CHAPTER 2 - FIRST DAY

10 0 0
                                    

ZHY POV

Monday ngayon.Papunta na ako sa DIAGO COMPANY dahil tinawagan ako at sinabi na pumunta raw ako doon.

Pero ito rin ang unang araw ko bilang secretary ng lalaking natapunan ko.

Aishhh pano na to baka kaya ako pinapapunta roon dahil tanggap na ako.Pero paano na yung lalaki na yunn!!

"Ma una na po ako."

"Sige anak mag iingat ka ah."

"Opo."

Lumabas na ako at sumakay na ng tricyle papuntang company.

Kumatok na muna ako at may nagbukas ng pinto.

"Oh Zhyxhana right? " Tanong ng isang magandang babae.

Oh my ang ganda naman ni  Miss. Misty Coleen Diago ang vice president ng company na ito.

"Ah yes po opo."

"Seatdown."

Umupo na ako sa upuan na nasa harapan niya.

"Okay pinapunta kita dito para sabihin na tanggap kana as a secretary ng president." Ngumiti siya sa akin.

"Talaga po!? Maraming salamat po mam."

"Your welcome." Sabay ngiti sa akin. "And i want you to meet the president of this company." Sabay tayo ng secretary ni mam Misty at pumunta sa may pinto at binuksan.

WHAT!!? Siya? OH MY!!

Napayuko na lang ako. 'Di ko naman kasi alam na siya pala ang president ng company na 'to.Pero okay na rin kase mababawasan problema ko.

Bigla akong napatingin sa bag ko na nasa hita ko.Ay oo nga pala yung polo ni SIR.

Kalmado lang siyang tiningnan ako. What?  Bakit 'di man lang siya nagulat na ako pala yung bagong niyang secretary?

"Oh ikaw pala."

"Ah Sir opo ako nga po." Kabadong sabi ko.

"Come to my office." Sabay tingin kay mam Misty. "Misty siya ba yung sinasabi mo na new secretary ko? "

"Yes kuya siya lang kase ang nakita kong pwede mong maging secretary in 1 month lang naman eh." Sabi ni mam Misty.

WHAT!? Magkapatid sila?

"Tsk. Naunahan pa kita." Sabi ni Sir sabay labas ng pinto.

"Ah mam una na po ako salamat po ulit." Sabi ko.

"Okay.Sana makayanan mo si kuya suplado pa naman yan. "

'Di ko na lang pinansin si Mam at sinundan ko na si Sir.

Nakita ko na 'yong office na pinasukan niya ay may pangalan na Zachary Luic Diago Office.

Bakit parang pamilyar 'yong pangalan niya?

'Di ko na lng yun pinansin at pumasok na lang ako sa loob.

"Make me a coffee." Sabi niya habang nakatingin sa loptop niya.

Nakakagulat naman 'to si Sir ang sarap na ng tingin ko sa loob ng office niya tapos bigla siyang nagsalita.

Pumunta na ako run sa coffee maker niya.

"Sir eto na po oh." Sabay lapag ng kape sa lamesa niya.

"Ano ba naman tong kape na 'to ang pait!"

"Hala! Sir sorry po uulitin ko na lang."

"Ganun pa rin ang lasa niyan kase ikaw din gagawa! "

"Linisin mo na nga lang yang mga papeles diyan!" Sigaw niya.

Hayy ang suplado nga pero okay lang basta may ma sahod.

Sinimulan ko nang linisin yong mga papeles na nakakalat.Habang pinag sasama sama ko may nakita akong picture na nakalawit sa isang libro.

Ang cute naman ng girl sino kaya ito baka si Mam Misty.

Binalik ko na lang 'yong picture sa libro at tinuloy ang pag lilinis.

Ang daming pinagawa sa akin ni Sir Zach.

Sir Zach na lang daw tawag ko sa kanya.Napagod ako roon ah.

Uwian na at naghihintay ako ngayon dito ng tricycle o kaya jeep sa labas na company.Nang may bumusina sa likuran ko na kotse at muntik pa akong mabangga.

Ayy kabayo!!!

Lumapit ako sa kotse na bumusina sa akin. Babanggain pa yata ako ng mukong na 'to.

"Hoy! 'di mo ba nakikita na may tao sa harap mo lumabas ka nga diyan!!" Sigaw ko habang pinupukpok yung kotse niya.

Biglang bumukas ang bintana at.......

Hala! si Sir Zach pala.Oh my!

"Manahimik ka nga nakakarindi ka! Tsaka bakit pa kasi nandiyan ka eh daan yan!" Sigaw niya.

Oo nga pala bakit ba kase nandito ako naghihintay aishhh.

"Ay sorry po Sir Zach eh kasi naman po walang nang dumadaan doon na mga sasakyan kaya lumipat ako rito."

"Tsk. Sakay."

"Ha!? Sir wag na po maghihintay na lang ako. "

"Sabi ko sakay!"

Wala na akong nagawa kasi baka sisantihen pa ako nito eh.Pumasok na ako sa loob ng kotse niya at nagseatbelt na.

"Saan ba yung bahay niyo? "

"Ah doon po sa may sampaguita street ituturo ko na lang po kapag andoon na tayo."

'Di na siya nagsalita im sure narinig niya naman yung sinabi ko.

Nakatingin ako sa labas ng mapansin ko na nandito na kami sa may sampaguita st.

"Ah Sir doon po sa kaliwa tapos po dire-diretso lang po kayo. "

Lumiko naman siya agad sa kaliwa at sa wakas nakarating din.

"Sir salamat po sa pag hatid."

"Your welcome." Sabi niya sabay pasok sa loob ng kotse niya at humarorot na.

"Anak sino 'yon?" Sabi ni mama na nasa may pinto.

"Ah ma 'yong boss ko po 'yon nag magandang loob lang na ihatid po ako."

"Ah o sige na pumasok ka na at kumain ng makapag pahinga ka na."

"Sige po ma."

Gaya nga ng sinabi ni mama pumasok,nagpalit at kumain na rin ako.Matutulog na sana ako ng maalala ko na hindi ko pa pala naibabalik 'yong polo ni Sir.

Ibabalik ko na lang bukas.

Papikit na 'yong mata ko ng biglang magvibrate ang cellphone ko.

FROM:SAM

Zhy gala naman tayo 'di na tayo nakakagala eh tsaka miss na rin kita.

Nireplyan ko na lang si Sam ng....

TO:SAM

Sige Sam sa day-off ko sa sunday gala tayo.Miss you na rin.

Hayss makatulog na nga.

-----------------------------------------------------------

A/N: Hope you like and enjoy this chapter.

Vote and comment na rin kayo.

I love you all💕

-yellowcoffee_

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His 1 Month Secretary (on going) Where stories live. Discover now