PROLOGUE

48 3 1
                                    

Isang linggo na nang magsimula ang gulong to.

Isang linggo na nang gumising ako sa hospital.

Isang linggo na kong palipat lipat ng lugar na ligtas at pwedeng pagtaguan.

Isang linggo na kong takbo ng takbo  dahil sa mga panget na nilalang na to.

Isang linggo na kong naghahanap ng kasama.

Isang linggo ko ng hinahanap ang pamilya ko.

At isang linggo na rin akong di naliligo.

Napapangiwi nalang ako pag naamoy ko ang sarili ko sobrang baho ko na shet!

Nandito ako sa kalsada naglalakad at nagmamasid sa paligid mahirap na mamaya may lumitaw na zombie dito

Oo zombie nag ka zombie apocalypse dito sa pilipinas.
Ewan ko kung pano nangyare pero nagising nalang ako sa hospital na nagkakagulo sa hospital nag sisigawan nagtutulakan para lang makalabas dun ko din nakita yung isang doktor na kinain ng pasyente nya sa sobrang takot ko nun nagkulong lang sa kwarto ko at gumawa ng paraan para makalabas at mapuntahan ang pamilya ko pero sa kasamaang palad wala akong nadatnan sa bahay at dahil delikado sa bahay dahil andun yung kusinera naming mataba na zombie na rin eh umalis din ako kaagad at palagi na kong palipat lipat ng lugar dahil di ligtas kung mananatili ako sa iisang lugar lang at di pa kong nakakakita ng tao yung buhay at eto ako ngayon nasa kalsada naghahanap ng ligtas na lugar o tao na pwedeng makasama ang dala ko lang ay isang bag na naglalaman ng iilang pagkain at tubig na nakuha ko sa isang tindahan at apat na kutsilyo na dun ko rin nakuha.

Sana naman ngayon may makita na kong tao ang hirap mag isa
At sana makita ko na ang pamilya at kaibigan ko

Sa di kalayuan may nakita ako  tatlong naglalakad at alam kong di sila tao
Oh shet mga zombie!  Di ba obvious dhani?

Nataranta ako at di alam ang gagawin nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa may nakita akong bahay sa malapit payuko akong tumakbo papunta dun
Nang nasa pinto na ko hindi naka lock
Thank god!

Pumasok na ko sa loob kasi delikado na sa labas nilock ko yung pinto at nag masid sa paligid at naghanap na rin ng pwedeng mapakinabangan
Ng makita ko ang hagdan nilabas ko ang kutsilyo ko at dahan dahan umakyat may apat na kwarto sa taas unang kong pinuntahan yung sa harapan ko hinawakan ko yung doorknob at pilit binuksan.

Ayaw bumukas tinapat ko yung tenga ko sa pinto kasi parang may narinig ako sa loob.

May kumalabog! Sana tao!!!

Kinatok ko yung pinto

"Hello may tao ba dyan?! Please sana tao ka gusto ko nang may kasama!" Kinatok ko lang ng kinatok yung pinto " hello buksan mo to hindi ligtas dito! Paparating na sila!" Kinatok ko lang ng kinatok pero napatigil ako dahil sa narinig ko sa gilid ko dahil sa dulong bahagi ng pasilyo ay may "zombie!!!!!!"

"Oh shet! Buksan mo to maaawa ka na! Papalapit na sya!!" Sigaw ko dahil naglalakad na yung zombie papalapit sakin shet di ako handa!

"Umalis ka na miss alis na!" Sigaw nung lalaki sa loob

Teka?! Lalaki? Sumigaw?

"Oh shet! Tao ka?! Damn! Kuya buksan mo na to please papalapit na sya pag lumabas naman ako may tatlong nakaabang dun! Kaya maawa ka buksan mo to di naman ata kaya ng konsensya mo na makain ako ng zombie kung pwede mo naman ako papasukin diba?! Wag selfies kuya! Buksan mo na to! Please!"mahaba at mangiyak ngiyak kong sabi habang kumakatok pa rin

Papalapit na sakin yung babaeng zombie pero ayaw parin buksan ng lalaki yung pinto

"Kuya buk---" napatigil ako dahil biglang bumukas yung pinto at hinila ako papasok at dahil biglaan pagbitaw nya sakin bumagsak ako sa sahig at narinig ko ulit ang pag lock ng pinto

Pinapasok nya ko! Buhay ako! Di ako nakain shet thank you lord!

Tumingin ako sa lalaking nakasandal sa pinto animo'y  pinapakinggan ang nangyayari sa labas napatingin sya sakin

Shet tinupad ni god yung hiling ko na may makasama at shet ulit ang gwapo!
Matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan   brown ang buhok
May magagandang mata at matangos na ilong mapupulang labi shet yung panga nya mapapashet ka nalang at sobrang pogi nya

Okay self kalma may zombie apocalypse wag ka munang lumandi

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?"mahinahon nya pagkakasabi at naglagay ng pangharang sa pinto bago lumapit sakin pero laking taka ko ng nanlaki ang mata nya at tumalikod sakin
"Miss naglalakad ka sa labas na ganyan lang ang suot mo?!"sigaw nya sakin

Napatingin ako sa suot ko sandong puti na manipis at pantalon ano mali sa suot ko eh eto nahablot ko sampayan ano gusto nya naka gown ako?

"Eh kuya anong gagawin ko eh eto yung damit na nahablot ko sa sampayan namin habang hinahabol ako ng kasambahay naming zombie na rin?! Ano gusto mo mag gown pa ko?"Sigaw ko rin

"Shhh! Wag kang sumigaw"mahinang nyang sabi at lumingon sakin pero umiwas din problema nya ba nakabra naman ako

Lumapit sya sa closet nya ata yun at kumuha ng tshirt at hinagis sakin

"Suotin mo miss nakakailang kang tignan  eh" namumula nyang sabi shet ang cute nya

Tinignan ko yung tshirt na blue na kanya ata na may tatak na I'm a mess at sinuot malaki sakin kasi ang laki tao naman kasi ng lalaking to

"Salamat" sabi ko sakanya pag ka suot ko "so anong pangalan mo? Salamat pala sa pagligtas sakin kala ko di mo na bubuksan yung pinto pero salamat talaga kung di dahil sayo nakain na ko ng zombie na yun"pagpapasalamat ko sakanya

Tinignan naman nya ko ng maigi
"Wala kang kagat galing sa labas? Ligtas ka ba? Anong armas dala mo? Mamaya saktan mo nalang ako bigla sabihin ko lang sayo miss magaling ako lumaban wala kang laban sakin" sabi nya habang mariin parin ang titig sakin
Tinaas ko naman ang kamay ko

"Don't worry di kita sasaktan apat na kutsilyo ang dala ko na nakuha ko sa tindahan at matagal na kong naghahanap ng taong makakasama ang hirap kasi ng alone ka lang at buti nakita kita kala ko ako nalang ang natitirang buhay at don't worry ulit kasi wala akong kagat hubaran mo pa ko" ngiting sagot ko sakanya

Napangiwi naman sya sa huli kong sinabi" no need" iling nyang sabi ay ayaw ni kuya sayang naman char!

"So anong pangalan mo?" Tanong ko ulit

Inilahad naman nya yung kamay nya sakin "I'm KIM DOYOUNG and i thought I'm last human alive too  and I'm glad you found me" ngiti nyang sabi

Tinanggap ko yung kamay nya at nakipag shake hand "I'm dhanilyn jhuvina laurora the survivor and i know there's a lot of survivors out there too not just us"

At dito nagsimula ang pakikipaglaban ko sa buhay kasama si KIM DOYOUNG

____________________________________________________________________________

Enjoy reading ❤️
By: barbiedhanilyn

You as: DHANILYN

THE SURVIVORS (NCT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon