SAS 1

1 0 0
                                    

2 years ago today...

"This is your new section. Meet Miss Fatima Balberan, your adviser for Grade 10" rinig na rinig namin ang pagpapakilala ni Mr. D sa isang new student yata.

"Hello. What's your name?" tanong ni Ms. Fat na buong ngiti nitong winewelcome.

"C-Cien Lexci" sagot nito. Buong klase nakatingin sa kanila. Hindi rin namin kasi inaasahan na may new student uli. I mean, second week na ng pasukan.

"Nice name," ngiti nila kaya ngumiti ng tipid yung si Cien.

"Paano yan, iwan na kita dito Cien. Ma'am Fat, ikaw na bahala sa kaniya hah" Mr. D exclaimed before leaving our classroom.

"Ahm. Come here," hinawakan sya ni Ma'am Fat sa shoulder as she stood up infront in our class.

"Introduce yourself" masayang sambit ni Ma'am Fat kaya tumingala yung babae na nakatingin sa sahig.

"I am Cien Lexci Elias, from Pabilion Integrated School" kasing-iksi ng bangs ko yung pagpapakilala niya.

"Pwede magtanong, Ma'am?" taas kamay na tanong ni Jecko sa kaniya. Tumango naman si Ma'am Fat.

"May boyfriend ka na daw ba sabi nitong si Loyd" natawa ang lahat maliban kay Ma'am Fat at Cien.

"Tarantado kahit kailan, Jecko! Respeto hah!" tinignan nya ng masinsinan si Jecko kaya tumigil ang mga ito.

"Girls, you can ask some question. Pero kung ayaw niyang sagutin, it's okay" nagtaas naman ako agad ng kamay nung sinabi yun ni Ma'am Fat

"Yes, Ms. Laylo" As I stoop up nginitian ko muna si Cien.

"What is your nickname?" I asked

"Cien, my family and old friends used to call me on that. So you can call me, Cien also" sagot nito. Englishera, putek.

Yung mga sumunod na nagtanong puro favorite na pagkain, color, song at number sa electric fan.

Bakante yung sa tabi kong upuan, which is upuan dati ni Chara na lumipat na sa ibang school. Doon siya pinaupo ni Ma'am Fat.

Buong klase nakinig lang sya at hindi nagsalita. Sya yung tipo estudyante na bawal ayain sa cutting classes.

"Tara, recess tayo," aya ko sa kaniya dahil hindi sya umalis sa upuan niya at nagtataka kung bakit lahat ng estudyante ay nawala sa room.

"No, I'm not hungry" sagot niya kaya medyo natawa ako. Cute niya.

"Don't speak english, I'm nosebleeding. Hahaha" tawa ko pero seryoso siya kaya binawi ko agad tawa ko.

"Sure ka ayaw mong sumama?" tanong ko uli but this time nagdalawang isip na siya.

"Tara na," hinawakan ko sya sa wrist nya para hilain siya patayo. Nanibago yata kaya tinignan nya yun.

"Pero I'm still wearing my old school's uniform. Is it okay?" tanong niya kaya natawa ako.

"Oo naman. It's normal for transferees like you" sambit ko kaya tumayo na siya agad.

Sa kaniya palagi ang tingin ng mga ibang estudyante. Nginingitian siya pero meron talagang mga insecure na iniirapan siya.

"Yung grupong yun ang tawag sa kanilang Spicy with nuknukan ng sama ng ugali" paliwanag ko sa kaniya habang tumatawa pero tinignan ko sya seryoso lang.

Sa quadrange namin may mga volleyball players na naglalaro. Ang tirik ng araw tapos naglalaro.

"Yan naman ay yung mga volleyball players ng school. Yung babae na nakaupo na maganda, yan yung Coach nila. Si Mrs. Junio" tumango-tango lang siya habang nagkwekwento.

Huminto kami sandali para pagmasdan yung mga naglalaro. Nasa isang lalaki tingin niya.

"Yan si Ambrie Josh Mendoza, sya yung captain. Batchmate natin actually" hindi nya yun inalisan ng mata kaya napangiti ako.

"Crush mo nuh?" tukso ko kaya napatingin siya sa akin.

"No," tipid nyang sagot. Saktong pagbalik ng tingin nya doon tsaka naman dumapo ang bola sa mukha niya kaya napaupo siya.

"Oh my god!" sigaw ko nung napaupo siya kaya tinulungan ko siya at umupo ako.

"Are you okay, Cien?" aligagang tanong ko dahil hawak niya yung mukha niya. Sa puti ba naman ng mukha niya kitang-kita ang pamumula nito.

Nagsilapit naman yung mga volleyball players. Tinignan ko nang masama si Ambrie dahil sya ang humampas ng bolang yun.

"I'm sorry, Miss" sambit nya tsaka naman niya ako tinignan at nagtatanong kung sino sya.

"Transferee" sagot ko sa kaniya kaya tinulungan kong tumayo si Cien. Hawak niya yung ilong niya.

"Aray," sambit nya kaya hindi ko alam kung matatawa ako sa pagkakasabi niya. Para kasing first time magtagalog.

"I'm sorry, Miss. Hindi namin sinasadya" paumanhin ni Jiyo sa kaniya.

"Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" tanong naman ni Harry kaya tinignan ko sila. Alalang-alala mga tsong, manganganak?

"No, It's okay. Thank you" sambit ni Cien kaya iginaya ko na siya papuntang canteen.

Humingin ako ng yelo at towel sa Canteen para pantapal doon sa mukha niya. Umorder na rin ako ng mga pagkain namin.

"Masakit pa rin ba?" tanong ko kaya tumango siya. Hawak niya yung ilong niya sa kabilang kamay niya.

Habang kumakain ako nag-aalala pa rin ako sa kaniya. Alam mo yung batang nakakaawa.

"Sino ba 'yun?" nagulat ako sa tanong niyang yun. So alam niya magtagalog?

"Si Ambrie," sagot ko sa kaniya tsaka lang siya tumango.

After naming kumain na dalawa sa kabilang hallway na kami dumaan at hindi na doon sa court, baka ako naman ang tamaan.

"Thank you..." sambit nya nung makaupo kami kaya nginitian ko siya.

"Dia Laylo, by the way" nilahad ko ang kamay ko sa kaniya na kinuha din naman niya agad tsaka ngumiti.

"Hi Cien!" bati ni Vely sa kaniya kaya nginitian siya at tinanguan ni Cien.

Mabait naman pala siya si Cien, akala ko masungit sya at suplada.

-

Safe and SoundWhere stories live. Discover now