Mixed emotions
Nakakatakot, lalo na kung first time mo. Nakakakaba, hindi mo sigurado ang gagawin. Nakaka-excite, bumibilis ang tibok ng puso mo!
Sa totoo lang, ganun naman talaga lagi kapag una. May takot, kasi hindi mo alam ang mangyayari. May kaba, dahil maaari kang masaktan o makasakit kapag nagkamali. Pero nakaka-excite din naman na ikaw na ang may hawak ng manibela!
Naalala mo pa ba nung una kang nag-drive?
Hindi pare- pareho
May mga taong hindi natutong mag-drive. Merong nagpadala sa takot at hindi man lang sumubok. May mga naglakas-loob, pero nabigo. May mga nasaktan at nasugatan, kaya sa bandang huli tumigil na lang.
Pero paano mo mararanasan ang thrill at excitement kung hindi mo susubukan?
Sige, i-try natin!
Bago ka sumakay, iko-congratulate muna kita sa desisyong subukan! Sana ay hindi mo 'yan pagsisihan. Malaking bagay na 'yung isinantabi mo nang panandalian ang takot sa isang bagay na hindi mo pa nasusubukan, pangamba sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Sakay na!
Buksan ang pinto at ika'y pumuwesto na!
Let the teaching begins!
Okay! Ito ang steering wheel... Gear... Brake.... Gas...
Hoy!!! Umaandar na!!!! Ang seat belt mo!!!
Safety first
Hay! Una pa lang, palpak ka na. Oo nga pala, kailangang mag-seat belt! Kailangang proteksiyunan ang iyong sarili sa mga maaari mong maranasan at maramdaman kalakip ng iyong pagsakay. Safety first! Ingatan mo ang iyong sarili, iisa lang 'yan. Mabuti na ang nag-iingat. Mahirap na ang masaktan! Masugatan! Madurog! Mahirap magpulot ng durug-durog na puso sa daan!
Maibabalik pa ba 'yan? Mabubuo na parang walang nangyari? Mahirap na. Sa totoo lang, hindi na talaga! Kaya maghinay-hinay lang kaibigan!
Balik tayo sa pagtuturo.
Steering wheel
Ito ang magdadala kung saang direksyon pupunta ang sasakyan. Diretso ba? Kanan? O kaliwa.
Transmission and Gear
Pwedeng automatic. Park. Reverse. Neutral. Drive.
O manual. Neutral. Primera. Segunda. Tercera. Quarta. Quinta. Reverse.
Clutch
Kung manwal ang gamit mo, kailangan mo itong malaman. Kung automatic naman, wala na 'yan.
Tinatapakan ang clutch kung magpapalit ng gear. Kapag bumibilis ka, tapakan ang clutch at magpalit ng gear. Gayundin kapag bumabagal.
Mirrors
Paaaala! Gamitin ang salamin. Para makita mo ang mangyayari sa gilid at likod mo. Oo, lane mo 'yan. Pero baka may gustong mag-overtake, o may biglang sumulpot at umagaw ng sa'yo. Mahirap na! Dapat handa ka!
Gas
Sige, andar na!
Primera. Sa una, mabagal muna. Segunda. Kapag medyo sanay na, pwede ng magmabilis. Tercera. Pabilis ng pabilis. Quarta. Mas mabilis, mas masaya. Quinta. Teka, masyado nang mabilis!
Brake
Oh! Hinay hinay lang. Tapakan ang preno kung kinakailangan. Huwag magpadala sa thrill at excitement. Hindi laging happy moments! Ano 'yan, fairy tale? Dahil kaibigan, hindi laging makinis ang daan. Pumreno. Dahil may humps, may pot holes, o under construction ang kalsada. Pumreno. Dahil hindi laging diretso ang daan. Minsan liliko, minsan sharp curve pa at pinakamalala, minsan dead end na.
The signs
Kaya matutong magbasa ng signs. Hindi lang importanteng marunong kang mag-drive. Dapat rin marunong kang mag basa ng road signs.
Minsan ang signs, madaling basahin. Obvious. Bold. Straightforward. Mas madali ang buhay. Minsan naman, mahirap maintindihan. Vague. Ambiguous. Minsan nakatago pa... O tinatago pa!
Minsan tuloy nakakatakot. Hindi mo alam kung saan ka pupunta!
Nakakalito. Didiretso ka ba o liliko na?
Nakakapagdalawang-isip. Sa kanan ba o sa kaliwa?
Nakakapikon. Saan ba talaga?
Nakakapagod. Tutuloy pa ba o hihinto na?
Signals
Kaya kung naintindihan mo ang mga signs at napagdesisyunan mong mag-go pa rin, pwede bang mag-signal ka naman nang maayos? Yung medyo malayo pa, para prepared naman ako. Yung medyo may oras pa para makapag-isip at makapag-react ako. Hindi yung bigla lang hihinto. Tapos kakaliwa... At mawawala.
Full stop
Buti na lang nakapreno ako. Muntik na ako dun! Muntik na 'kong mahulog. At nagkalasug-lasog. O kung hindi man ay bumangga! At magkadurug-durog.
Muntik na akong maniwalang didiretso tayo. Pero hindi pala. Akala ko lang pala 'yun. Kakaliwa ka pala. At mawawala. At maiiwan ako sa gitna. Sa gitna ng daan. Sa gitna ng kawalan. At bigla pang umulan! Sa gitna din ng ulan! Grabe, ang swerte ko naman!!!
Paano na?
Hindi ko din alam. Ang lakas ng ulan. Ayoko munang pag-isipan. Gusto ko lang munang mapakalunod sa ulan. Baka mamaya, 'pag tumila ang ulan, ituro ng bahag-hari ang daan.
After the rain
Gaano man kalakas ang ulan, mapapagod din yan at titila. Liliwanag ang kalangitan. Matutuyo ang daan. At makikita mo ang sign.
Ano?
Drive ulit?
BINABASA MO ANG
Parang Pagmamaneho
Short StoryPara sa mga nagmamaneho... Para sa mga gustong matuto... Para rin sa mga natakot at sumuko... at para sa mga taong gustong sumubok muli... Happy Driving! 😊