CHAPTER 1

25 4 1
                                    

Plagiarism is a crime!^_^Enjoy Reading......

CHAPTER 1

Bagsak ang balikat ng babaeng  naglalakad sa tabi ng daan pauwi sa kanilang bahay.Pinipigilan nyang tumulo ng tulayan ang kanyang nagbabadyang mga luha.

Muntik na syang mawalan ng trabaho kanina,pinagbintangan kasi sya na magnanakaw buti nalang hindi pa sya natatanggal pero sigurado syang bukas wala nang naghihintay na trabaho sa kanya .Alam nyang lagot sya bukas kasi ito ang dating ng kanyang among babae at balak pa yata syang ipahiya ng mayordoma sa mansyon.Tapos sinabunutan pa sya ng ex ng best friend nya ,akala nito kaya naki pag break ang best friend nya dito ay dahil sa kanya.Nilandi nya daw,kaya para walang  eskandalong mangyari nagpaliwanag nalang sya at ayun na tameme at umalis ng walang sorry sorry sa kanya.Ansakit tuloy ng katawan nya,pagkatapos ba naman sa matinding trabaho sasabunutan ka pa.

Hay buhay nga naman . Sa isip isip ni Samantha.sigh

"Nandito na ko"

"Buti naman at dumating kana, magluto kana at maghain gutom na ako"sabi ni tita Nicole.35 yrs old single, best friend ng mama ni Samantha.

"Opo"

"Ate!!! buti nalang at nandito ka na" masayang sabi ni vendell, nakababatang kapatid ni samantha.Sya ang nagbigay ng palangan dito ,8 years old

"Oh, bakit may kailangan ka?"tanong nya sa kapatid.

"Ate may project po kasi kami sa school 50 pesos po ang ambagan namin"

"Kailan nyo kailangan,wala pa kasi akong pera bunso eh"

"Sa susunod pa naman pong araw pero kung -------"

"Shhhh. Akong bahala gagawan ko ng paraan ha"

"Talaga ate"

"Oo naman ,oh sya sige tulungan mo nakong magahain at baka magalit na si tita"

"Sige!"

PAGKATAPOS nilang kumain,nagliligpit na sya ng hapag kainan nang tumunog ang cellphone nya .Nang tingnan nya ang caller ,ninang nya ito ,kaya dalidaling sinagot nya ng tawag.

"Hello ninang,napatawag po kayo"

"Wala naman nangangamusta lang okay lang ba kayo dyan ,kapag may kailangan kayo wag kayong mahihiyang magsabi sa akin"

"Okay naman po kami ninang "

"Namimss ko na kayo ,dumalaw kayo dito pag wala kayongpasok ha"

"Opo ninang, sya nga pala ninang kamusta po si mama?"

"Hay, wala paring development sa kanya di bale kapag meron iiinform kita agad ha "

"Sige po salamat "

"Sige ingat mga junakis babush"

"Bye po ".At binaba na nya ang tawag.Haysst mama,bulong nya sa hangin,miss na kita .

Bukas na nya haharapin na nya ang problema nya sa trabaho .
Kinakabahan ako .sa isip ni Samantha

To be continue...........

Stay safe guys...hehe😊😊😊

SMILE HIDES THE SADNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon