! Kapag sakin, FROGGY! PANGIT! KADIRI!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Alamat ni Froggy at ni KunehoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon