Ang Bakasyon 4

21 3 0
                                    

Marcus POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Marcus POV

Maaga akong gumising para mamalengke,at ng makapag ayos at nagkape ay umalis na ako.

At matapos ang isang oras na biyahe papuntang bayan ay may nakita akong pamilyar na mukha,si Christine ang girlfriend ni Albert.

Kaya tinawag ko siya at ng lumingon siya,ay nagulat ako may kasama pala siya,kasi nasa stall sila ng cookwares tinabihan ko na si Christine at nakipag kwentuhan habang may binibili yung friend niya.

Christine:" Andito ka na pala sa Pinas?"
Keith: "Yes,last week lang ako dumating."
Christine: "Keith this is Leigh,my highschool friend,Leigh si Keith barkada ni Albert."
Leigh:" Nice to meet you, Keith."
Keith:" Nice to meet you too."
Keith:"Mamalengke ba kayo Christine?"
Christine:"Oo, mamalengke kami,Keith".
Keith:" Sabay na ako sa inyo,pwede ba?".
Christine: " Cge ba."
Keith: "Tara na saan nyo gusto unang pumunta?"
Christine:"Wait natin si Leigh,bumibili pa kasi siya ng mga kulang na gamit para sa kusina."
End of Conversation.

Nagumpisa kami pumunta sa manok at baboy habang tumitingin si Leigh ng manok at baboy, nakakita ako ng paa ng manok kaya binili ko na masarap sa adobo ang paa ng manok.

Sunod namin pinuntahan mga isda,habang pumipili pa sila ng mga bilhin nilang isda si Leigh at Christine,nakakita ako ng malalaking tilapya masarap sa ihawin.

Sunod na pinuntahan namin ang mga gulay at mga pampalasa,nakakita ako ng nagtitinda ng uling at tinawag ko si Christine,para bumili na rin kasi mahal ang uling sa resort kaya bumili na kami ng tatlong balot ng uling.

Pagkatapos nakakita kami ng mga prutas at pumili na kami at bumalik kami sa bilihan ng Cookwares at bumili Ako ng palayok kasi naganda ako.

Pagkatapos ng One hour na biyahe mula sa bayan nakabalik na rin kami sa resort,at sinimulan ko linisin ang mga manok,baboy,at scallops.

Habang nagiihaw ako ng manok para sa lunch ay nakita ko ang dalang tahong at dilis ni Albert,kaya tinanung ko kung saan galing binili daw nila sa mga mangingisda,kasi katatapos lang nila mag surf.

So habang hinihintay nila ako ay tumambay muna sila sa dalampasigan sina Henry,Kenneth at Albert.

Tinanong ko si Albert kung anung gagawin sa tahong at dilis,puntahan daw namin sila Christine at friends niya ibig sabihin makikita ko ulit si Leigh.

Pagkatapos namin mag lunch nilinisan ko na yung dilis masarap kasi sa kilawin.

Tama may dalang wine sina Henry at Kenneth,kaya text daw ni Albert si Tine,na kung pwede mag inuman kami ng mga friends niya.

At after one hour andito na kami sa cottage nila Tine at pumunta na ako sa kusina at ginawa ko na yung kilawin na dilis.

Nagluluto ng tahong si Leigh na dala namin nila Albert,so habang nag gigisa siya ng bawang sibuyas at luya, hindi ko mapigilan na hindi siya titigan habang kinakausap ako ni Kenneth.

Kasi gusto ni Kenneth matutung magluto ng stake para surprise daw sa gf niya,at tamang tama yung labas ni Leigh sa kusina.

At umupo si Leigh sa tabi ko, kasi dun na lang may bakante upuan kaya no choice siya kung hindi tabihan ako.

Habang tuloy sa pag inom kami ng wine,habang katabi ko si Leigh ako ay nabighani sa kanya kagandahan taglay.

Naisip ko yakagin siya maglakad sa dalampasigan  mamaya para lubos siya makilala.

Habang tumatagal ang pag tambay namin sa villa nila Leigh ako ay nahuhulog sa kanya hanggang hindi ako nakatiis kinausap ko siya

Marcus: "Ang sarap ng luto mo talaga!".
Leigh:"Salamat,turuan mo ako magluto ng stake?"
Marcus: Cge,pag nakabili ako ng stake cut ng beef,turuan kita."
Leigh: Thank you matagal na ako sablay pagdating sa pagluluto ng stake".
Marcus:"Ako bahala sayo specialty ko ang stake."
Leigh:"Pag kailangan mo ng help ko pasabi ka lang kay Tine at tulungan kita kahit anu basta kaya ko."
End of Conversation

Tuloy ang inuman hanggang sa hindi namalayan madilim na pala,kaya nagpaalam na kami ng mga friends ko pero nagulat ako kasi sabi ni Leight "ihatid ko na kayo sa labas". Magpapahangin kasi siya kaya pinauna ko na yung mga friends ko sa villa at sinamahan ko magpahangin sa tabing dagat si Leigh.

Habang nakatingin siya sa dagat tinitigan ko lang siya at hindi ako nagsasalita.

"Andiyan ka pala,Marcus".
Sagot ko naman,"Ayoko mag ingay kasi baka maistorbo kita".
"Ok lang naman Marcus",ang Sagot niya,pero mas gusto kung titigan siya at samahan siya dito ng tahimik ako.
"Ayaw mo magsalita?"tanung  niya,ang sagot ko nahihiya ako.

"Ako na lang muna magtatanong?"sabi ni Leigh,sagot ko naman "cge tanung ka lang",sagot ko naman.

"Bakit ka pala naging chef?"tanong niya,sagot ko naman ay "Hindi kasi marunong magluto si Mama,kaya nag aral ako magluto".

Hindi namin namamalayan ang oras ng dahil sa usapan at naisipan kung tanungin kung may facebook ba siya.

"May Facebook ka ba Leigh?"tanung ko,ang sagot niya "meron akong facebook Martina Leigh Co ang name ko sa Facebook.

Pagkatapos kung magtanong ay nagpaalam na ako kay Leigh at malalayo pa yung lalakarin ko dahil malayo yung villa namin.

Pagkauwi ko sa villa ay naginit ako ng mga natira namin ulam para pag nagutom mga friends ko may kakainin sila,natulog na kasi yung mga friends ko.

Samantalang ako ay hindi dalawin ng antok at iniisip ko kung I add ko ba sa facebook si Leigh,pero kinuha ko pa rin yung smart phone ko at nagpunta sa Facebook app at hinanap ang Facebook ni Leigh at pinindot ko ang add button.

Lumabas ako ng villa para mag-isip at magpahangin para dalawin na rin ng antok.

Makalipas ng isang oras na pagpapahangin ay pumasok na ako sa villa at humiga sa aking kama at kinuha ang libro sa aking bag para mag basa ng Enchanment ang title ng libro.

Makalipas ang isang oras at kalahating oras na pagbabasa pinatay ko na ang lampshade at ako ay pumikit at natulog ng may ngiti sa labi.

Martina's Tale (On Going)Where stories live. Discover now