Prologue
I'm not really a fan, but I'm definitely not a hater either. I really like their songs though, maganda ang messages ng kanta, tugma ang beat sa liriko, walang tapon.
Napangiti ako ng tumapat sa drummer ang spotlight. He's cute. Kung ikukumpara ang mukha niya sa ka-bandmates niya, mas bata ang mukha ng isang ito. Siya yung tipo ng lalaki na hot pag seryoso pero cute naman kapag hindi. Nang tumapat ang spotlight sa vocalist nila ay halos matumba ako sa pagwawala ng audience. May hawak siyang gitara at seryoso ang mukha niyang nakatingin sa crowd.
"Starry Night! Starry Night! Starry Night! Aaaahhhhh!!!!!" Natawa ako nang magwala din sa tabi ko si Kyril. May malaki siyang poster ng Starry Night na kanina niya pa itinaas. Ibinaba niya ang poster at hinawakan ako sa balikat. Nagulat ako nang inalog alog niya ako.
"Oh my gosh! Si Enzo na!" Nagtatalon siya at tumili tili. Tumapat kasi ang spotlight sa isa pang naggigitara sa gilid. Crush na crush ni Kyril si Enzo simula dati pa. "Tignan mo yung braso niya! Aaahhh! Enzo! I love you!" Halos batukan ko siya sa pagiging hysterical niya. Fan na fan si Kyril ng Starry Night kahit nung hindi pa sila ganito kasikat. Mahal niya daw lahat ng members pero iba daw yung love niya para kay Enzo. Inlove na ata ang babaeng ito sa Enzo na yun, hindi naman siya mapapansin.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang ilang minuto na lang ay 12 na ng gabi. Tinapik ko si Kyril at binulungan siya sa tenga. "Malapit na matapos, mauuna na ako lumabas ah? Hintayin kita text mo na lang ako." Tumango siya at bumalik ulit sa pag-cheer sa kanila.
Nahirapan pa akong lumabas dahil lahat ng tao na nadadaanan ko ay nagwawala. Ang iba ay nagagalit dahil sumisiksik ako para makalabas. Ang iba naman ay natutulak ako. "Hi! Isang water tsaka snickers po." Sumimangot ako habang inaayos ang buhok kong nagulo ng sobra. "Hindi pa tapos ang concert ah?" Tumango ako sa sinabi ng babae.
"Ah opo. Nauna lang akong lumabas, nabobored ako." Tumango siya at binigay na sakin ang order ko. Naghanap ako ng mauupuan at inilabas ang cellphone ko. Pagkaupo ko ay tinawagan ko si Gian. "Mukhang malapit na matapos itong concert, pauwi na din kami ni Kyril mamaya."
Binuksan ko ang snickers at kumagat. "Sure, pero bakit parang hindi maingay? Nasaan ka?" Napatingin ako ng bumukas ng malaki ang pintuan kung saan ako lumabas. Mukhang tapos na ang concert. "Nauna akong lumabas. You know, bored. Not a fan. Sige na bye!" Pinatay ko ang tawag at inabangan si Ky na lumabas. Nang makita niya ako ay tumakbo agad siya sakin, namumula ang mata at ilong.
"Waaaah! Sobrang pogi ni Enzo I could die!" Niyakap niya ako ng mahigpit at suminghot pa. "Thank you for coming here with me! Ayaw kasi ako samahan nila Nash eh! Humanda sakin sa monday yun!" Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa pisngi. "You're the best!"
Patuloy ang pangungulit ni Kyril sakin tungkol sa braso daw ni Enzo na kumikinang dahil sa pawis habang naggigitara siya. Napaisip ako kung sasabihin ko ba kay Kyril na magiging ka-schoolmate namin sila o hindi. It's better to give her a heads up, huh? "Ky, may artista daw na lilipat sa university natin sa monday."
Alam ko dahil ako ang President ng SSG sa University. Sa akin sinasabi ng principal kung sino sino ang mga nagttransfer sa school and ako ang nagsasabi sa members. Usually, kaming SSG ang nagwewelcome sa mga bagong lipat na students and nililibot nila namin sila sa Campus para hindi sila maligaw. Pero sabi ng principal, ako at dalawang boys ang isama ko sa pag-tour sa kanila sa Campus.
‘Wag mo na isama si Vargas, you already know how much she loves those guys.’
"Oh? Sino daw?" Tanong niya na parang wala siyang pake. Nagkibit balikat ako at may biglang huminto na kotse sa tapat namin. Binuksan ko ang pintuan sa passenger seat at sa likod pumasok si Kyril. "How's the concert?" Si Kyril ang sumagot habang may pag-tili pa siyang nalalaman. Isinuot ko ang seatbelt ko at isinandal ang ulo sa bintana. "Where's Gian?" Tumingin siya sakin saglit.
"At home. Ako na lang daw magsundo sa inyo." Pumikit ako at pinakiramdaman ang hita ko. Kumikirot siya at medyo nanginginig sa pagod dahil halos apat na oras kaming nakatayo sa concert. Hindi man lang ako makaupo kahit sa lapag dahil nagwawala ang mga katabi namin. Kung sakaling magpumilit akong umupo ay baka matapakan ako.
"Hey, good morning." Dumilat ako at nagulat nang nasa kwarto na ako. "What happened?" Tinignan ko si kuya Angelo na nakaupo sa gilid ng kama ko. Ibinaba niya ang kanyang salamin at hawak na libro. "Binuhat ka ni Kier papunta dito sa kwarto mo kagabi. Mukhang napagod ka ng sobra sa concert, ang sarap ng tulog mo sa sasakyan. Dinala ko na ang pagkain mo dito para hindi mo na kailangang bumaba. Magpahinga ka na lang muna ngayong araw, madami kang aasikasuhin sa school niyo bukas."
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Hinawakan niya ako sa ulo at tumayo na. "Thanks, kuya." Kinindatan niya ako at naglakad palabas ng kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone kong nakacharge sa gilid ng kama ko. Madami akong nareceive na messages kay Kyril.
'Thank you ulit sa pag-sama sakin kagabi. Ililibre kita bukas ng kahit anong gusto mo!'
'Ang sarap ng tulog mo sa sasakyan kaya hindi na kita ginising, mukhang pagod na pagod ka, I'm sorry!'
'Babawi talaga ako sayo bukas, promise!'
'Sinong artista ulit yung lilipat satin? Hindi mo sinabi sakin kagabi, ang unfair mo!'
'Thanks for giving me a ride pala, I love you!'
Tumayo ako at kinuha ang laptop sa lamesa ko. Inopen ko ito at nagbukas agad ng Facebook. Bumungad sakin ang post ni Ky na puro mukha ni Enzo. Binuksan ko ang group chat ng SSG at nakitang pinapagalitan ni Kyril ang boys na hindi siya sinamahan. Nag-tipa ako ng message at pinatay ulit ang laptop.
‘Nash and Chris, may itotour tayong transferee bukas. Don't be late. 7am sharp sa school.’
—————————————————
Author:
Hi! I'm smolmaddie, y'all can call me smol. I hope you support my first ever story! I'm still a newbie so expect lots of errors and mistypings. If you find it hard to read because of the cringiness, I'm sorry in advance! I"m still learning po huhu. Thank you so much!!!!!
YOU ARE READING
Chasing Star
RomanceHindi biro ang pagiging SSG President lalo na kung ang mga students ay rebelde. Pero paano na lang kung ang pinaka-sikat na banda ay lumipat sa University na pinamumunuan mo? Paano mo maiiwasan ang rebelde na mga students kung patuloy kang hinahabol...