"Mahirap iwan ang taong naging bahagi na ng buhay mo, pero minsan kailangan mong umalis sa buhay niya para hindi ka na masaktan. Tanong ko lang, paano ba magpaalam sa taong ayaw mo ng iwan?"
Bago ko ito simulan, gusto ko lang ipaalam sayo na wala akong galit at wala akong tampo. Nandito ako, nanditl ako para magpaalam. Isa, dalawa, tatlo. Hanggang saan ang bibilangin ko para makalimutan na kita. Mahal, naaalala mo pa ba kung paano at kung saan tayo nagsimula? Mahal, naaalala mo pa ba kung saan tayo unang nagkita? Mahal, naaalala mo pa rin ba kung gaano tayo kasaya dati, hindi tulad ngayon na halos nagkalimutan.
Kasabay ng pagkawala ng mga linya sa saliw ng isang malungkot na musika. Muli na naman pumatak ang mga luha na siyang unti-unting nagpapalabo sa aking mga mata. Kaya tinatanong ko ang aking sarili, bakit nga ba hindi pwede, bakit nga ba hindi tayo, bakit nga ba nawala na yung dating TAYO.
Muli nagtatanong sa aking sarili, ano ba ang aking mali at patuloy ang pagtulo ng mga luha sa isang indak ng malungkot na musika. Kailan kaya magiging masaya ang puso, puso kong mas durog pa sa paminta.
Ako'y mag-isang umiiyak sa sulok, mga panahong ako'y nagmumukmok, walang nakapansin sa mga matang malungkot, dahil sa mga ngiti itinatago ang sakit. Ang sakit na ikaw ang gumawa, ang sakit na ikaw ang dahilan, ang sakit na ikaw ang nagbigay. Tanong ko lang, masaya ka na ba, masaya ka na ba sa buhay mo? Buhay na wala ako? Masaya ka ba dahil may iba ka na? O talagang nagsawa ka na? Nang ako'y iwan mo, naisip mo ba! Naisip mo ba na ako'y malungkot dahil wala ka na? Na nawala ka na sa buhay ko at kailanman hindi na babalik pa sa piling ko?
Mahal, alam mo minsan gusto kong sabihin na miss na miss na kita, pero hindi na pwede. Alam mo minsan gusto ko ring sabihin sayo na mahal na mahal pa rin kita, peeo hindi na rin pwede. TANG-INA kasi nagmahal ka pa ng iba samantalang mahal naman kita! Mahal ang daya mo, sabi mo ayaw mo akong masaktan, pero bakit? Bakit ang pinili mo ay SIYA at hindi AKO.
Sa LOVESTORY na ating binuo na ako ang bida at ikaw ang kapareha, hindi ko aakalaing may bagong karakter, bagong karakter na sasali at siyang gugulo sa ating dalawa. Kaya ang love story nating dalawa na pinamagatang "IKAW AT AKO" ay naging "IKAW AT SIYA" na lang, at yung dating TAYO ay napalitan ng KAYO. Ako, ako na siyang bida ay naging KOTRABIDA na lang, at ang dating extra ang siyang naging BIDA.
Meron na kasi siya sa PUSO mo at wala na ako sa BUHAY mo. Hindi ko na nakayanan, kaya ako'y aalis na. Hindi mo man lang ba ito pagsisihan? Na ako'y sinaktan mo at iniwanan? Paano iung hindi mo na ako makita? Paano kung hindi mo na ako makasama? Paano kung tuluyan na akong mawala? Masasabi ko ba, masasabi mo ba minsan sa buhay mo! How so sad nasaan ka na, miss na miss na kita.
Kaya huwag mong iisipin na duwag ako at hindi na kita mahal kaya sumuko na ako, siguro masyado lang akong matapang para palayain ka. Kung mas pinili kong masaktan sa aking desisyon.
Walang may gusto nito, kabiguan ay dala ng panahon. Kung saan nagkataon na parehong nagmahal ang IKAW at AKO. Ako na ang magpaparaya, magpapaubaya, magiging madaya, maging maaaya ka lang sa kaniya.
Mga luha kong umaagos, dito lang natapos ang lahat para sa ating dalawa. Hindi ko aakalaing na ako pa, ako pa ang siyang magpaparaya't magpapaubaya sa amin. Mahal kita, pero kailangan ka niya, wala akong laban. Sabihin man natin na ako sayo ang siyang nauna, ako na ang bibitaw sa aming dalawa. 💔
