A/N. Sorry for the typographical errors. Enjoy reading!
What a boring day ugh! Bakit naman kasi ang tagal niyang tumawag?! Hanggang ngayon, hinihintay ko parin ang tawag saakin ni Keifer. Sabi niya kasi saakin kahapon ay lalabas kami ngayon to celebrate our 5th Monthsary ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tawag ni isa! Ugh!
//Door Bell//
~Dingdong~ ~Dingdong~Omo! Is he already here?! Tumakbo na agad ako papunta sa bintana ng room ko at tinignan kung sino yung nagdorbell. At kaagad ring nanlumo ng makitang hindi si Keifer yun.
Naka helmet lang siya and nakamotor kaya I already knew na hindi yun si Kiefer. Knowing Keifer, mas gugustuhin niya pang irampa ang sports car niya kaysa sa gumamit ng cheap things na ganyan.
Agad-agad na rin akong bumalik ulit sa pagkakahiga at itinakip ang unan sa ulo ko. Arghhh! Nakakatampo na siya! Bumangon ulit ako at kinuha ang earphones ko. Sinalagpak ko ito sa tenga ko at nagpatugtog ng mga sad songs. Cause this is exactly what I feel right now! Maya-maya pa'y naramdaman kong unt-unti na akong nakakatulog.
~Door Bell~ ~Door Bell~ ~Door Bell~
~Door Bell~ ~Door Bell~ ~Door Bell~Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.
Argh! What the heck was that?! Tumayo ako at inis na lumabas ng kwarto ko at padabog na isinara ang pinto.
"Manang!" pagtatawag ko sa isang maid namin. "Can you please open the damn gate naman oh! May nag do-doorbell oh!? Can't you here it?! Argh! " galit kong sigaw. Agad namang lumapit si Annie, ang isa sa pinakabata sa mga maid namin.
"Ay maam, kanina pa po namin kayo kinakatok sa kwarto niyo eh kaso hindi niyo po ata rinig. Kayo daw po kasi ang sadya nung tao sa labas maam" sabi niya saakin habang nakayuko. "Sa katunayan nga po ay kaninang alas-otso pa po siya nandun sa labas" she continued.
Huh? Did I heard it right?Ako ang sadya niya? But why me? Eh I don't even know him! Nagdadalawang isip ako kung lalabasin ko ba ang lalaki or what.
"Pero sabi ni Annie ay kanina pa raw siyang alas-otso nandito? Nakakakonsensiya naman kung hindi ko lalabasin right? " bulong na wika ko sa sarili. Sa huli ay napagdesisyunan ko na ring lumabas at kausapin kung ano ang sadya saakin nung guy na yun.
Papalapit palang ako ng gate ay nakita ko na siyang tumayo mula sa motor niya at lumapit din sa gate. Nang tuluyan na akong makalapit ay agad na niyang tinanggal ang helmet niya at nagulat nalang ako at napanganga…..
Freaking hell! He looks so hot and good looking!
"Excuse me, are you miss Sanchez? " tanong niya saakin but my mouth is still open. As in! Fafa yung kaharap ko right now! "U-uhm, miss? " tanong niya muli saakin at duon ko na naisara ang aking bibig. Whew!
"Oh, sorry! What were you saying again? " tanong ko sakanya ng hindi inaalis ang paningin ko sa mala anghel niyang muka. Nakaka LAFS naman toh huhu!
"Yeah I am Cyzhen, Keifer's cousin. " pagpapakilala niya saakin. "Pinapasabi niya nga pala sayo na hindi na muna matutuloy ang celebration niyo dahil may biglaang outing sila ng mga tropa niya" pagpapaliwanag niya.
Outing? Tropa? Ang alam ko lang ay sampu sila sa tropa nila. Yes yun lang ang alam ko cause Keifer didn't bother to introduce his friends to me. I don't know kung ikinakahiya niya ba ako or what pero never pa niyang ipinakilala saakin ang tropa niya, ever.
YOU ARE READING
Ang Maldita Kong Girlfriend
Dla nastolatkówAng storyang ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na nagkakilala sa hindi inaasahang pagkakataon pero ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para mas lumapit pa ang damdamin nila sa isa't isa. Started: July 26,2020