**1

387 11 13
                                    

**1

Ito na ba ang huling araw ko sa mundong ito? Mga walang awa ba tong taong ito? Pati babae sinasaktan. Joanna.. Kung andito ka lang tiyak na hindi ako masasaktan..

"I hate to say this, pero sasabihin ko na din. AALIS KAYO O MAMAMATAY KAYO?!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Michelle. Pero anong ginagawa niya dito? Hindi ba't galit siya kay Joanna.  Sa bagay kay Joanna naman siya galit at hindi sa akin.

"Wag kang makialam dito, miss!!"

"SABI NG UMALIS KAYO EH!!" Narinig ko ang ingay na gawa ng bakal na hinagis niya. Naroon iyon kanina malapit sa kanya. na Tumama iyon sa isa sa mga lalake. Nakita kong luminga-linga pa siya at napirmi ang tingin niya sa isa pang bakal. Mas malapit sa kanya at di hamak na mas malaki at makalawang kumpara sa hinagis niya kanina. Naunawaan yata ito ng mga lalaking nakapalibot sa'kin kaya nagsi-takbuhan na sila papalayo. Kay Michelle pa lang takot na kayo, pano pa kaya kung kay Joanna na..

"Hindi ganyan ang nakilala kong Joanna.. Anong nangyari sa'yo? Humina ka na ba?"

Napatitig ako sa kanya at saka mapait na ngumiti. Ang buong akala niya'y ako si Joanna. Kung ganon ay wala pa pala siyang alam.

"Hindi mo pa rin siya napapatawad, Mich?"

Napatitig siya sa'kin halatang nagtataka sa sinabi ko. Nang hindi pa rin siya makapagsalita ay tinuloy ko ang gusto kong sabihin.

"Hindi ako si Joanna, Mich. Hindi ako ang bestfriend mo--"

"Ex. Ex-bestfriend."

"Talaga? Sana mapatawad mo na siya. Dahil naniniwala akong kung buhay pa siya ngayon ay grabe ang pagsisisi niya. Sana nagkausap kayo bago nangyari ang lahat. Bago siya nawala.."

Nanlaki ang mga mata niya. Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig. "P-patay na si Anna?"

"Napatawad mo na siya, Mich? Anna na ulit ang tawag mo sa kanya.." Napangiti ako ng mapait. "Masakit mang isipin oo, patay na siya. Namatay siyang pinagsisisihan ang lahat.."

"OH!" napaupo siya sa tabi ko at niyakap ako at umiyak..

"Hindi ko alam Anne, Hindi ko alam.. Ang sama kong bestfriend.."

Kung alam mo lang Michelle, kung alam mo lang kung gano kasakit ang pinagdaanan niya.. Mas masakit pa sa pinagdaanan mo at inaakala mo..

"Alam mo namang ikaw at ang Your Nightmare lang ang naging kaibigan niya.. At masakit mawala ang bestfriend niya.. Masakit na ikaw ang isa sa dahilan ng pagkamatay niya.."

"I'm sorry Anne.. I'm so sorry.. Hindi ko alam.."

"Kung buhay pa siya at malaman niyang napatawad mo na siya ay tiyak na masaya ang kambal ko.. Masaya si Joanna.."

 

 

"I'm sorry.."

 

 

"Stop saying you're sorry. Kahit ilang beses kang magsorry ay hindi na siya babalik.. Wala na siya Michelle.. Hayaan mo na lang atleast napatawad mo na siya."

 

 

Pinilit kong tumayo noon, kahit nanghihina ako. Agad kong tinungo ang sasakyan ko at doon umiyak..

Joanna, why so mean? Bakit sa'kin mo pinasa ang lahat ng ito? Akala ko patay ka na. Bakit parang buhay ka pa rin. Bakit parang ganun parin. Sana bago kita pinatay ay hinayaan muna kitang ayusin ang lahat ng ito..

Tama ang nabasa mo. Pinatay ko siya. Pinatay ko si Joanna.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Bakit ka umiiyak Mich?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng kapatid ni Mich.

"Anong problema mo?!"

"Patay na siya Anthony! Patay na si Anna! Kung hindi sana sa pagkakamali mo ay buhay pa siya!"

Nagulat si Anthony sa narinig niya sa kapatid niya.

"Hindi yan totoo.." mahinang sabi nito at napayuko. 

"Yung ang totoo Anthony. At wala ng makakabago pa non."

"Paano siya namatay?"

 

 

"Walang nakakaalam bigla na lang siyang nawala. At hindi na nakita pa."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Icomment ang opinion niyo!!! :D Para malaman ko kung maganda ba o hindi!! :D

Born TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon