Kabanata V

8.1K 360 141
                                    

I WAS THE MOST BEAUTIFUL?


Paanong ako ang pinaka-magandang babae na nakita niya? Kung saan-saang lupalop siya ng mundo nakakarating, ano siya nakapiring habang nagta-travel?


Ngunit ang pagdampi ng daliri niya sa aking balikat ay isang daang porsyento mahigit ang hatid na kilabot sa akin. Isama pa ang nangungusap niyang kulay luntian mga mata na tila ba isang mamantikang liempo ang tingin sa akin.


"Masarap din ako..." pabulong kong sabi.


Napakurap si Lourd. "Huh?"


Mabilis kong naitakip ang aking palad sa aking bibig. "Ah, sabi ko... masarap ako—"


Lumapit pa siya lalo at saka yumuko. Bahagyang dumampi ang labi niya sa tungki ng aking tainga. "I know..."


"A-alam m-mo? Na masarap ako...mag-luto?" Paos at nauutal ang tinig ko. Huminga ako nang malalim saka ko sya itinulak ng bahagya nang mapagtanto ko ang ginagawa niya.


Malinaw pa sa sikat ng araw na nang-aakit ang lalaking ito! Inaakit ako!


"Hoy, Lourd! Magtapat ka nga, nakikipag-flirt ka ba sa akin?"


Mula sa pagiging mainit ng mga mata niya ay naging inosente ang kislap ng mga ito. "Flirt? Hindi ako ganoon," maang na sabi niya.


Umusli ang nguso ko. Nairita ako bigla. Hindi pala siya nakikipag-flirt, kung ganoon ay ano pala ang plano niya sa buhay?


Padabog akong lumayo sa kanya. "Ang aga-aga may paganyan-ganyan kang nalalaman diyan. May pabulong-bulong, ano?! Bakit kailangan bumulong? May makakarinig ba? May ibang tao ba?"


"Time of the month?"


"'Wag mong ipanalangin. Hindi mo gugustuhin kapag may buwanang dalaw ako. Bumubuga ng apoy ang bunganga ko."


Kinalma ko ang aking sarili. Ibabaling ko na lang ang atensyon ko sa iba kaysa kung anu-anong kakaibang emosyon na bago sa akin ang nararamdaman ko.


Lumapit ako sa malaking kalan sa kusina. "Lourd, nasaan nakalagay ang mga kaserola? Magluluto ako."


Sumandal siya sa island table. "Marunong ka?"


"Baka tumirik ang mga mata mo kapag natikman—" Natigilan ako sa sinasabi nang paglingon ko sa kanya ay makitang may naglalarong pilyong ngiti sa mapula niyang mga labi.


Nag-init ang aking pisngi at agad na nag-iwas ng paningin.


"Ituturo mo ba o ikaw ang iluluto ko?" inis kong sabi.


Bumuntong-hininga siya. "Lucia, I can just buy food for us. Hindi mo na kailangang pahirapan ang sarili mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon