PROLOGUE

3.8K 120 13
                                    


Ayyyyy beh ang ganda ganda mo talaga saan kana na naman ba bobooking at naisipan mong mag pa make up sa akin ngayon? -maarteng sabi ni baklang Maring sa akin. habang pinaplantsa yung wig na ikinabit niya sa akin.

gaga di ako mambobooking ano! may lakad lang ako! -natatawang sabi ko.

actually pupunta ako ngayon sa mansyon ng mga pamilyang Del Fuero dahil ngayong gabi ipagdiriwang ang kaarawan ng demonyong pumatay sa mga magulang ko at ngayong gabi din nato ay balak ko siyang akitin para makuha ko ang loob niya para hindi na ako mahirapang patayan siya kung sakali.

pero alam kong mahihirapan ako don, dahil nasa dugo nilang magkakapatid ang dugo ni satanas. dahil nalaman kong nanggahasa ng isang inosenteng batang bakla yung panganay na anak ng mga Del Fuero ayon sa mga inutusan kong imbistigador at yung pangalawang anak naman nila ay may itinatagong pamilya. at yung bunso naman nila ay wala parin akong balita kung ano ba talaga ang tunay na baho ng putang ina gobernador na yun.

bakla baka naman mapunit na yang dress na ipinahiram ko sayo ang mahal kaya niyan! -nag aalalang sabi ni maring sa akin pero inirapan ko lang siya.

bakit magkano ba to? kaya ko naman palitan to eh kahit isang dosena pa! -pagmamayabang ko sa kanya.

actually mayaman naman ako dahil ako ang nagmana lahat ng ari ari ng pamilya ko bago sila paslangin ng walang hiyang gobernador na yun at hanggang ngayon hindi parin siya nagbabayad sa kasalanang ginawa niya dahil magaling siyang maglinis ng sarili niyang kalat.

kaya sa oras na mahulog siya sa patibong ko sinisigurado kong paglalamayan siya ng kapwa niya mga demonyo!

ohhh pak bakla tapos na ang Final look mo! -nakangiting sabi niya.

kaya naman tumayo at pumunta sa isang malaking salamin at humarap dito kaya naman nakita ko ang buong itsura ko na nakasuot ng isang High slit dress na black na kitang kita ang puti ng aking isang binti habang naka suot ng dark brown na wig na talagang bumagay sa itsura ko bilang isang nagpapanggad na babae. kaya naman napangisi ako na parang demonyo.

dahil labis akong namangmangha sa itsura ko ngayon dahil ibang iba ito sa itsura ko bilang isang Rion Lowell na maamong bakla na halos di kayang gumawa ng kalokohan.

kaya naman ngayong gabi ay sisiguraduhin kong tatatak sa utak ng gobernador na yun ang mukhang ito na nagngangalang Rian ngayon.........








ABANGAN!!!!!!!!
———————————
Ciao!!!!

TBS3: GOV. GRAYSON DEL FUEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon