L: Epilogue

533 12 3
                                    

— 41 —


"Wow! Masarap ba?" Tanong ni Drix dahilan kung bakit kunot-noong napabaling ako sa kaniya. "Ah, Ella, may papakilala nga pala 'ko sa 'yo," nag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "Si Ate Sam mo pala, kaibigan ko."


"Hi po! Ako po si Mikaela and 4 years old, Ella na lang po," masiglang tugon niya na may malapas na ngiti sa kaniyang labi. She's small, her skin is in the mid tones and she has a pair of beautiful eyes.


"Hi," I simply smiled at her before I looked at Drix who purses his lips.


"Yours?" Pareho kaming nakatingin kay Ella na tahimik na kumakain sa gulid niya. Tumango siya nang makaupo kami sa isang bench malapit kung saan kami nagkita.


"She really looks like you," kumento ko bago bumaling sa kaniya na nakatingin sa 'kin. "Hmm?"


"Ngayon na lamang tayo nagkita 'no?" Napatingala siya sa langit bago tumingin sa 'kin. "May pamilya ka na rin ba?"


"Wala 'no! Tinaboy ko nga," I faked a chuckle and saw how his brows furrowed. "Bakit?"


"Kumusta na Sam?" Tanong niya't 'di ko alam bakit napa-awang lamang ako ng labi at walang salitang mailabas.


"I-I..." hindi ko mapatapos ang sagot ko nang nagsimulang namuo ang luha sa 'king mga mata. "I don't know...." pumatak ang luha sa 'king pisngi pero agad ko 'tong pinunasan.


"Drix," tawag ko sabay kagat ng pang ibabang labi. "Bakit parang ang hirap kong tanggapin na tapos na ang nakaraan?"


His lips parted and tears started falling down on my cheeks. Before he could speak, he handed Ella his phone and played something to distract her.


"Gusto ko siya Drix pero..." mas lumakas ang pag iyak ko habang kagat ang pang ibabang labi. "Hindi ako karapat-dapat eh, ako'y isang manlolo ko."


"Sam, alam kong mali ang ginawa natin noon pero kailangan rin natin 'tong pagsisihan," aniya at natahimik ako. "Pero dapat 'wag rin natin pabalik-balik isipin ang nangyaring 'yon dahil baka 'yon ang hindi makapag galaw sa 'ting kinabukasan."


"Pero mahirap Drix..." hikbi kong sabi sabay iwas ng tingin at hinawakan niya ang balikat ko. "Ang hirap..."


"Oo mahirap," nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Pero, hindi ka naman nag-iisa," nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya. "Dahil may isang tao talaga na darating sa buhay mo at ipapakita sa 'yo ang lahat ng sagot sa mga katanungan mo."


"Na importante ka sa kaniya, espesyal, na masaya siya pag kasama ka," aniya't bigla ko siyang naalala.


"Na magpapakita sa 'yo na karap-dapat kang mahalin," I looked at him with teary eyes. "Kaya minsa'y dapat rin nating alamin na baka ang taong makapagpabago sa 'tin ay dahan-dahan na pala'y lumalayo."


"I love him," I love Ferris...


"E 'di sabihin mo," he smiled. "'Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa Sam dahil baka darating ang araw na pagsisihan mo ang lahat." Tumango ako sa kaniya sabay punas ng mga luhang natira sa 'king pisngi.


LumalapitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon