08-30
10:02 pm
Anne
Nakauwi na ba kayo?
Sorry again di ako nakasama sa sleepover
Kaylee
Ok lang, Anne
Nandito na kami ni Emma sa bahay
Kamusta si tita?
Anne
Ok na si mama. Medyo bumaba na ang lagnat
Nothing to worry about
Labnat lang yun si mama 😂
Nabanggit ko sayo diba? Nagkita sila ng ex boyfriend niya, yun yung boyfriend nya bago si Papa
Byudo na din yun!!
Syempre support naman ako kay mama kung gusto niya ulit lumablayf
Hahahahaha
Kaylee
Baliw ka talaga
Pati mama mo mina-match mo
Di pa rin nawala pagiging matchmaker mo
Baka magparamdam sayo si tito sa mga sinasabi mo
Anne
Hahahaha
Ano ka ba. 10 years na din namang deds si Padir dear
At saka, kung ikakaligaya ni Mama, why not choknut
Di ako hahadlang
Basta happy si mother goose
Keri na
Kaylee
Feeling ko ipupush mo talaga yan sa mama mo
Kilala kita eh
Feeling cupid ka lagi
Anne
Hahahahahahahha
Naman 🤪
By the way, naalala ko
Yung grupong katabi natin ng table sa buffet resto
Sila din yung last time na sabi kong laging nakatingin sayo
Meron lang silang bagong kasama kanina
Ang pogeee ni kuya !!! 😍
Tapos napansin ko, tinititigan ka ni pogi ng malala!
Kaylee
Actually.....
Anne
Ow em gee!!!
Ano to ano to ano to....
Kaylee
Diba nag dinner kami ni Chard nung nakaraan
I saw that guy that time too
Nagkatinginan kami then parang nagulat siya nung nakita niya ako?
Ewan ko, basta he look so shock
Then ako napansin ko naman yung eyes niya
Anne
Oo ang sexy nga ng mata nun
Hahahaha
Basta may something pag natingin
Para bang mapapa-oo ka nalang sa kung anuman sasabihin niya
#yesdaddy
Tapos
yung isa pang lalaki sa grupo nila, ang pogi din!
Yung naka hoody 😍😍
Pede siya maging tatay ng mga anak ko hahahahaha
Kaylee
Anne! Grabe ka hahahaha
Anne
Actually, halos magkakahawig sila eh
Lahat pogi kahit yung bagets hahahahahaha
#notpedo #justappreciativeofgoodlooksYung nag-iisang babae mukha ding dyosa
Pero syempre, di naman nalalayo itsura natin
Lamang lang yun ng isang paligo sa atin
Kaylee
Haha. Talagang tiningnan mo itsura nilang lahat
Yung girl, baka gf nung guy
Kasi diba, tinabihan siya nung girl nung dumating siya
Tapos lagi silang parang nagbubulungan
Anne
Aha!
You were checking him out too...
Iiiiihhhhh
Pero can't blame you
Headturner naman talaga si Mr. Sexy Eyes
Kaylee
Haha. Wala lang yon
Medyo naiilang din kasi ako sa pagtitig niya kaya di ko maiwasang tingnan din sila
Anyways, mag-start na yung kdrama na papanuorin namin ni Emma sa netflix
Next week sana makapag-sleepover ka na dito
Anne
Yep! Set na natin yan
Good night na din
Love you!
Kaylee
Love you, too
BINABASA MO ANG
Koi No Yokan
Romanzi rosa / ChickLitAn epistolary Premonition of love A feeling, a sense, that you are about to fall in love. River and Kaylee both lost the love of their lives. Will these two wounded souls find happiness and love after their tragic past? _________ River x Kaylee TAGL...