Chapter 3: Nice Try

1 0 0
                                    

" oo nga boi, hirap maging gamer at mag-aral ng sabay." matter of priorities

" kaya mo yan boi." sabi niya sabay tapik sa balikat ko " sige boi una na ako, goodluck!" ngumiti siya sa akin at umalis na

Parang nawala bigla yung kaba ko. Let's get it on!

Huminga muna ako ng malalim. Nandito na ako sa harap ng deans office. Tinignan ko yung relo ko at advance ako ng 15 minutes. 8: 45 am palang kase at 9 am yung call time.

Lumapit na ako sa pinto at kumatok ng tatlong beses. Pinihit ko yung doorknob at bumukas yung pinto.

Biglang nanlamig yung buong katawan ko. Grabe naman yung lamig ng aircon dito.

Pumasok na ako at sinara yung pinto.

Biglang may lumapit saking babae at naka uniform siya, working student siguro.

" Ano pong kailangan ninyo?" nakangiting tanong niya sakin

" si Mrs. Garcia." ngumiti din ako sa kanya

" pasok lang po sa office niya, wala pa siya eh!" sabi niya sakin at ginuide niya ako papunta sa office ni Mrs. Garcia.

" pasok ka." sabi niya sabay bukas ng pinto ng office ni Mrs. Garcia " hintayin mo lang siya muna may pinuntahan pa kasi siya eh." dagdag niya

" sige miss, thank you ah!" ngiting pang akit hahahha jk

" no problem." ngumiti siya at umalis na.

Ang lawak ng office ni Mrs. Garcia. Hindi siya by cubicle kundi by room talaga. Merong room yung every deans ng course. Ang course ko pala ay Bachelor of Science in Information Technology (BSIT). At si Mrs. Garcia yung dean ng BSIT.

Nakaupo ako ngayon sa sofa. Yayamanin kasi may sofa sa loob ng office niya. Linagay ko sa table yung paper bag na may lamang choco moist cake at dalgona coffee made with love by mama. Naks! Hahahhah

Pero yung happy holidays na paper bag talaga yung nagdala hahahhah.

Tinignan ko yung relo ko at 8:55am palang. Meron pakong 5 minutes para mag practice ng mga sasabihin ko. Kailangan kong gumawa ng script. Pero ayaw ko ng scripted gusto ko yung spontaneous.

Wala ng practice practice. Go with the flow na lang.

Biglang bumukas yung pinto at napalingon ako.

Biglang nag slow-mo yung paligid.

Ewan ko pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko at uminit bigla yung mukha ko. Para na siguro akong kamatis na namumula.

Pano ba naman kasi, si Crush nandito.

Lumalakad siya papalapit sakin. Bigla akong natataranta at hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Kalma self!

Umayos na ako ng upo at pinapakalma ko yung puso ko. Nadidinig ko na kasi yung tibok ng puso ko.

" Krishna, si mama mo..ay si Mrs. Garcia nasaan? Kanina pa kasing may naghihintay sa kanya." tanong sa kanya ng working student na babae kanina

Tinitingnan ko silang nag uusap na dalawa.

" Papunta na siya rito. Siya ba yung lalaking naghihintay kay Mrs. Garcia?"
tinignan niya ako at itinuro.

Bigla akong umiwas ng tingin. Pero what the heck?! Ano to?! Tama ba yung narinig ko na MAMA niya si Mrs. Garcia? Bakit sa dami ng pwede niyang ma mama, si Mrs. Garcia pa! Why?!

" sige Krishna, ikaw munang bahala sa kanya." at umalis na yung babae

What? Ano daw? Si crush daw yung bahala sakin? Kaming dalawa lang sa room. This is the moment na talaga!

" Hi! Kanina ka pa ba dito? " hah? kinakausap niya ba ako? Hindi ako makaharap sa kanya. Hindi ko kayang makipag eye to eye sa kanya.

" ah? hi-hindi naman." bakit ako nauutal para lang akong nakikipag usap sa hangin dahil hindi ako nakatingin sa kanya

" ah, BSIT ka?" bakit ang friendly mo crush? umayos ka cloyd first time mo lang makausap yung crush mo at kayo lang dalawa sa isang room. Isipin mo yun boi kung gaano ka kaswerte!

" ah , oo.." ikaw ba ito cloyd?! boy tiklop!

" ah."

End of convo na. Agad agad, Cloyd galaw galaw. Nato-torpe ako boi!

Ang lamig!

" Mr. Rivera! kanina ka pa pala diyan." mabuti nalang at dumating na si Mrs. Garcia

" Hindi naman po ma'am." pero kanina pa talaga ako.. naiinip na ako dito pero okay lang buti nalang dumating si Krishna

" pasensiya ah dahil may estudyanteng nagbebenta ng choco moist cake sa room ni Ms. Guzon. Napabili tuloy ako. Gusto mo?" alok niya sakin habang sumusubo ng cake na nakalagay sa tub at tumabi siya kay Krishna.

" okay lang ma'am. salamat" ngumiti ako sa kanya. siyempre siya pala yung mama ni crush. dapat pa impress tayo. Hahahah

" Krishna," tawag ni Mrs. Garcia sa kanya kaya pala hindi masiyadong halata na mag ina sila dahil professional si Mrs. Garcia. No special treatment.

" Bakit po ma'am?" wow ganito talaga sila siguro mag usap sa harap ng mga estudyante. Pero yung babaeng working student. Baka nadulas siguro kaya nasabi niya yung word na mama.

" pwedeng lumabas ka muna dahil may importante kaming pag uusapan ni Mr. Rivera at dumaan ka sa room ni Mrs. Guzon." sabi niya kay Krishna at kinuha niya yung wallet sa bag niya. Nag abot siya ng pera kay Krishna " bayad yan sa student na nagbebenta ng choco moist cake." dagdag niya

" sige ma'am. " kinuha naman ni Krishna yung pera at umalis na. Bye crush!

Bakit ganyan sila mag-usap. Ang awkward lang dahil alam kong mag- ina pala sila. Sinesekreto ba nila na mag-ina sila?

Napatingin sakin si Mrs. Garcia at tinignan niya yung paper bag na nakapatong sa lamesa. Hala baka akala niya nagbebenta rin ako.

" binebenta mo ba yan?" sabi ko na nga ba masyadong malaki kasi yung paper bag na ipinadala sakin ni mama

" hi-hindi po ma'am." kinuha ko yung paperbag at ibinigay sa kanya. " para sa inyo po yan ma'am. pinapabigay ni mama." ngumiti ako sa kanya, sana hindi ako ma drop-out pag tinikman niya yung luto ni mama

Binuksan niya ito at biglang kuminang yung mga mata niya. Grabe talaga si mama. Literal na baked with love.

Kinuha niya sa paper bag yung choco moist na nakalagay sa medium size na tupperware kaya medyo malaki at yung yung dalgona coffee na nakalagay sa large bottle. At may pa free utensils pa! Iba talaga si mama hahahhah

" para sa inyo yan ma'am." nakangiti kong sabi sa kanya

Tumayo siya at linagay sa table niya yung paper bag at bumalik siya agad sa sofa.

Ngumiti siya akin, " I appreciate your mother's effort, Mr. Rivera. But let me tell you one thing. I will accept it but it doesn't mean that I'll let it go that easy." yung ngiti ko kanina biglang naglaho.

Sabi ko na nga ba hindi madadala si Mrs. Garcia sa mga ganyan ganyan.

Nice try!

----

A/N: Thank you for reading. God bless~ 💕

Looking For A Gamer GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon