KAHAPON (one shot)

6 3 0
                                    

"KAHAPON"
*Errors Ahead*

Isa lang akong batang walang kamuwang muwang na isinilang noong ikalabing tatlo ng setyembre 2000 at namatay noong ikalabing apat  ng setyembre 2000

Alam kong sa una pa lamang ay ayaw saakin ng aking mga magulang.binalak nila akong ipalaglag noong dalawang buwan pa lamang akong dinadala ng aking ina.

Isang araw palang akong nabubuhay sa mundong ito ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon upang mabuhay sa mahabang panahon.

Hindi kona naranasan ang makipaglaro sa mga batang dapat ngayon ay ka edad kona,hindi ko naranasan ang saya ng pagiging isang malayang bata na nakakapaglaro kasama ng iba.

Hindi ko naranasan na kainin ang mga pagkaing natitikman ng ibang bata,Hindi ko naranasang makaramdam ng pagmamahal mula sa aking mga magulang.

Pinapatay nila ako ng dahil sa walang kwentang dahilan,ang dahilang ayaw pa nilang magkaanak,hindi pa sila handa sa ganoong bagay.

Hindi manlang ba sila naawa sakin,tinanggalan nila ako ng karapatang mabuhay.Nagpakasarap sila at ako ang naging bunga,Tinapon nila ako na parang walang kwenta sa isang basurahan,mga wala silang awa.

Sana ay binigay nalang nila ako sa ibang magulang na hindi nabiyayaan ng anak,bakit ganon?kung sino pa ang gustong magkaanak ay sila pang hindi nabibiyayaan ng anak at ang mga nabibigyan ay sila pa ang umaayaw.Mga wala silang kwentang tao,mga masasama sila,sana hindi nila ako pinatay,sana buhay pako,sana masaya ako.

Sana nalang ba ang lahat ng nababatid ko?sana ay naging totoo lahat ng sana ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAHAPONWhere stories live. Discover now