PANAGINIP
Gabi na naman
Unti-unti kong nararamdaman ang pag-bigat ng talukap ng aking mga mata
At sa tuluyang pag-pikit ng mga ito
Dilim, dilim ang una kong nakita
At tanging liwanag ng buwan ang sa akin ay gumagabay
Mag-isang nakatayo sa gitna ng kalawakan
Hanggang sa unti-unting makaaninag ng usok,
Itim na usok
Na tila sumasabay sa galaw ng hangin
Dahil unti-unti itong nawawala hanggang sa naglaho na parang isang bula
At dito ko nasilayan ang mga taong ilang metro ang layo sa akin
Oo, metro metro ang layo sa akin
Pero tila bagang nag-mistulang bomba ang aking puso dahil sa lakas ng pintig nito
Sinimulan kong mag-bilang
Isa, dalawa, tatlo..
Teka, sandali, tigil.
Ako'y nakasisigurong ito'y hindi ko kayang tapusin
Dahil ang numero nito'y tila pag-putok ng bulkan na kung saan ang usok ay tumataas,
pataas ng pataasUlitin natin
Isa, isang daan, isang libo, isang milyon
Ilan pa ba?
Ilan pa ba ang kailangang mag-positibo?
Ilan pa ba ang kailangang malagutan ng hininga?
Bago tumigil sa pagkalat ang ating 'di nakikitang kalaban
Pag dako ng aking paningin sa harapan
Mga naka-puti ang aking nasilayan
Mga naka-puti na aligaga sa pag-aasikaso sa mga may karamdaman at nag-aagaw buhay
Mga naka-puti na hindi magawang lapitan at hagkan ang mga mahal sa buhay
Hindi sa kadahilanang may nagawang kasalanan
Kundi dahil sa pagmamahal nila sa kani-kanilang pamilya ang nangingibabaw
Pag-lingon ko sa aking kanan
Mga naka kulay asul na may tangan na rebolber ang aking napagmasdan
Hindi para manindak
Kundi dahil sa kaligtasang hangad nila
Habang sa kaliwa
Iba't-ibang klase ng tao naman ang aking nakita
Na batid ko sa mga kilos nila ang pagkakaisa at pagtutulungan
Bumalik ang aking paningin sa likuran
Nakakapanindig balahibo
Hikbi, hagulgol lamang ang aking naririnig
Hindi ko malaman ang gagawin
Nang may kumalabit sa akin
Nalipat sa kaniya ang aking atensiyon
Batid ko sa mga mata nito ang kabutihan
Inabot ang kulay asul na guwantes at maskarang tumatabon mula ilong hanggang baba
Ito ang aking nagsilbing proteksiyon
Ninais ko itong sundan sa kaniyang paghakbang palayo
Ngunit Napagtanto ko lamang na ako ay nakakulong
Gusto kong makalaya pero Hindi ko magawa
Ngunit may bahagi sa aking isipan ang nagdidikta na manatili na lamang sa kinaroroonan ko dahil dito ako mas ligtas
Nagulantang ako nang may kumakalabog sa aking kinalalagyan
Napuno ng agam-agam ang isipan at takot ang aking puso
Gaya ng pinangangambahan
Tuluyan itong nawasak
Kasabay ng pag-pasok ng mga katakot takot na nilalang
Delubyo nasa aking harapan
At sa bawat pag-atras ko, pag-abante ang kanilang ganti
Takot
Takot na takot ako
Kasabay ng pag-nginig ng aking katawan
Ay siya ding pag-agos ng aking masaganang luha
Gusto kong maglaho
Dahil ito na ang huling hakbang ko patalikod
Nanghihinang napadausos ang aking likuran
Nag-mistulang batang paslit na walang magawa
Hindi sapat ang pananatili ko dito sa loob
Hindi sapat ang pagsu-suot ko ng guwantes at maskara
Para ako'y maging ligtas
May kulang
At sa patuloy nilang paglapit
Dito, napunan ko ang kulang
Sa pag-sambit ko ng,
"O Diyos ko, kailangan kita, iligtas mo ako"
Napunan ko ang kulang sa pamamagitan ng pananalig
Kasabay ng pag tawag ko
Ay ang pag-liwanag ng kapaligiran
At ang pagbaba ng 'di ko maipaliwanag na pigura
Nakakasilaw ang pag lapit Niya
Ipinikit ko ang aking mga mata
Randam ko ang pag-haplos ng mga malalambot Niyang palad sa aking magkabilang pisngi upang pawiin ang patuloy na naglalandasang mga luha
Ramdam ko ang pag-yakap niya na nagbigay kasiguraduhang ako ay ligtas na
Naramdaman kong muli ang pag-haplos ng Kaniyang palad paibaba sa aking mukha
At kasabay ng aking pag-pikit ay ang malambing Niyang tinig ang aking narinig
Na nagsasabing,
"Ikaw ay ligtas na,
Delubyo'y tapos na"At tila isang hudyat ito ng pagkawala ng aking ulirat
At sa muli kong pag-mulat
Liwanag ang aking napagmasdan
Dilim at delubyong nasaksihan
Isa lamang panaginip
Oo, isang panaginip na nagbigay aral
At gamit ang kwaderno at panulat
Mag-iiwan ng marka sa kasaysayan
Na sa bawat pag-sunod, kaligtasan ay matatamo
Sa bawat pagtutulungan, may nabubuong pag-asa
Sa bawat pag kumpas ng oras, may pagbabagong nagaganap
Sa bawat ulan na darating, may bahagharing kasunod
Ang bawat dilim ay may hangganan
Ang bawat panaginip ay may katapusan
Sa bawat hamon ng buhay, kasama natin ang Diyos sa paglaban
Sa bawat pag-agos ng pagsubok ay mananatili tayong matatag
At handang tumayong muli
Pilipino tayo, patuloy na lalaban
Patuloy na babangon
Wawakasan ko ito sa bantas na tuldok.