disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This novel's story and characters are fictitious.
* * *
"Isara na ang mga pintuan, bintana pati na rin ang pinaka-bukana ng baryo Sevilla!" rinig kong sigaw ng lalaki na nasa gitna. Agad naman na nagsi-takbuhan ang mga tao papasok sa kanilang bahay dala-dala ang kanilang mga sanggol at supling. Nagtataka man, sumunod na rin ako kay Aling Simang nang hilain niya 'ko papasok ng munti nilang bahay.
Isa-isa niyang sinara ang mga bintana at pinto, nagsabit rin siya ng rosaryo sa lahat ng butas na pwedeng pasukan saka siya nagdasal. Nang matapos siya magdasal, lumapit ako sa kan'ya.
"Bakit niyo po sinara lahat ng pinto saka bintana? Saka parang takot na takot ang laha-" pinatigil niya 'ko sa pagsasalita nang makarinig kami ng pagaspas ng pakpak. 'Di siya tunog ibon dahil sobrang laki ng tunog.
"And'yan na sila..." bulong niya. Pinakiramdaman niya ang paligid, "Mga halimaw." dagdag niya.
* * *

BINABASA MO ANG
Baby Cemetery (hiatus)
TerrorIt was a peaceful village full of harmony and love- it was. They helped each other rise up and spread positivity but all things changed. Every night, they secure their safety especially the babies and little kids they have for the monsters living in...