SAS 2

1 0 0
                                    

"Oh wala si Cien?" tanong ko kay Vely. Nakakapagtaka, she's aiming a perfect attendance this quarter pero bakit absent siya?

"Baka may sakit? Hindi ko rin alam eh. Wala namang chat" sagot niya kaya nilapag ko na ang bag ko sa chair ko.

"Babaeng 'yun. Alas-otso na, wala pa. Bihira malate yung si Valedictorian nuh" sambit ko kaya natawa si Vely.

Dumating ang 8:30 at wala pa rin siya. Siguro nga absent na, wala naman din chat. Wala man lang pasabi yun.

"Huy Ambrie!" malakas na tawag ko sa kaniya. Mula dito sa pintuan ng classroom namin.

Lumapit naman sya sa akin kaya nakapamewang ko siyang sinalubong.

"Oh ano na naman?" tanong niya sa akin na 'tila ba takot na takot. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Si Cien, nasaan?" tanong niya tsaka siya sumilip sa loob ng classroom kaya tinulak ko sya sa balikat ng kaunti.

"Sayo ko dapat tanungin niyan, hoy. Bakit siya absent hah?" singhal ko sa kaniya. Kada absent kasi ni Cien, minsan ang dahilan yung awayan nila
"Hah? Sabi nya sa text kanina nakisabay na siya kay Tita Aria kaya hindi ko na lang sinundo" paliwanag niya sa akin.

"Ambrie... 3 years na tayong magkakasama tapos ngayon ka pa magdedeny?" irap ko sa kaniya at pinag-krus yung mga braso ko.

Tumingin naman siya sa akin na parang may gustong sabihin. Nilakihan ko siya ng mata para magsalita.

"Nag-away kami kagabi. She wants to join again sa cheering squad" sambit nya. Mukha siyang stress na stress nung sinabi niya yun.

"Oh tapos?"

"Ayoko siyang payagan baka maulit uli yung last year na nangyare sa kaniya" paliwanag niya.

Nagka-knee injury noon si Cien dahil sa pagche-cheerleading niya. One week before the contest yata tsaka nangyari yun.

"Ganun ba.." parang mas gusto ko na lang kampihan ngayon si Ambrie. Pero dapat diba kapag ano yung gusto ng partner mo kailangan mo siyang suportahan.

"Siguro kausapin mo na lang siya. Punta tayo later sa bahay nila? May tatapusin rin kasi kaming project" aya ko sa kaniya.

"Sige, pero mauna muna kayo siguro. May meeting muna yung team saglit eh" sambit nya kaya tumango na lang ako.

Nakita ko naman si Ma'am Solis na papunta dito kaya nagpaalam na ako kay Ambrie. Sila na kasi yung next subject namin.


"Mauna na kami hah. Sunod ka, para makapag-ayos na kayong dalawa" sambit ko tsaka naman siya tumango.

Naglakad kami ni Vely hanggang sa waiting shed para maghintay ng masasakyan. Hirap ng buhay kapag walang Cien, walang masakyan. Charot Hahahah.

"Kuya, sa Villa po" sigaw ni Vely dahil hindi siya marinig nung tricycle driver.

Pagdating naming bahay nila si Manang Rosie yung sumalubong namin, yung kasambahay nila. Nagmano kami ni Vely sa kanila.

"Nasa loob si Cien, may ginagawa yatang project niyo" sambit nila kaya tumango kami ni Vely.

"Pasok na kami, Nay hah" ani ni Vely kaya pumasok na kami ni Vely. Iniwan namin yung blackshoes namin sa labas.

"Hit me with your Ddu Ddu Ddu 🎶"

Pagrinig namin nun natawa kami ni Vely, sobrang adik nito sa Blackpink. Bisitahin niyo timeline nya puro blackpink.

"Cien! Puro ka Blackpink!" sigaw nung Ate nung pagkababa nito. Nakita niya naman kami kaya ngumiti sila.

"Sina Vely at Dia, nandiyan oh!" sigaw uli nila kaya hininaan na ni Cien yung volume at tumingin sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Safe and SoundWhere stories live. Discover now