Eva's PoV
Sa wakas at natapos narin ang byahe,dala dala ko ang dalawang maleta. As usual walang sumusundo sakin.
Dumeretso ako sa bahay amponan,kung saan lumaki si Eva the sexy... charut lang...
Sa bahay amponan kung saan ako ipinagbilin ng aking Ina. Di ko naman siya masisisi at sigurado naman akong may dahilan kung bakit niya ginawa ito. Yung nga lang after 24 years di parin ako kinuha. Nakakalungkot lang isipin na di ko man lang nakita yong mukha ng nanay ko. Siguro maganda din yon kase ako sure ako maganda ako. Lol.
Naghintay ako ng Taxi na masasakyan. Nang makita ang isang Taxi ay pumara na ako dito. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may kamay na biglang sumulpot at binuksan ito.
"I've got it first" ani nang lalaki
Kumulo ang dugo ko nang maanino ang mukha ng taong ito. Siya lang naman yong lalaking grabe kung makatitig kanina sa eroplano. Hutchangnanay!...
Dios ko gusto kong masakal ang lalaking toh...
"Ako yong pumara kaya ako ang sasakay" ani ko,sa lalaking ngiti ng ngiti habang ako ay parang sasabog na sa inis.
"No way" anito sabay pumasok sa sasakyan.
Aba bastos to ah. Pumasok din ako at akmang susuntukin yong mukha niya. Sa kasamaang palad nakuha niya kamay ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"susuntukin ko narin sana siya ng isa kong kamay ng mahuli niya ito ulit.
"Bitaw!!!"sigaw ko,ngunit ayaw parin nitong bitawan yung dalawang kamay ko.
"TULOOON-"di ko na natapos ang paghingi ng tulong dahil tinakpan agad nito yung bibig ko. Ito naman yung oras para kagatin ko siya kaya di na ako ng dalawang isip at ginawa nga yon.
"Holy sh*t Ow" anito,sosyal english pa.
Susuntukin ko na sana ito ulit ng biglang...
"LABAS KAYO SA SASAKYAN KO!" ani,manong driver.
Napatigil naman kaming dalawa sa malakas na pag ani ng driver ng sasakyan. Agad akong bumaba at sumunod naman ito.
"Sir,nandito lang po pala kayo. Hali na po kayo at hinihintay na kayo ng inyong Ama" ani ng lalaking naka blacksuit na para bang model.
Tinaasan niya lang ito ng kamay at agad naman itong nag bow saka umalis.
"Frank, I'm Frank Car-" di ko na sya pinatapos sa pagpapakilala ng sarili dahil tinalikuran ko na ito at naglakad. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Sa wakas at di narin ako sinusundan ng lalaking yon. Haup siya sinayang oras ko.
Nakasakay narin ako ng Taxi at binigay yung adress.
After an hour nakarating narin ako sa bahay amponan.
"Ate Eva!"
"Andito na si Ate Eva"
"Yey ate Eva"
Sambit ng mga bata saka dali daling tumakbo papunta sakin. Sila yung mga kasama ko sa bahay amponan at tinuring ko naring parang totoong mga kapatid.
"Kamusta kayo? Tara sa loob may pasalubong ako sa inyo"
"Yeyy, excited na ako!"
"Ako rin hehhee"
---
Tatlong araw narin ang nakalipas simula nang magstay ako sa bahay amponan. Okay lang naman dw sabi ni Mother Amy na magstay ako pero mga isang buwan lang din. Kaya ngayon ibebenta ko na yung mga alahas na inipon ko simula nong nasa Australia ako.
Nagbihis ako ng maayos at magpapaalam na sana sa mga bata nang may mga sasakyang sunod sunod na pumarada sa harapan ng bahay amponan.
"Yey! Andito si Kuya Frank"
"Oo nga, maraming pasalubong na naman yung ibibigay satin"
Ani ng mga bata. Frank? parang pamilyar. Narinig ko na yung pangalan pero di ko na maalala.
Lumabas yung mga nakablacksuit na mga lalaki at dala dala ang mga malalaking box.
At huling lumabas naman ang isang lalaki na...
Nagulat ako ng matantong ang lalaking iyon ay yung lalaking bastos na na encounter ko sa Airport!
Agad akong nagpaalam kay Mother Amy saka duko dukong lumakad sana palabas nang biglang may humarang sa dadaanan ko. Lakad sa kanan, lakad sa kaliwa. Talagang hinaharangan ako. Huta nakakahiya, so ang lalaking toh ay isa sa tumutulong dito sa bahay amponan? Haish.
Hinarap ko ito, saka nag fake smile.
"Excuse me" sabi ko saka lumakad sa kanang bahagi. Pero hinaharangan parin ako nito. Lakad sa kanan,kaliwa,kanan, kaliwa.
"AH!" Napapikit at napasigaw ako ng ma out of balance . Akala ko babagsak na ako pero hindi,dahil agad na nahawakan nito yung beywang ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita namang nakatitig ito sakin. Parang tumigil ang oras at titig na titig lang kaming dalawa sa isa't-isa.
Saka ko lang namalayan na may maganda pala itong mukha. May makakapal na kilay, may matangos na ilong at may kissable lips.
Binitawan niya na yung pagkakahawak sa beywang ko. Napakurap ako at saka lamang bumalik sa huwisyo.
"Are you okay" tanong nito.
Napa inom ako ng sariling laway dahil sa kasexyhan ng boses nito.
"A-ah o-oo" nahihiyang ani ko,saka tumingin nalang sa lupa. Nakakahiya di ko siya matignan sa mata kase sure akong mamumula lang tong pisngi ko.
"By the way, Im Frank Carter, I was helping this foundation for 2 years, and you are?"
"E-eva Portillas, lumaki ako dito"ani ko
(A/N: sanaol nauutal,landi mo Eva!!)
YOU ARE READING
Ms. Negosyante Meet's Mr. Maniac
RomanceStory is all about a poor girl meet a rich boy who's very pervert if it comes to her.