2. Parang Bula (Tula)

146 5 1
                                    

This poem is dedicated to Familia Selenfity.
Wala kasi silang jowa ang iba na ghost na.

***Simula***

Nakakapagod man ay di ako susuko

Maghihintay pa rin sa pangakong napako,

Mahal saan ka na bakit ka nawala?

Tulad ng pangako mo, naglahong parang bula.

Mahal sa akin ba ay pagod ka na?

O sadyang ayaw mo na talaga?

Di ko lang kasi maintindihan,

Kung bakit bigla mo akong iniwan.

Ikaw ba ay may iba na?

O sawa ka nang talaga?

Sabihin mo naman sa akin,

Masakit ma'y aking tatanggapin

Bakit mo nga ba ako iniwan?

May iba ka na bang ka-ibigan?

Hindi pa ba ako sapat?

O ikaw ang hindi tapat.

Nakakasakit, Nakakalito

Wala na ang salitang tayo.

Iniwan mo ako nang walang dahilan,

Umalis ka na hindi nagpaalam.

**Katapusan***

Parang ang sakit naman nito. Di ko alam paano ko to nasulat agad. Di naman ako malungkot or what.
Activity lang po namin sa Fam ang gumawa ng tula.

Ewan ko bakit ganito kasakit to, di naman ako bitter 😁

Kung may nagbabasa man, Salamat po.
Open po ako for critique.

-yowlabmeee❤

My Poems (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon