CHAPTER 1-FIRST MEET

9 0 0
                                    

ZHYXHANA POV

Magpapakilala muna ako. Ako nga pala Zhyxhana Mae Yulin masasabi kong hindi ako mabait dahil may pagka maldita ako, hindi kagandahan. Meron akong best friend which is si Samantha sam for short daw. Sakto lang din 'yong tangkad ko simple lang akong babae. Yung best friend ko naman na 'yon ang daming nagkakagusto roon pero 'di niya raw bet. Minsan nga naitatanong ko sa kanya bakit ako pa 'yong naging best friend niya marami pa namang iba na kasing level niya.

"Anak baba na kumain kana at baka malate ka pa sa interview mo!" Ayan na si mama sumisigaw na.


"Opo ma bababa na." Nasabi ko na lang kahit inaantok pa 'ko baka akyatin na naman ako ni mama rito.



Bumaba na 'ko at sakto nakita ko si mama at kuya nasa hapag-kainan na. Nga pala ang papa ko nasa heaven na, aish 'wag na nga lang natin pag usapan 'yon nalulungkot lang ako.

"Oh anak kumain ka na rito baka maubos pa ito ng kuya mo."



"Grabe naman ma 'di naman ako masyadong gutom ngayon sakto lang hihi." Nakangiting sabi ni kuya Neil habang si mama naman napailing lang.


"Hay nako kuya kumain ka na nga lang dyan." Natatawang sambit ko.



"Ay anak ano ready kana ba sa interview mo?" Ani ni mama tiningnan ko lang siya at mukhang naghihintay ng sagot si mama.




"Hindi masyado ma kinakabahan ako eh pero sana matanggap ako. " Sabi ko na medyo kinakabahan.



"Alam mo bunso alam ko naman na matatanggap ka eh ang galing mo kaya." Sabi sa'kin ni kuya.


"Hay nako kuya bahala na si batman." Iyon na lang ang nasabi ko.


Kumain na lang kami ng tahimik pag katapos naming kumain niligpit na ni mama yung mga plato, habang si kuya naman naghanda na kase papasok na siya ng trabaho niya.

Ako naman umakyat na lang ako sa kwarto ko naligo, nagbihis, nag ayos nagpulbo at nag pabango lang ako yun lang naman kase lagi kong ginagamit eh.Kinuha ko na 'yong bag ko at bumaba na nakita ko si mama nanonood ng tv.

"Ma una na po ako."Sabi ko.


"Sige anak magiingat ka ah." Sabi ni mama lumingon ako at 'di ko makita si kuya magpapaalam sana ako.




"Ah ma nasan si kuya?" Sabi ko.


"Ah ang kuya mo nauna na siya eh." Sabi ni mama.


"Ah ganun po ba sige po una na ako" paalam ko.



Lumabas na ko at naglakad papuntang tricyclelan. Pagdating ko roon sumakay agad ako.

DIAGO INC. COMPANY

Napa idlip pala ako sabi kase ni manong eh bumaba na ako at inabot ko na yung 20 pesos kay manong.Grabe napaka laki naman kompanyang ito.Pagtapak ko pa lang sa entrance namangha na talaga ako dahil napaka aliwalas at napaka ganda rito.


Nakita 'kong naka tingin yung ibang mga employees pero 'di ko na lang sila pinansin at nag tuloy tuloy na lang ako.


Ay saan nga ba ulit dito 'yong interview room.Ay ayun may babae. Kinalabit ko 'yong babae.


"Yes? " Sabi nung babae.

"Ahm magtatanong lang sana saan ba rito yung interview room?"


His 1 Month Secretary (on going) Where stories live. Discover now