Part 13. Breakdown

3 2 0
                                    

Part 13. Breakdown

"Fe-fern. 'Yung teatro,  na-nasusunog d-daw."

Nang marinig ko ang boses ni Grace na natataranta ay kaagad na nawala ang antok ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi alam kung susugod ba ako sa teatro kahit gabing-gabi na.

"Bakit? A-anong nangyari sa teatro?" natataranta ko na ring tanong sa kanya. Bumangon ako sa higaan at hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko saka ako napakamot sa ulo.

"Hi-hindi ko rin alam. Hindi mo ba natanggap ang text ni Boss Carter?" Sa tono pa lang ng pananalita ni Grace ay seryoso siya at alam kong hindi siya magbibiro sa ganitong oras.

Tiningnan ko naman ang inbox ko kung may natanggap  akong text ni Boss at meron nga. Thirty minutes na ang nakakalipas nang matanggap ko 'yon.

Hindi na talaga ako mapakali.

Kaagad akong tumayo at isinuot ang dilaw kong hoodie jacket.  Madali akong lumabas ng apartment ko kahit na mag-a-ala una na ng madaling araw.

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa teatro. Wala na rin naman akong masakyan dahil tulog na ang mga tao.

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang sinasapit ng mahal kong teatro. Kinakain ng apoy ang likod na parte ng gusali at sigurado akong 'yon ang Theater Room. Nag-uunahan sa paglabas ang makakapal at maiitim na usok doon. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapagsalita. Wala akong magawa.

Tuluyan nang rumagasa ang nag-uunahang kong luha.

"Fern," Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Kahit na nanlalabo ang paningin ko ay alam ko kung kaninong boses 'yon. Si Grace na nanlulumo rin sa nakikita namin.

Bakit? Bakit ang bilis ng mga pangyayari?

Napaupo ako at gano'n din si Grace na nakayakap pa rin sa akin. Hindi nauubos ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Ang daming tanong sa isip ko na hindi masagot. Masaya pa akong nagperform kanina sa loob ng teatrong 'yan.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Para akong namatayan.  Ganito ang pakiramdam ko ngayon. Parang namatay 'yung pangarap ko na muling makapag-perform sa harap ng maraming tao at ipakita sa kanila kung gaano ka-deserving na makilala ang teatro minahal ko—minahal namin.

Ang dami ng ala-alang binuo ko kasama ang mga katulad kong artista sa loob ng teatrong 'yan. Tapos sa isang iglap,  nawala lahat. Naging abo lahat.

Hindi ko magawang tumahan, gano'n din si Grace na nakatitig pa rin sa nasusunog na teatro. Ang hirap kumalma. Gustong-gusto kong pumasok sa loob ng teatro at isalba man lamang ang mga gamit namin pero hindi ako makakilos.

Hindi ko 'to kinakaya...at mukhang di ko kakayanin pa.





RAY

I SAW HER.  Nakasalampak sa kalsada kayakap si Grace,  nag-uunahan ang pagdaloy ng luha sa kanilang mukha. Damn!

Ganito pala ang pakiramdam na makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Nasasaktan ka rin.

Bakas ang sobrang kalungkutan sa kanila habang pinagmamasadan ang ginagawang paglamon ng apoy sa teatro.

Dalawang Fire Truck at nasa dalawampung bumbero ang sumusubok na umapula ng lumalaking apoy.

Mabuti na lamang at gising pa ako nang matanggap ko ang text ni Carter. Kaagad kong inilibot ang paningin ko kung nasaan si Carter ngayon  at nakita ko siyang tulala na nakaharap sa gusaling itinayo pa ng mga magulang niya. Walang ekspresyon ang mukha niya,  tulala lang.

 Descendants of Arts (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon