Part 1

13 3 0
                                    

"Ano ba'ng ginagawa natin dito?" Iritang tanong ko sa kaibigan kong si Aril. Dahil imbes na dumiretso kami sa practice namin ay dumiretso kami sa court ng baranggay kung saan may mga nagba-basketball

"Saglit lang 'to. Titignan ko lang si kuya kung paano maglaro" Sabi niya

"Ayan nakita mo na. Baka p'wede na tayong pumunta sa practice?" Inis ma sabi ko

"Napaka kj mo talaga, Elyse. Saglit lang naman tayo rito eh" Pagdadahilan niya at umupo sa bakanteng upuan

"Hala, ang galing nang lalaking 'yon oh!" Malanding sabi ni Aril sa 'kin kaya naman napatingin ako sa tinutukoy niya

"Hala, oo nga 'no. Ang galing gagi, puro 3 points 'yong tira" Excited na  sabi ko

"Plus the fact that he's handsome!" Dagdag pa ni Aril dahilan para mas lalo akong magkainteres sa lalaki

"WhoOooo go number 9!!!" Sigaw ko kaya naman napatingin sa 'kin yung lalaki ng may pag tataka

"Hala friend tumingin sa 'yo" sabi ni Aril

"KyaaAaaahhh" sabay namin sigaw at nag tatalon pa nang maka shoot ulit ito ng 3 points

"Go Number 9!!!!" Sigaw ko

Patuloy lang ako sa pag c-cheer sa lalaking hindi ko naman kilala

"Hoy Elyse tara na late na tayo ng dalawang oras sa practice natin" sabi ni Aril

"Mamaya na 4th quarter na,malapit ng matapos eh" sabi ko

"Go number 9 galingan mo pa!!!!" Sigaw ko

"Elyse tumigil ka na nga sa pag sisigaw mo mamaya mapaos ka pa niyan" saway sa 'kin ni Aril pero hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang ako sa pag cheer

"Go number 9!!!! Damihan mo pa 'yung shoot para matalo mo sila!!! Go baby!!!!" Sigaw ko pa

"Elyse tigilan mo nga 'yan nakakahiya ka,tinawag mo pang baby baka may girlfriend 'yan at mapa away pa tayo tsaka late na tayo sa practice tara na" sabi ni Aril

"Saglit na lang Aril pleaasseee" pag mamakaawa ko sa kanya

"Ok fine. Basta dalian na lang natin mag lakad mamaya kasi hinihintay na itong mga materials para sa proofs natin" sabi ni Aril sabay taas ng cartolina at mga coloring materials

10 mins na lang ang natitira at hindi pa rin ako tumigil sa pag c-cheer pero agad akong natigilan nang mag kagulo sila sa isang sulok at nakitang na injured si kuyang number 9

"Hala Aril tignan mo,na injured siya!" sabi ko at inalog alog ang balikat ni Aril

"Oo nakikita ko" sabi niya at umirap pa sa kawalan

"Sino walang hiya ang pumilay sa baby ko?! Huhuhu baka 'di na siya mamakapag laro" pag mamaktol ko

"Elyse tigilan mo nga iyang kaartehan mo,kanina ayaw mong manood tapos ngayon halos ayaw mo ng umalis" sabi ni Aril pero hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pag silip kung ano ang nangyare

Nakita kong halos namimilipit siya sa sakit at dahan dahan siyang pinapaupo pero mukhang nahihirapan siya

"Aril peram nga ko ng cartolina tsaka ng pentel pen" sabi ko kay Aril

"Ano na namang kagagahan gagawin mo?" Tanong niya

"Basta ibigay mo na lang sa 'kin" sabi ko at walang nagawa si Aril kung hindi ibigay

Agad agad akong nag hanap ng mapapatungan at dali dali nag sulat

"Hoy Elyse anong ginagawa mo? Bakit ko sinulatan iyan? Yare tayo sa leader natin late na nga tayo tapos sinulatan mo pa iyan" sabi ni Aril

"Wala akong pake kaya ko silang bilihan kahit ilang cartolina ang gusto nila" sabi ko at nag patuloy sa pag susulat

"Nako talaga Elyse pag nakita ako ni kuya na kasama ka at kung ano ano ang pinag gagawa malilintikan talaga ako doon" sabi ni Aril pero 'di ko na lang siya pinansin

Nang matapos na kong mag sulat ay agad agad akong tumayo at tinaas ang sinulat ko at sumigaw

"Go baby Number 9!!!! Sit Properly!!!" Sigaw ko kaya naman napatingin sa 'kin ang lahat

"Hindi ko po siya kasama" nahihiyang sabi ni Aril at yumuko

Tignan mo itong babaeng 'to hindi man lang ako sinuportahan

Patuloy lang ako sa pag sigaw at maya maya ay bumalik na si kuyang number 9 sa laro kaya naman halos mag wala na ako kakasigaw

Natapos ang laro nila at nanalo ang team nila. Lalapitan ko pa sana siya kaso hinatak na 'ko ni Aril

"Nako Elyse tignan mo paos ka na" sabi ni Aril

"Baka pakingan hindi tignan" sabi ko

"Gaga ka talaga" sabi niya

"Sana makita ko pa siya sa susunod na laro nila" nakangusong sabi ko

"Nako 'te asa ka p-" naputol ang sasabihin ni Aril nang biglang may nag salita sa likod

"Bakit sa susunod pa,pwede namang araw araw" sabi ng kuyang number 9 at bahagyang ngumiti

"WhaaAaa Aril sampalin mo ako! Nanaginip ba ko?!" Sabi ko at sinampal nga ako ni Aril

"T*ngena ang sakit non ah" reklamo ko

"Minsan lang kasi kita masampal kaya sinulit ko na" sabi ni Aril

"Hindi nga ako nanaginip,ikaw nga! Ikaw 'yung lalaking 'yun!!!!" Sigaw ko

"HAHAHA you're really cute. Pwede bang sumabay sa inyo?" Sabi niya at ngumiti ng sobrang tamis

"Sure!!!" Nakangiting sabi ko

Worth it yung paos ko HAHAHAHAHA

One Game, To Win Her HeartWhere stories live. Discover now