Kabanata 4
A SWEET SMILE formed on Lourd's sensual lips.
"Ah, a-ano naman ang maitutulong ko sa 'yo sa future?"
"Don't worry about it right now." Tumayo na siya mula sa stool ng island table.
Lumakad siya patungo sa cabinet ng mga sandatang pandigma ng tatay niya. Binuksan niya iyon at kumuha siya ng maliit na balisong saka siya lumapit sa akin.
"Here," abot niya sa akin ng balisong. "This is a butterfly knife." Binuksan niya iyon upang ipakita sa akin kung gaano katalim. It small but deadly.
Napatitig ako roon. Purple. Kasya sa bulsa.
"Keep this." Kinuha niya ang kamay ko nang ayaw kong tanggapin iyong balisong. "Saksakin mo ako nito kapag may ginawa akong hindi mo gusto."
Tinanggap ko iyong balisong. "Sabi mo 'yan, ah!"
"Oo nga."
Nang tumalikod siya upang isara ang cabinet ay itinago ko sa likod ko ang balisong. Inipit ko sa garter ng panty ko sa likod. Naglakad ako patungo sa malaking space pagkatapos ng kusina. Ang lawak, ngunit isang antigong grand piano lang ang nandoon.
"Wala ba kayong TV? Panood naman. Nakakainip e."
"Wala kaming TV."
"Radio?"
"Wala rin."
Napapadyak ako. "Ang yaman-yaman, walang appliances?"
"Bored ka ba? Kuwentuhan na lang tayo."
"Puwede ba, ayoko nang makipagkuwentuhan sa' yo at baka ma-fall ka pa sa akin."
Ngumiti siya. "Malay mo ikaw iyong ma-fall."
"Excuse me! Hindi yata Fall for You and title nitong story natin!"
Nauna na siyang maglakad papunta sa dulo ng pasilyo. "Gusto mo bang i-tour na lang kita sa mansiyon para kahit paano'y malibang ka?"
"Ayoko nga..." Ngunit nakasunod naman ako sa kanya.
Nakangiti niya akong nilingon. "Come on! Matagal ko nang pangarap na may i-tour dito e."
"Sige na nga tutal mapilit ka."
Kinuha niya ang kamay ko at ikinulong sa mainit at malaki niyang palad. Kailangang naka-holding hands habang nag-tu-tour? Paano ko siya masasaksak ng balisong niyan kung hawak niya ang aking isang kamay?
BINABASA MO ANG
An Affair to Remember
RomanceHe can't and he will never accept that it's the end of their story. *** Lucia despised her stepfather, him, and his entire clan-a clan of bloodsucking vampires. Having no plans of being turned into one, she eloped with her boyfriend Lourd, a mysteri...