MALAYA SA DILIM
Sa libo-libong tao na naghihintay sumikat ang liwanag ng araw
Isa ako sa taong naghihintay ng dilim sa pagsapit ng gabi
Hindi alintana ang panganib na nagbabadya
Kundi pagka-sabik sa kaisipang muli akong mag-iisa
Hindi alintana takot na nadarama
Bagkus, galak sa puso ko ang aking nakakapa
Mag-isang uupo sa sulok na ang tanging liwanag ay ang munting buwan sa kalangitan
Sasandal, hihinga ng malalim, at pipikit kasabay ng pag-agos ng aking 'di na mapigilang luha
Eto, eto ang dahilan kung bakit gusto ko sa kadiliman
Dahil dito,
Kaya kong lumuha at mag-wala ng walang nakakakitang kahit na sino
Hindi gaya sa liwanag,
Na kailangan kong ipakitang matapang ako
Na kailangan kong ipakitang ayos lang ako
Na kailangan kong ipakitang kaya ko pa
Kahit na ang totoo,
Konting tulak na lang matutumba na ako
Konting apak na lang madudurog na ako
Gusto ko sa dilim hindi dahil gusto ko lang magmayabang
Kundi dahil gusto ko nang ilabas lahat ng sakit at pighati
Dahil gusto ko nang mag-pahinga
Sawa na ako, sawang-sawa na
Walang umiintindi, walang sumusuporta
Walang nagpapahalaga at walang nagmamahal
Gusto kong ikubli lahat sa dilim
Gusto ko sa dilim,
Dahil dito, hindi ko kailangan magkunwari
Hindi ko kailangan mag-panggap
Dahil dito hindi ko kailangan ipakitang matatag ako
Hindi ko kailangan magkubli sa isang maskara para itago ang tunay kong nadarama
Kung paulit-ulit akong papipiliin
Liwanag o dilim?
Uulit-ulitin kong pipiliin ang dilim
Dahil sa dilim, Ako ay Malaya.❤❤❤
Ikaw ba?? Anong pipiliin mo??
Liwanag o dilim??
Just comment below👇❤