Bagong ligo na ako & nakauniform na. Hala! Yun nga palang pinagbibili sa akin ni Zarina kailangan kong ilagay. Paano ba maglipstick tulong naman oh."Bzzz." "Aki, malapit na kami."
Dali dali akong naglipstick at nagsuklay. Sabay kinuha ko na bag ko at bumaba na para bantayan na si Zarina.
"Hi tita!" Bati nya kay mama. Bumaba pa sya para magmano.
"Ang ganda ganda mo naman Zarina. Parang kelan lang ang liliit nyo pa ih."
"Tita naman oh ang bolera hehe." "Sige po tita, alis na kami."
"Ma, babye. Ingat ka po sa trabaho."
Sumakay na kami sa sasakyan at pupunta na kaming school. Kinakabahan ako. Di ko alam ang gagawin ko mamaya.
"Huy! Magkaklase daw tayo Aki!"
"Talaga! Yes!" "Sinong may sabi? Kanino mo nalaman?"
"Pinapicture-an ko kay Javier. Sabi ko kasi agahan nya para malaman natin section natin."
"Hays salamat naman. Hindi ako magiisa HAHAHAHA."
—
"Goodmorning class!" "May transferee tayo. Come here Ms. Samonte."
Namamawis nanaman kilikili ko grabe. Nasa unahan na ako ng klase. Owemji. Paano po magpakilala ng sarili.
"Hi! I am Akira M. Samonte. 17 yrs old." Tama ba sinabi ko? Ang seryoso naman ng mga mukha ng kaklase ko pwera na lang kay Zarina na nakaupo doon sa may gitna.
"Ms. Samonte, you may have your seat beside Bryle."
Tinuro ni ma'am yung upuan ko. At sht guess who... Yung lalaking nakipagagawan sa book store ay kaklase ko pala. Awkward bruh— umupo na ako sa tabi nya & di ako makatingin ng deretso.
"Hey, ikaw yung babae sa may book store diba?" "Ikaw nga! Tandang tanda ko mukha mo. Gotcha."
"Oo ako nga. At ikaw yung lalaking di mapagbigyan ang babae." Sarap isako itong monggoloid na ito.
"Pake mo ba? Pasalamat ka sumingit mga kaibigan ko."
"Hoy! Excuse—"
"Wassup Miss Book Store." "Ako nga pala si Jayden." Sabay kindat sa akin.
Hindi ako umimik sa halip ay binuklat ko na lang libro ko. Isa pa ding monggoloid ito. Kung makakindat parang close grabe. Kinawayan ako ni Zarina at ngumiti na lang ako, hindi ako makalapit kasi biglang dumating yung sunod na teacher namin.
Wow ha. Nasa gitna na ng klase tapos yung katabi ko tulog na agad? Okay, hindi ko maaasahan katabi ko. Tsaka pake ko diba. Pero mukhang napansin ni sir na tulog sya. Baka parehas kaming matawag. Gigisingin ko ba? Ano bang gagawin ko? Kukulbitin ko na lang sya ng kukulbitin.
"Ano ba! Kitang natutulog yung tao!" Nagalit sya sa akin at naantala yung klase.
"Mr. Gutierrez! I don't like students who sleep on my class! Get out!" Hala! Galit na galit si sir. Kasalanan ko ba? May masamang kutob ako.
BINABASA MO ANG
The Unexpected
Hayran Kurgu"Look at me. I am the girl in your dreams." If you are a reader na interesado sa mga storyang tungkol sa love, friendship, & betrayal, this is what you are looking for. Please take time to read this story.Grab a cup of coffee or tea & read this sto...