Chapter 1

468 8 0
                                    



"anak narito pa rin kami sa hospital pero mamaya o bukas daw pwede ng lumabas ang papa mo. pasensya kana anak ha? ang tatay mo kasi pasaway eh, pinagbawalan ko ng kumain ng baboy hala sige pa rin." malungkot na sabi ni mama sa kabilang linya. bumuntong hininga ako

"mama 'wag ka pong mag-sorry, ok lang mama. may ipon pa naman ako eh. basta po kapag nakalabas na kayo tawagan niyo ako kaagad ha? bukas magpapadala ako, tatawag ako bukas." i said.

"salamat anak, mahal na mahal kita. mag-iingat ka d'yan sa maynila ha? maraming loko loko d'yan." napangiti ako sa sinabi nito

"ok po, mahal na mahal ko rin kayo ni papa. sige ma ibaba ko na."

"sige anak." pagkatapos nitong magsalita ay pinatay ko na ang tawag. wala sa sariling napahiga ako sa aking kama.

mag a-apat na taon na simula ng lumuwas ako sa aming probinsya, mag-isang nakipagsapalaran sa maynila para matustusan ang pangangailangan ng aking mga kapatid at magulang. bilang panganay, kailangan kong kumayod ng kumayod, laking pasalamat ko nalang dahil sa talinong angkin ko, nakapagtapos ako bilang suma cumlaude.

tumayo ako sa pagkakahiga. natanggal ako sa company na pinapasukan ko dahil sinibak ako sa pwesto. bastos kasi ang naging boss ko, tapos nung lumaban ako sa panghihipo nito bigla nalang akong tinanggal, ang gagong 'yun!

mabuti nalang at advance akong nakapagbayad ng renta, tubig at kuryente. mabilis akong kumain at nagbihis. tanging de lata ang aking ulam para makapagtipid. hindi ko alam pero pakiradam ko'y sobrang bigat ng problema ko.

mabilis akong naligo. pagtapos kong maligo ay sinuot ko ang forplay jewel sexy dress with side cut out ko at stilleto ko. pagtapos kong magbihis ay naglagay ako ng light make up manliban na lang sa aking labi, nilagyan ko ito ng red matte lipstick. hinayaan kong lumugay ang buhok kong hanggang balikat ko at lumabas na para pumunta ng club.

for now, i'll let myself get wasted.

sumakay ako sa sasakyan na tatlong taon ko ng ginagamit, mabuti nalang at kahit papaano ay malaki ang kinikita ko sa mga dati kong trabaho kaya naman nakapag-pundar ako ng sarili kong kotse. matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa lugar na gusto ko. bumaba ako at dire-diretsong pumasok sa club. hindi na ako hinarangan ng mga taga-bantay dahil kilala na nila ako.

bumungad sa'kin ang usok at ingay, sa labas palang ay marami na akong nakikitang nagma-make out na kulang nalang ay hubaran nila ang sarili nila.

"isang tequila please." i said at the bartender as soon as i sat. saglit pa itong natulala ng makita ako ngunit mabilis ding inasikaso ang order ko. hindi na bago sa'kin ang ganung pangyayari. hindi naman sa pagmamayabang ngunit may ibubuga ang itsura ko at ang katawan ko.

pagkaabot nito ay agad kong inubos ito at paulit ulit na nilagok ang shot glass. nang makalimang inom na ako ay umikot ako para makita ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. gustuhin ko mang sumayaw ay wala ako sa mood, siguro'y dahil sa problemang dala ko dahilan kung bakit ako narito.

financial problem, iyun ang problema ko ngunit ang kapal pa ng mukha kong uminom sa isang mamahalin na club. nababaliw na nga ata ako. abala ako sa pagtingin sa mga sumasayaw ng maagaw ang atensyon ko sa isang grupo ng mga nag ga-gwapuhang kalalakihan.

honestly whenever i'm here lagi ko silang nakikita, ngunit hindi ko naman sila tinitignan para sa mga adonis nitong mukha, ang agaw pansin sa kanila ay ang mga kilos nila. nasa lima ata sila at lahat sila'y seryosong nag-uusap manliban sa isang lalaki. sa kanilang lima, ito lamang ang may kasamang babae, may babae sa kanan at kaliwa nito, pamilyar din ang mukha nito sa'kin. saan ko na nga ba ito nakita? magazines? televisions? billboards? well anyway i'm not interested.

Eros Lee Meldenton (SEX DEALERS HM Bachelors Series #2) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon