Chapter 1- Still into you

21 6 0
                                    

I wish that  i could wake up
with amnesia,
and forget about this stupid
little things,
like the way it felt to fall asleep
next to you,
and the memories I never can escape

hayssyt!
heto na naman ako, sinasaktan ang sarili ko. nakakapagod mag-isip sa totoo Lang, kung paano nyang nakakayang ngumiti at maging masaya sa piling ng iba.

habang ako ito iniisip ang mali sakin. iniisip ang mga wala sa'kin na meron sa iba.(pangit ba 'ko? kapalit-palit ba ako?)

"PANGET AKO! PERO NYEMAS HINDI AKO KAPALIT PALIT!"
at walang anu-ano'y may bumatok na lang bigla sa ulo,

"awww naman seb! sakit nun ha!" mangiyak ngiyak kong sabi.
"e kasi naman seb kanina pa akong kwento ng kwento dito tapos para kang ing-ing dyan na biglang sisigaw, yung totoo may ubo ba ang utak mo? uminom kana ba ng gamot mo?" nakaismid pa nyang sabi.

binelatan ko na lang sya dahil di'ko rin namalayan na napalakas pala ang boses ko habang nag-iisip isip kanina. panira talaga ng moment ang hafhaf na'to.

btw she's my bestfriend since fetus pa lang kami HAHA Charr.
She's Chloe Tan from Shenzhen China (Southeastern China). My half chinese at half garter bestfriend
(Charoott ang witty mo talaga self Bwahaha!) A half chinese and a half filipino. Her Father is pure blooded Chinese while her mother is pure Filipina from bicol. kaya kung minsan hafhaf na lang  ko tinatawag ko sa kanya. she have this chinita eyes na common naman sa mga chinese, na nawawala ang mata kapag ngumingiti, nakakatibo na nga minsan e HAHA. pointed nose, a rosy cheeks na masarap pisilin, short hair lang ang hairstyle nya, ang banas daw kasi dito sa pilipinas.
(Apakarte mo Seb, ako nga dugyot na HAHA Charr). 5'2, white skin complexion and not so thin body. sakto lang, Hindi mataba pero hindi rin naman ganun kapayat.

dahil na rin sa tagal na nya dito sa pilipinas ay diretso na ang kanyang pananalita ng wika natin. mas matalas pa nga ang bibig nito kumpara sakin kung minsan Haha.

paminsan-minsan din silang umuuwi sa China. lalo na pag may espesyal ng okasyon, She always invite me para makapamasyal naman sa Shenzhen, pero puro pag tanggi ang peg ko syempre papilit effect Haha.

Since Highschool lagi na kaming magkasama until now that we are on our Second year level in college taking up AB-English (Bachelor of Arts in English).

Btw I'm Vane Silvestre.
22 yrs.old, I have this chinita eyes na hindi naman kaChinita tulad ni Seb, bubbly cheeks, small lips, long eyelashes and long hair with curly on tips and the same height with seb. My father is a part of a company that also popular in the Philippines so hindi kami gaanong naghihirap at nabibili parin ang mga bagay na naisin, pero di nila ako pinalaking bigay ang lahat ng gusto, dahil kung gusto ko daw ang isang bagay dapat paghirapan ko muna ang mga ito and My Mom, she had her own botique na pinagkakaabalahan nya dahil na rin sa dami ng costumer na laging pumupunta sa aming botique.

see? I'm not that beautiful and rich, kaya siguro iniwan ako ng lechugas na lalaking yun! sino ba naman kasi ang balak magStay sa kagaya ko? Huehue my heart:(
(kalma self, ekis na sya)

So back to the story,
tahimik akong nag-eemote sa kwarto ko with matching music pa para feel na feel ko ang sakit ng bawat lyrics ng  biglang dumating ang hafhaf na'to.

"kailan ka pa dumating seb?"
tanong ko sa kanya habang hinihimas parin ang ulo ko.

"bakit ba tulala kana naman seb? tigilan mo na kasi ang pag-iisip sa guy na yun, he left remember? hanggang kelan ka ganyan? its been 5 years Seb. Wake up!"

5 years na nga naman pero nakakulong parin ako sa nakaraan, Wala naman yan sa tagal e, As long as nafefeel mo parin yung sakit at as long as umaasa ka pa hindi talaga agad mawawala ang nararamdaman mo para sa isang tao, hindi naman sa umaasa akong babalik sya, nanghihinayang lang ako. nameet na nya ang parents ko at ang hirap magMoveOn Lalo na't palagi na nilang tinatanong kung kamusta na yung mokong na yun, feel me? and I also met his parents.

ganun ba talaga yun, pag nakapunta kana sa ibang lugar makakalimot kana? mang-iiwan kana? makakahanap kana ng bago? pano naman yung naiwan nyo na pinakuan nyong babalik kayo? Nakakatarantado di'ba? Yung gaano sila kabilis dumating sa buhay mo, ganun din pala silang kabilis na mawawala sayo. bakit di na lang sila magStay satin gaya ng gusto natin?ayssstt.

"Seb learn to be happy kahit ikaw na lang mag-isa, kung kaya nyang maging masaya dapat kaya mo rin, wag mong ipakitang nasasaktan ka kasi mas masasaktan ka Lalo, may sarili ng mundo yun kaya hayaan mo na Andito pa ako Okay? tsaka na yang lovelife mo, sarili mo naman muna.
iLoveyou Seb"
Sabi nya at aktong kikiss pa.

"Iwww kadiri Seb! di tayo talo!" Habang inaawat sya sa paghalik.
"Excuse me! may boyfriend ako nuh, ikaw lang naman tong Buang na di Makahanap ng iba dahil dyan sa Ex mo nuh, tara na nga sa Baba may pasalubong akong dinala"
sabi nya saba'y takbo palabas ng aking kwarto at naiwan akong tulala habang iniisip ang mga nangyari.

ayysstt! siguro nga tama si Seb, Sarili ko naman muna, Ako naman muna. ang tagal ko na kinulong ang sarili ko sa nakaraan, oras na siguro para palayain ko na ang sarili ko.

pero pano kung bigla syang bumalik, pano kung mahal pa pala nya ako, pano kung nagsisi na pala sya.
This is the hardest part of moving on,
Our "what if's" in life.

(hay nakuuu self! kung mahal ka nun umpisa pa lang di kana nya sinaktan! inisip nya din sana ang mararamdaman mo bago ang sarili nyang kaligayahan)

Siguro may pinagtatagpo lang talaga pero hindi para sa Isa't-isa.
yung dumating lang sila buhay natin para turuan tayo, lahat naman may rason. pero sana valid yung reason, para di sayang ang luha at panahon.

"ayysst nakakagulo talaga ng utak! bat kasi kailangan ko pang makita ang pagmumukha ng mokong na yun, Like Hello! Bastos ka ba? nagmomove On yung tao Oh!"  napasabunot ko na lang sabi sa sarili.

nagkaganito lang naman ako nung nakita ko ang pagmumukha nya kahapon habang namimili ako ng gagamitin ko para bukas.

"Sa susunod talaga na makita ko pagmumuka nya lalapitan ko sya at yayakapin ng mahigpit sabay sabing comeback to me Luvvvv..

Waaaaahhhh!! Ano ba self! Gaga ka ba! kulang ka ba sa aruga! erase erase hindi dapat ganyan! Sampalin mo agad, sabunutan mo agad, tadyakan mo! pisikalan na!, sinaktan ka nya  dapat saktan mo rin sya"
Bubulong-bulong kong sabi habang kausap ang sarili sa salamin.
Aysst! nababaliw na ata ako pati sarili ko inaaway ko na.

"Seb ano ba! ang tagal mo namang bumaba diyan"
Sigaw ni hafhaf habang nasa salas.
kahit kailan talaga ang isang yun.
"Ou na andyan na hafhaf"

tsaka ko na nga lang iisipin ang mga bagay na yun, sa ngayon kakain na lang muna ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.
Sabay takbo palabas ng kwarto.


❤❤❤
Salamat mga Irog.
Hope you like it.

Title po ng Song sa taas is,
Amnesia by 5 seconds of Summer

A kind of BetWhere stories live. Discover now