Umagang kay ganda... Sht! 12 hrs akong tulog WHAHAHA. Nakatulog na ako sa panunuod nung sinusubaybayan kong kdrama. Napanaginipan ko tuloy si Ji Chang Wook. Ang pogi pogi talaga ng aking bebelabs."Toktok." Katok ni mama. "Akira, kakain na tayo. Maaga ngayon trabaho ko. Kailangan na ako sa karinderya."
"Opo ma. Susunod na po ako. Magaayos lang po ako."
Ang mama ko nga pala ay isang magluluto doon aa may karinderya na malapit sa school na papasukan ko. The best si mama na magluto, ang sarap sarap palagi ng ulam. Kahit di ganun kami kayaman, nagagawa pa rin nya akong suportahan sa aking pagaaral at sa mga luho ko. Pero di ako maluho ha.
"Wow naman! Ang sarap ng almusal! Bango bango!"
"Ako pa ba anak. Sa galing kong magluto mapapa wow ka na lang talaga."
Habang nakain kami... Nagchichikahan kami tungkol sa mga nangyari kahapon. Kwinento ko lahat.
"Ma, tatagpuin ko po si Zarina mamaya. Sasamahan ko lang po sya at dadaanan ko na rin po yung uniform ko."
"Sige anak. Kuha ka na lang sa wallet ko ng pangbayad sa uniform mo tapos kuha ka ng 500 para may pangkain ka o kaya bili ka pa ng kailangan mo."
"May tira pa naman po akong pera kahapon. Yun na lang po pangkakain ko. Yung bayad na lang po sa uniform kukuhanin ko."
"Halika nga dito. Ang bait bait mo talaga. I love you anak."
"I love you too Ma." Sabay yakap kay mama.
Naligo na ako at nagayos dahil usapan namin ni Zarina mga 11 tagpuan namin. Simpleng leggings at tshirt lamang ang suot ko.
"Anak, iwan ko sa lamesa yung susi ha. Paalis na ako. Text ka ha pag nasa bahay ka na. Ingat kayo."
"Opo. Ingat din po kayo!" Kinuha ko yung susi at pera na iniwan ni mama na pangbayad sa uniform.
—
"Zarina, nasaan ka na ba? Ang tagal mo."
"Kagigising ko lang Akira, sorry." Sabay nagend yung call namin.
"Charot. Nandito na ako HAHAHAHA!"
"Kainis ka. Ang tagal kong nakatayo dito. Nauna pa ako kesa syo."
"Luh. Wag ng magalit napanget ka tuloy. Gandang ganda ng bestfriend ko ih."
"Ang bolera mo ga Zarina. Kahit kailan. Tsk."
Sya nga pala si Zarina. Full name — Zarina Amelia Santos. Since elementary, naging close na kami. Kaso nung high school nagkahiwalay kami kasi lumipat sya ng school which is yung bagong papasukan ko. Ang ganda ng bestfriend ko pati nga ako minsan natutulala na lamang. Sanaol diba? Meron syang magandang mata, makinis na kutis mahabang buhok, mukha syang mataray pero mabait yan & sobrang daming nagkakagusto dyan. Mula sya sa mayamang pamilya, kaya minsan nakakahiya bumisita sa kanila pero mababait magulang nya. Para na din akong kapatid at anak kung ituring ako nya at ng pamilya nya.
"Aki, anong shade ng lipstick ang maganda... Eto ba o eto?"
"Parehas lang naman kulay nyan eh!" Actually, di kasi ako mahilig sa mga makeup makeup na yan.
"Hays. Alam mo kailangan na kitang turuan kong paano magayos ng sarili."
"Ayos naman itsura ko ah."
"Kfine. Bilhin ko na lang ito parehas. Isa para syo isa para sa akin."
"Hala! Ay hindi nga ako maalam maglagay nyan."
"Shhh... Eto ding foundation na ito bilhin ko pili ka na din ng iyong shade. Ako na bahala magbayad."
"Wag na Zarina. Ayos na sa akin yung Johnson's—"
"Ayan tamang tama kashade mo!" Deretsong bayad kasi alam nyang ibabalik ko yun. Ganyan sya, sobrang bait & sobrang mapagbigay. Para na kaming magkapatid. Plus pag nagaaway kami, pinupuntahan nya ako sa bahay at may dalang pagkain. Tapos ayun bati na agad kami. Food is life para sa amin.
"Oh eto. Gamitin mo yan ha. Magagalit ako syo pag di mo ginamit yan. Dapat makikita kong nakalagay sa mukha mo yan bukas."
"Oo na kahit di ako marunong. Salamat Zarina." Btw, bukas na nga pala pasukan. Kinakabahan na ako. Sa kanya na lang ako aasa hahahaha. Sya lang kilala ko sa school. Sana naman po Lord magkaklase kami. Baka mabaliw ako pag buong araw ako bukas nakaupo sa sulok at walang makausap.
"Aki, daanan kita sa inyo. Sabay tayong pumasok ha. Sabi din sa akin ni daddy sabay na daw tayo bukas."
"Sige. Chat mo ko pag malapit ka na para sa labas na lang ng bahay ako maghihintay."
Pagkatapos naming kumain. Nagkahiwalay na din kami kasi may family dinner sila. Ngayon dadaanan ko na yung uniform ko tapos uuwi na ako kasi mag gagabi na.
"Oh anak. Kumain ka na ba?"
"Opo. Kumain na po kami ni Zarina. Ang dami po naming nakain."
"Mabuti naman. Ay sha sige, magpahinga ka na. Maaga ka pa bukas."
Sinukat ko yung uniform... Para syang uniform nung mga nasa kdrama. Ang ganda! Sinuot ko din yung sapatos na nabili ko. Tamang tama sya! Bagay sa uniform.
"Bzzz." "Hi!"
Sino ito? Ito yung nag friend request kagabi ah. Rereplyan ko ba? Pero di ko sya kilala. Don't talk to strangers. Tandaan nyo yan! Sineen ko na lang sya. Di ko naman kasi kilala. Itatanong ko na lang bukas kay Zarina kung sino itong Robe na ito...
![](https://img.wattpad.com/cover/234185297-288-k484718.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected
Fanfiction"Look at me. I am the girl in your dreams." If you are a reader na interesado sa mga storyang tungkol sa love, friendship, & betrayal, this is what you are looking for. Please take time to read this story.Grab a cup of coffee or tea & read this sto...