Kabanata 1
"How's your legs, Luna?" Umupo ako sa tabi ni kuya Kier. Inabutan niya ako ng plato. Nginuso ko kay kuya Kiel ang tinapay at agad niya itong inabot sakin. Nilagyan ko ng ham at cheese ang tinapay. "Medyo okay na pero nangangalay siya ng konti pag nilalakad." Kumagat ako at napatingin kay Gian.
"Ikaw maghahatid sakin sa school?" Tumango siya at inabutan ako ng isang baso ng gatas. "Hurry up, 6:30 na. You don't wanna be late to your second week." Halos masamid ako ng malaman ko ang oras. 6:30 na pala! And ako pa mismo ang nagsabi sa kanila na wag ma-late ngayon!
Inilapag ko ang baso sa lamesa at agad na tumakbo paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang sigaw ni kuya Kier. "Careful!"
Nagsuklay ako saglit at naglagay ng konting lipstick sa aking labi. Isinabit ko ang backpack ko sa kaliwang balikat at nagmadali pababa. Nang mapadaan ako sa dining area, kinuha ko ang tinapay na hindi ko naubos kanina at pumunta kay kuya Angelo para halikan siya sa pisngi. "Mag-ingat ka. Don't tire yourself too much baka di kayanin ng legs mo."
Hinalikan ko sa pisngi si kuya Kier. "Bye, my baby Luna!" Hinalikan ko sa pisngi si Kiel. "Be careful, wag kang takbo ng takbo." Kinawayan ko sila at nagmadaling naglakad palabas ng bahay. Nakaparada na ang kotse ni kuya Kiel sa tapat ng gate, pero si Gian ang magddrive. "Pwedeng pakibilisan ang pagmaneho? I'll be late na!"
Habang nasa biyahe, paunti unti kong kinain ang tinapay na bitbit ko. Tinignan ko si Gian na seryosong nagddrive. "Hindi ka talaga lilipat sa University ko?" Tinignan niya ako saglit at ngumuso. "Don't wanna. Kung may gulo kang papasukan sa campus, ayokong madamay." Inirapan ko siya.
As if naman ako ang may problema! Hindi ko kasalanan kung ako ang pinili nilang maging President. Madami na ngang aasikasuhin na schoolwork, poproblemahin ko pa ang ibang students. Madami na akong na-encounter na rebelde kahit first week pa lang ng pasukan. Some of them are girls, masyado silang tumatambay sa comfort room, puro kwentuhan ang inaatupag at puro make up. Ang ibang boys na nahuli ko naman ay nakatambay sa Court at sa Rooftop. And first week pa lang, napa-away na ako agad. Masyadong tinetest ng students ang pasensya ko, masyado silang nagmamataas porket mga anak mayaman sila. I gave them what they want, and pag pinapatawag sila sa Office, ako pa daw ang nag-initiate ng away.
"It's not my fault, Gian. I tried to be nice, but they're testing my patience. Anong akala nila sakin hindi ko sila papatulan? Oh come on." Tumawa siya at kinurot ako sa pisngi. "Our Luna's so brave." Inirapan ko siya at tinampal ang kanyang kamay. "You're treating me like a child. Ikaw ang mas bata sa atin!" Nagtaas siya ng kilay sakin. "You're just a month older than me."
Well, it's true naman pero mas nauna ako ipinanganak sa kanya. To not confuse you guys, I have four siblings. Si kuya Angelo ang eldest, 24 na siya. Si kuya Kier at kuya Kiel ay twin, mas naunang ipinanganak ng minuto si kuya Kier kaya siya ang pangalawa, 22 na sila. Ako ang pang-apat at si Gian ang bunso, parehas na 18. Pero ako ang itinuturing nilang bunso. Si mommy at daddy ay nasa America, mommy owns a flower shop and daddy owns a hotel, parehas na nasa America ang negosyo nila. Usually, umuuwi lang sila dito tuwing christmas break.
Sinimangutan ko siya ng pinitik niya ang noo ko. "What are you zoning out about?" Inirapan ko siya. Hinalikan niya ako sa noo. "Thanks for driving me here. Ingat!" Lumabas na ako agad ng sasakyan at tumakbo papasok ng campus.
Madami nang students ang nasa harap ng school. Nang makapunta ako sa gilid ng mini stage ay niyakap agad ako ni Kyril. "Good morning!" Nginitian ko sila at inayos ang aking buhok. "Ikaw ang nagsabi na wag ma-late pero here you are." Ngumuso ako kay Nash.
"Good morning, students! Nagpatawag ako ng General Assembly to let you all know na may artists na lumipat sa ating Campus." Agad na napuno ng bulungan ang crowd. "And I want you, students, to treat them like a normal students just like you all. No favoritisms and especially, no fighting!" Pinunasan ko ang pawis ko sa aking noo at tumingin sa gate ng school. May nagpark na magarbong sasakyan sa tapat ng gate. Oh, they're here!
Binulungan ko sila Kyril. "They're here, come with me." Naglakad kami papuntang gate habang sinundan kami ng tingin ng ibang students.
‘Who could possibly be it?’‘Present ang buong SSG members, they must be pretty famous.’
‘Sino kaya sa tingin mo?’
‘Is it a boy or a girl?’
‘Hindi ko pa alam kung sino pero super excited na agad ako!’
Humilera kami sa tapat ng sasakyan nila. "Guard them. Ako bahala kapag may nagpumilit. Kyril, stay behind my back." Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan ay rinig ko ang sabay sabay na pagsinghap ng mga students. Ilang segundo pa silang nakatulala hanggang sa makabawi sila sa gulat."OH MY GOD, STARRY NIGHT!"
"Aaahhhh!!"
"Am I dreaming?!"
"Oh my god, pinch me!"
"Eros!!!!"
Agad silang nagtakbuhan palapit samin. Ang ibang students ay tinutulak sila Nash para malapitan nila sina Eros. Nakakapit sa likod ko si Kyril at tumitili. Nairita ako ng itulak ako ng iilang students. Halos magwala ang mga babae dahil nasa harap nila ngayon ang Starry Night. Itinaas ko ang isa kong kamay at hinipan ni Alex ang pito niya. Nanahimik ang students na nakatapat sakin.
"Don't waste my fucking time calming your fangirl hearts. Y'all still want to test my patience here?" Malakas kong salita kaya dahan dahan silang umatras. May ibang nairita samin dahil hinaharangan namin ang idol nila. May iba namang natakot dahil na din kay Nash na nakasimangot na. Nilingon ko si Kyril na nakatulala sa mukha ni Enzo. "Kyril." Agad na napatingin sakin si Kyril at tumango. "Yes ma'am!" Nauna siyang naglakad habang nagsasabi ng "Excuse me! Thank you!" sa mga nakaharang.
Napahawak ako sa noo ko sa sobrang inis. "Umagang umaga, chaos agad. Bakit dito pa kasi?" Hindi na nagtutulakan ang students pero karamihan pa din sa kanila ay hysterical kung tumili. Tinanguan kami ng principal kaya nauna na kaming pumasok sa campus.
May tumapik sa balikat ko. Nilingon ko si Yohan na nakangiti sakin. "I'm sorry for the trouble we gave you." Rinig kong sabi niya. Whoa, he's cuter in person! Nginitian ko siya at tumango. "Oh, it's fine. They can't help it. Starry Night is here, what can they do?" Narinig ko ang mahinang halakhak ni Yohan.
Inilabas ko ang susi ng SSG room at naunang pumasok sa loob. "Have a seat, dito muna tayo hanggat hindi pa talaga sila nakakapunta sa rooms nila." Umupo sila sa kabilang sofa. Umupo kami nila Kyril sa tapat nila.
"I'm Maya Eliana Agustin. I'm the President here. Whenever you have a hard time because of them, just tell me so." Naglabas ako ng maliit na papel at isinulat ang number ko, kinuha ni Yohan ang papel. Siniko ko si Kyril na kanina pa nakangangang nakatitig kay Enzo. Napatalon siya sa gulat at agad na naglahad ng kamay kay Enzo. "I'm Kyril Vargas! Please nice to meet you! I'm a huge fan!"
Ngumuso ako sa halos patili na introduction ni Kyril. Sina Alex ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin kay Kyril. Ngumiti si Yohan at Enzo. "I'm Enzo Zamora, Nice to meet you." Hinawakan ni Enzo ang kamay ni Kyril at hinalikan ito. Nanlalaki ang mata ni Kyril na tumingin sakin. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "I-I'll be right back!" Tumakbo siya palabas ng SSG room.
"I'm sorry about that. It's just that, she likes you a lot." Sabi ko kay Enzo, ngumiti siya at ngumuso. "How did you do that, Maya?" Napatingin ako kay Yohan na malaki ang ngiti. "You managed to shut them all up!"
Tinignan ko si Eros na seryosong nakatingin sakin. Hindi siya bumibitiw ng tingin. "Karamihan sa kanila ay nagpapasaway agad sa first week ng klase. They even tried to pick a fight with me but..." Nagkibit balikat na lang ako.
YOU ARE READING
Chasing Star
RomanceHindi biro ang pagiging SSG President lalo na kung ang mga students ay rebelde. Pero paano na lang kung ang pinaka-sikat na banda ay lumipat sa University na pinamumunuan mo? Paano mo maiiwasan ang rebelde na mga students kung patuloy kang hinahabol...