He can't
and he will never accept
that it's the end of their story...***
.
.
.Kasabay nang paghawi ko ng makapal na kurtinang tumatakip sa malaking bintana ng kinaroroonan kong silid ay ang pagtigil ng mga tauhan sa ibaba ng mansiyon. Alerto silang tumigil sa kung anong ginagawa upang tingalain ako.
Hindi sila nagsasawa sa ganoong gawain kahit pa ilang araw na ako rito. Para pa rin silang mga sabik na makita ako... o siguro ay matikman? Hindi ko alam...
It had been two weeks since that day... Ang araw na gumaling si Mama mula sa sakit na stage 3 cancer sa tulong ng bagets na ex boyfriend niyang may sa demonyo— Si Donovan Pedrigal.
Dito sa tila palasyong mansiyon sa gitna ng isang malawak at tagong lupain niya kami dinala. Dito na raw kami titira ni Mama. Lahat daw ng meron dito, ariin na rin daw naming amin dahil isa na raw kaming pamilya.
Ituturing daw niya akong tunay na anak kahit pa mas mukha kaming magkapatid kaysa magtatay.
"You can go out if you want," said someone.
Napailing ako nang marinig ang boses sa isip ko. Oo, siya iyon. Ang step-father kong hindi yata aware na may word na 'privacy'.
"You are safe here, amore. This land is yours now."
Amore? Ganoon ang tawag niya sa akin dahil siguro ang lalaki ay madalas sa Italy. Wala itong lahi ngunit matagal daw na nanatili sa banyagang bansa.
Tumingin ako sa malaking kama na halos gawin ko ng lungga ko sa ilang araw at gabing pananatili ko sa mansiyon na ito. Kung hindi ako lalabas ngayon ay kailan? Kapag tuluyan na akong nasiraan ng bait? I think I must go out for me to be familiarized with the place. Para kung tatakas ako, alam ko kung saan ako mananakbo.
I glanced at the old royal clock on my room's wall to check the time. It was already ten in the morning. I smiled. It was the perfect time to go out dahil mayamaya lang ay titirik na ang init ng araw at mag-aalisan na ang mga tauhan sa labas. Kahit tumumbling pa ako habang namamasyal ay ayos lang dahil solo ko na ang buong hacienda mamaya.
Tinungo ko ang malaking closet na naglalaman ng sandamakmak na mga bago at mamahaling branded na damit. Lahat ng ito ay akin. May mga tag pa ang iba at ang iba ay nasa kabilang silid dahil hindi na kakasya sa closet kung ipipilit pa rito. Ang mga sapatos ko naman ay may sariling silid dahil sobrang dami rin ng mga iyon. Maging ang mga bag, sombrelo, cosmetics, at ilan pang gamit ay umuokopa ng tatlong malalaking silid dito sa mansiyong ito. Oo, ganoon karami ang mga gamit ko. Courtesy of my step-father, Donovan Pedrigal.
BINABASA MO ANG
An Affair to Remember
RomanceHe can't and he will never accept that it's the end of their story. *** Lucia despised her stepfather, him, and his entire clan-a clan of bloodsucking vampires. Having no plans of being turned into one, she eloped with her boyfriend Lourd, a mysteri...